CHAPTER SEVENTY TWO (CHENELYN'S HIDDEN AGENDA)

40 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SEVENTY TWO
"Chenelyn's Hidden Agenda"

KAKARATING LANG NI MARIELYN SA BAHAY NILA.
PAALIS NA SI WINSTON PA CEBU.

Marielyn: Kuya, anong nangyari kay mommy?

Winston: May nang holdup sa kanila sa Cebu kaya nagpa book agad ako ng flight papunta dun.

Marielyn: Diyos ko. Kamusta na si mommy? Ano daw lagay niya?

Winston: Don't worry, okay na siya ayon kay Agatha pero kailangan kong pumunta dun para sunduin sila.

Marielyn: Pero okay ka na ba? Yung bali mo, baka makasama sa'yo?

Winston: Ayos lang ako Mauilyn. Kaya ko ang sarili ko. May maghahatid sa akin sa airport at may susundo rin sa akin sa Cebu kaya don't worry about me. I have to go.

Marielyn: Mag iingat ka kuya. Ikamusta mo nalang ako kay mommy. Ivi-video call ko na lang din siya mamaya.

Winston: Okay, ikaw na muna ang bahala dito.

Marielyn: Sige kuya.

UMALIS NA SI WINSTON.
••••••••••••••••••••
SA ISANG MALIIT NA BAHAY.
NAKAHIGA SA PAPAG ANG ISANG BABAE AT KINAKAUSAP SIYA NI JENNY.

Jenny: Inay, kamusta ang pakiramdam niyo?

Vangie: Okay na ako anak. Napagod lang ako kaya hinimatay ako..

Jenny: Inay, sabi ko naman po sa inyo diba, huwag na muna kayong magkikilos dito sa bahay. Ako na lang po ang bahala.

Vangie: Anak, nahihiya na kasi ako sa'yo. Ikaw na lang lagi ang kumikilos sa bahay, ikaw pa itong nag hahanap buhay. Ako ang nanay niyo pero wala akong silbi dito (napapaluha).

Jenny: Inay, huwag niyong sabihin yan. Sapat na yung ginawa niyong pag aalaga sa amin ni Boyong. Marami na kayong sinakripisyo para sa amin kaya ngayon na malaki na po ako at kaya ko ng magtrabaho, ako naman po ang bahala sa atin.

Vangie: Hindi mo naman dapat nararanasan ito anak. Kung nandito lang ang ama mo, hindi ka maghihirap ng ganito.

Jenny: Huwag na po nating pag usapan yan, Inay. Magpahinga na po muna kayo at maghahanda na po ako ng makakain. Boyong...

Boyong: (Enter) Ate?

Jenny: Dito ka muna at bantayan mo ang Inay. Bibili lang ako ng bigas sa labas.

Boyong: Opo.

LUMABAS NA SI JENNY.

••••••••••••••••
CEBU.

SA TINUTULUYANG HOTEL NINA DOÑA ALYN AT ROLANDO.

Doña Alyn: Mabuti nga sa Bertalyn na yan! Magpasalamat siya at binuhay ko pa siya dahil hindi pa ito ang tamang panahon para mamatay siya! Marami pa akong gustong gawin sa kanya at sa pamilya niya!

Rolando: Ganun talaga katindi ang galit mo sa kanya?

Doña Alyn: Oo Rolando! Dahil sa kanya, nasira ang lahat ng mga plano ko! Dahil sa kanya, nakulong ako at muntik ng mabulok sa bilangguan kaya hindi ko siya titigilan! Paglalaruan ko siya hanggang sa magsawa ako at saka ko siya papatayin kasama ang buong pamilya niya!

Rolando: Kailangan mong paghandaan ang lahat ng yan. Hindi ka pwedeng magpadalus-dalos.

Doña Alyn: Alam ko Rolando. Nagkataon lang naman talaga na nag krus ang mga landas namin dito sa Cebu kaya napaaga ng kaunti ang pakikipag laro ko sa kanya, pero wala pa yan sa mga susunod kong gagawin sa kanya pag dumating na ang tamang oras ng paghihiganti ko!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon