LYN SISTER
CHAPTER 156
"ANG REBELASYON NI ALYN"SA ST. JOSEPH HOSPITAL.
SINA DELIA AT AVA NAMAN ANG NAGBABANTAY KAY LADY VERA.
Lady Vera: Hindi pa ba tumatawag ang anak kong si Winston?
Ava: Eh hindi pa po Lady Vera eh.
Delia: Pero huwag na po kayong mag alala Lady Vera dahil naniniwala po ako na maililigtas nila sina Marielyn. May awa ho ang Diyos.
Lady Vera: Sana nga kasi hindi ko talaga kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko.
NAPALUHA SI LADY VERA.
••••••••••••••••••••••••••
SA LUMANG WAREHOUSE.TINUTUKAN NG BARIL NG MGA PULIS SI DOÑA ALYN.
SP04 Certeza: Wala ka ng takas Alyn kaya sumuko ka nalang ng maayos!
Kendralyn: Huwag niyo pong babarilin ang mommy ko! Susuko po siya!!!
Doña Alyn: HINDI! HINDI AKO SUSUKO ANAK!
Kendralyn: Mommy please! Tama na!
SP04 Certeza: Alyn, huwag mo ng dagdagan ang kaso mo! Sumuko ka na lang!!!
Doña Alyn: HINDI NIYO AKO MAHUHULI!!!
HINATAK NIYA SI KENDRALYN AT HINOSTAGE.
Kendralyn: Ahhhhhh!!! Mommy!!!
Doña Alyn: (Tinutukan ng baril si Kendralyn sa ulo) SIGE!!! Subukan niyong lumapit!!!
Sp04 Certeza: (Inutusan ang mga kasamang pulis) HOLD YOUR FIRE!
Don Chito: Kendralyn!
Chenelyn: Diyos ko! Nasisiraan na ata si Alyn! Pati sarili niyang anak magagawa niyang saktan?
Mauilyn: Sagad talaga sa buto ang kasamaan niya!
Jenny: Ate Kendralyn...
Vangie: Ate Alyn! Anong klase kang ina? Pati sarili mong anak hino-hostage mo?
Doña Alyn: TUMAHIMIK KA! WALA KANG PAKIALAM!!!
Marielyn: Panginoon, iligtas Niyo po si Ate Kendralyn!
Winston: Napakasama mo Alyn! Pakawalan mo si Kendralyn!
Kendralyn: (Umiiyak) Mommy, please sumuko ka na. Nakikiusap ako sa'yo!
Doña Alyn: (Napailing at napaluha) Hindi anak. Ayokong makulong! Ayokong mabulok sa kulungan! I'm sorry if I have to do this pero hindi nila ako pwedeng ikulong!
Kendralyn: Mommy, kailangan mong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa mo. Sumuko ka na lang please!
Doña Alyn: Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa'yo anak!
Kendralyn: Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito para sa akin mommy. Masaya naman ako na nandiyan ka at sina daddy. Mommy, please sumuko ka na. I don't wanna lose you again.
Doña Alyn: Hindi mo naiintindihan anak! Tayong dalawa lang ang magkakampi! Kapag nakuha ko na ang kayamanan ni Chito aalis na tayo dito sa bansa at magpapakalayo na tayo! Tayong dalawa lang anak!
Kendralyn: No mommy. Kahit makuha mo pa ang kayamanan ni Daddy at makatakas ka sa batas hindi ako sasama sa'yo dahil hindi naman tayo magiging masaya! I love you mommy pero Mahal ko din po si Daddy at ayokong iwan siya. Hindi ko ipagpapalit si daddy sa kayamanan na makukuha mo sa kanya kaya please lang mommy, tama na! Sumuko ka na!
SP04 Certeza: Alyn Villaviceño, bitawan mo na ang anak mo! Hindi ka namin sasaktan! Sumuko ka lang ng matiwasay!
Doña Alyn: MAGSITIGIL KAYO!!! HINDI NIYO AKO MAUUTO! SIGE! LUMAPIT KAYO! PAPATAYIN KO TALAGA ANG ANAK KO AT MAGPAPAKAMATAY NA RIN AKO!!!!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?