LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY NINE
"Business Partners"UMAGA.
SA ISANG RESTAURANT SA CEBU.
NANDOON SINA LADY VERA AT AGATHA AT MAY MGA KAUSAP NA MGA FILIPINO-CHINESE BUSINESS MEN.Lady Vera: I think that's a good deal! I am very excited to be your business partner!
Mr. Ang: We are looking forward to it!
Lady Vera: (Ngumiti) Me too.
MAYA MAYA AY PUMASOK SA RESTAURANT NA IYON SINA ROLANDO AT DOÑA ALYN. AGAD NAMATAAN NI DOÑA ALYN SI LADY VERA.
Doña Alyn: Si Bertalyn ba yun?
NAPATINGIN DIN SI ROLANDO.
Rolando: Anong ginagawa niya dito?
NAKITA SILA NG ISANG KAUSAP NINA LADY VERA AT TINAWAG SI ROLANDO.
Mr. Go: Rolando! Dito na pala ikaw!
NAPALINGON SINA LADY VERA. TUMALIKOD NAMAN AGAD SI DOÑA ALYN.
Rolando: Bumalik ka muna sa kotse bilis! Hindi ka pwedeng makita ni Bertalyn.
Doña Alyn: Oo!
NAGMADALING LUMABAS SI DOÑA ALYN.
SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI LADY VERA PERO HINDI NAMAN NIYA ITO NAMUKHAAN DAHIL NAKATALIKOD ITO AT IBA ANG KANYANG BUHOK.
LUMAPIT SI ROLANDO SA GRUPO NINA LADY VERA.Mr. Go: Ikaw upo na, Rolando.
NAUPO SI ROLANDO.
Mr. Ang: Rolando, this is Lady Vera Dizon, our new business partner! Lady Vera this is Rolando Esteban one of our business partners as well.
Lady Vera: (Ngumiti kay Rolando at nakipag shakes hands) Nice meeting you Mr. Rolando Esteban.
Rolando: Nice meeting you too, Lady Vera.
Lady Vera: Nakita ko kanina na may kasama ka pero biglang umalis? Is she your wife?
Rolando: Ah yes. May nakalimutan lang siya sa kotse kaya bumalik siya doon.
Lady Vera: I see.
NAKASILIP NAMAN SI DOÑA ALYN SA DI KALAYUAN AT TINATANAW SI LADY VERA.
Doña Alyn: Talagang dito pa tayo sa Cebu pinagtagpo! Hmmmm... Pwes, humanda ka dahil paglalaruan kita ngayon! Hahahahaha!!!!
•••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
MAGKAUSAP SINA MARIELYN AT WINSTON SA GARDEN. NASABI NA NI WINSTON ANG TUNGKOL SA NAGING HULING PAG UUSAP NILA NI MAUILYN.Marielyn: Kaya pala umalis na sina Ate Mauilyn sa condo mo? Kailangan ko siyang kausapin kuya.
Winston: Hayaan mo na muna siya Marielyn. Maiintindihan ko kung masama ang loob niya sa akin. It's my fault. Ginamit ko siya para makaganti tayo kina Alyn at Kendralyn.
Marielyn: Pero kailangan ko pa rin siyang makausap kuya. Dadamayan ko lang siya.
Winston: Ikaw ang bahala. Kung sa tingin mo mapapagaan mo ang loob ng Ate Mauilyn mo, go ahead.
HINDI NA SUMAGOT SI MARIELYN.
••••••••••••••••••
SA CEBU.ISANG WAITRESS ANG PAPALAPIT SA TABLE NINA LADY VERA. MAY DALA ITONG MAINIT NA KAPE.
NATALISOD ANG WAITRESS AT NATAPUNAN NG MAINIT NA KAPE SI LADY VERA.Lady Vera: (Nabigla at napatayo) Ohhhh!!!
NAGULAT DIN ANG MGA KASAMAHAN NIYA MAGING SI ROLANDO.
Waitress: Naku Sorry po Ma'am!
Agatha: (Nabigla) Lady Vera! Okay lang kayo?
PINUNASAN NI AGATHA NG TABLE NAPKIN ANG DAMIT NI LADY VERA.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?