CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY (ANG HULING LYN) FINALÉ

88 2 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 160
"ANG HULING LYN"

FINALÉ

MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN.
NAIKASAL NA RIN SA WAKAS SINA DON CHITO AT CHENELYN.

NAGING ENGGRANDE ANG KASAL NILA DAHIL MAHABA ANG NAGING PANAHON NG PAGHAHANDA.

NAGBAKASYON SINA DON CHITO AT CHENELYN SA AMERIKA UPANG DOON MAG HONEY MOON.
HALOS ISANG BUWAN DIN SILANG NAWALA.
•••••••••••••••••••••••
SAMANTALA, ILANG LINGGO NA PALANG NASA OSPITAL SI DOÑA ALYN DAHIL SA PATULOY NA PAGSAKIT NG KANYANG MGA BUTO SA
TUHOD AT HITA.
MAGANG MAGA NA RIN ANG KANYANG HITA AT TALAGANG NAHIHIRAPAN NA SIYANG MAKALAKAD.
AYON SA GINAWANG LABORATORY TEST SA KANYA AY MAYROON SIYANG BONE CANCER NA NASA LAST STAGE NA.
MALAKI NA RIN ANG IBINABA NG KANYANG TIMBANG.

NALAMAN ITO NI KENDRALYN KAYA AGAD NIYANG DINALAW SI DOÑA ALYN SA OSPITAL. AWANG AWA SI KENDRALYN SA ITSURA NGAYON NI DOÑA ALYN.

Kendralyn: (Umiiyak) Mommy... I'm sorry kung hindi kita nadalaw agad. I'm sorry kasi tiniis kita ng matagal. Hindi ko alam na ganito na pala ang kalagayan mo.

Doña Alyn: (Nanghihina) It's okay anak. Naiiintindihan ko. Hindi ko na rin talaga ginusto pa na ipaalam sa'yo ang sitwasyon ko dahil ayoko ng makadagdag sa iniisip mo. Alam kong masaya ka na sa buhay mo at ayoko ng sirain pa 'yun. Marami akong nagawang mali at pagkukulang sa'yo kaya siguro parusa ko na rin ito para sa mga masamang nagawa ko sa iyo at sa mga mahal mo.

NAPALUHA SI DOÑA ALYN.

DUMATING SINA DON CHITO, CHENELYN, VANGIE AT LADY VERA.

Lady Vera: Alyn...

Vangie: Ate Alyn...

Chenelyn: Nalaman namin ang tungkol sa kalagayan mo.

Don Chito: Kamusta ka?

Doña Alyn: Bakit kayo nandito? Gusto niyo bang makita na nakakarma na ako sa mga ginawa ko sa inyo?

Lady Vera: (Napaluha) Hindi Alyn. Nandito kami para ibigay sa'yo ang pagpapatawad.

Chenelyn: Alam kong marami kang pagkakasala sa amin pero handa ka naming patawarin.

Don Chito: Alyn, patawarin mo rin ako kung may mga nagawa akong mali sa'yo at kung hindi ako naging perpektong asawa sa'yo.

NAPALUHA SI DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Patawarin niyo akong lahat. Patawarin niyo ako sa mga nagawa kong mali sa inyo. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Pinaparusahan na ako ng Diyos sa mga kasalanan ko kaya binigyan niya ako ng malalang karamdaman. Tanggap ko na. Ito na ang parusa ko sa mga masasamang nagawa ko. Patawarin niyo sana ako.

Lady Vera: Pinapatawad ka na namin Alyn.

Vangie: Ate Alyn, mahal na mahal kita sa kabila ng mga ginawa mo sa akin. Hindi ko makakalimutan ang pagtatanggol mo sakin sa mga nang aaway sa akin noong mga bata pa tayo. Sana lang nagkaroon pa tayo ng mas mahabang panahon para mas naging close tayo habang nag dadalaga tayo. Siguro hindi ganito ang kina hantunga nating dalawa.

Doña Alyn: Hindi na natin maibabalik ang nakaraan Vangie pero masaya ako dahil kahit papaano eh nandito ka at ipinaalala mo sa akin ang mga panahon na mabuting tao pa ako. At least kahit papaano eh narinig nilang lahat na hindi naman talaga ako ipinanganak na masamang tao.

Kendrayn: Mommy, magpagaling ka ah? Kailangan mong labanan ang sakit mo. Kailangan mong magpalakas.

Doña Alyn: Hindi na anak. Tanggap ko na na hindi na ako magtatagal. Pakisabi nalang sa daddy mo na si Rolando na sana mapatawad niya rin ako kung hindi ko sinabi sa kanya na anak ka niya. Mahal na mahal kita anak... Mahal na maha------

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon