CHAPTER SIXTY FIVE (The Accident)

54 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY FIVE
"The Accident"

ILANG LINGGO ANG LUMIPAS.
SA JANSOM UNIVERSITY.
MAGKASAMA SINA KENDRALYN AT MARIELYN SA LIBRARY.
DOON SILA MADALAS MAGKITA AT MAG KWENTUHAN KAPAG WALA SILANG KLASE.

Marielyn: Ate Kendralyn, sorry kung hindi kita mapagbigyan na makita mo si Dad ah? Hindi ko rin kasi alam kung paano eh. Pero huwag kang mag alala, gagawa pa rin ako ng paraan para makita mo siya.

Kendralyn: It's okay Marielyn. Salamat dahil kahit papaano, ina-update mo naman ako about kay Dad. I miss him so much.

Marielyn: Sinasabi ko yan lagi kay Daddy at alam ko miss ka na rin niya.

Kendralyn: (Napaluha) Sana tuluyan na siyang gumaling.

Marielyn: Sana nga ate.

BIGLANG DUMATING SINA MAUILYN AT DANIELLA.

Mauilyn: So tama pala si Daniella? Nakikipagkita ka pala talaga sa demonyitang Kendralyn na ito?

Marielyn: (Nabigla) Ate Mauilyn?

Mauilyn: Hindi ba sinabihan ka na namin ng kuya mo na iwasan mo na yang si Kendralyn? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?

Marielyn: Ate, wala namang masama kung makipag usap ako sa kapatid natin diba?

Mauilyn: Hindi natin siya kapatid! Wala tayong kapatid na demonyita!

Kendralyn: Mauilyn pwede ba? Huwag mong pagalitan si Marielyn na akala mo naging mabuting ate ka sa kanya!

Mauilyn: You shut up dahil hindi kita kinakausap.

Marielyn: Tumigil na kayong dalawa. Nakakahiya, nasa loob tayo ng library.

Mauilyn: Let's go Marielyn, iwanan mo na yang babaeng yan!

TUMINGIN SI MARIELYN KAY KENDRALYN.

Kendralyn: Sige na Marielyn, okay lang. Baka mag eskandalo pa yan dito eh. Ayoko ng gulo kaya go ahead, sumama ka na sa kanya.

Mauilyn: Wow? Bait baitan lang? Alam mo pwede kang artista eh, ang galing mong mag drama!

Kendralyn: (Ngumiti) Alam mo Mauilyn, mas bagay sa'yong mag artista, baka nga manalo ka pa ng best actress award eh sa sobrang husay mong mag drama!

Mauilyn: Really?

Marielyn: Tama na ate Mauilyn. Tayo na.

NAG SARCASTIC SMILE SI KENDRALYN.

Mauilyn: (Inirapan si Kendralyn) Plastic!

UMALIS NA SINA MAUILYN, DANIELLA AT MARIELYN AT NAIWAN SI KENDRALYN.

••••••••••••••••••••
SA ISANG PRIBADONG SHOOTING RANGE.
NANDOON SINA DOÑA ALYN AT ROLANDO.
NAG AARAL SI DOÑA ALYN KUNG PAANO TUMARGET. MARUNONG NAMAN SIYANG HUMAWAK NG BARIL NGUNIT HINDI SIYA PROPESYONAL KAYA NAG AARAL ITO UPANG PAGHANDAAN ANG KANYANG PAGHIHIGANTI KINA LADY VERA.

HAWAK NI DOÑA ALYN ANG BARIL. MAY SUOT SIYANG EARMUFFS, SHOOTING GLOVES AT MAY SHADES.
INAALALAYAN SIYA NI ROLANDO.

Rolando: Puntiryahin mong mabuti ang target tsaka mo iputok.

NAG CONCENTRATE SI DOÑA ALYN AT IPINUTOK ANG BARIL SA TARGET--- BULLS EYE!

Rolando: Magaling! Mukhang mabilis kang matuto.

Doña Alyn: Ako pa ba? Hmmmm... Ngayon, humanda sa akin ang Bertalyn na 'yan!

Rolando: Siya nga pala, bukas na ang alis natin pa Cebu. Doon muna tayo pansamantala dahil may kailangan akong asikasuhing negosyo doon.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon