LYN SISTERS
CHAPTER 152
"BIHAG"SA BAGONG BAHAY NINA DON CHITO.
NASA SALA NA SINA DON CHITO, KENDRALYN, CHENELYN, BECKY AT MAUILYN.BINIGYAN NG TUBIG NI YAYA ONESSA SI DON CHITO.
Yaya Onessa: Dun Chetu, ominum pu mona kayu.
UMINOM NG TUBIG SI DON CHITO.
Chenelyn: Chito, ayos ka lang ba?
Don Chito: Ayos lang ako Chenelyn. Inaalala ko lang si Jenny. Baka mapahamak siya sa ginawa niya.
Kendralyn: Dad don't worry. Hindi mapapaano si Jenny kasi kasalukuyan ng isinasagawa ng mga pulis ang entrapment operation kay mommy.
MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI MAUILYN. SI WINSTON ANG TUMATAWAG.
Mauilyn: Si Winston, tumatawag na.
SINAGOT NI MAUILYN ANG CELLPHONE NIYA.
Mauilyn: Hello Winston. Anong balita? Nahuli na ba si Alyn? (Nakikinig sa sinasabi ni Winston) W-What?
••••••••••••••••••••••
SA ISANG PARK. NANDOON SI JENNY AT TILA MAY HINIHINTAY.MAYA MAYA AY DUMATING ANG SINASAKYANG KOTSE NI DOÑA ALYN AT BUMABA ANG ISANG LALAKE NA MAY DALANG BARIL AT LUMAPIT KAY JENNY.
LALAKE: Sumakay ka sa kotse, nag aantay na sa'yo si Ma'am Alyn.
SUMUNOD AGAD SI JENNY AT SUMUKAY SA KOTSE AT NAKITA SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Hi Jenny, kamusta?
Jenny: (Napaluha) Tita Alyn, nasaan ang Inay at kapatid ko?
Doña Alyn: Makikita mo rin sila kaya huwag kang mag alala pero bago 'yan, may pupuntahan muna tayo.
Jenny: S-Saan po?
NAG EVIL SMILE SI DOÑA ALYN.
•••••••••••••••••••••••••
SA HOSPITAL LOBBY NG ST. JOSEPH HOSPITAL.NANDOON SI MARIELYN AT KAUSAP SI WINSTON SA PHONE.
NALAMAN NA NIYA NA HINDI NAGTAGUMPAY ANG ENTRAPMENT OPERATION NILA KAY DOÑA ALYN.Marielyn: Ano? Paano na 'yan Kuya? Paano pa mahuhuli si Tita Alyn?
Winston: (Kabilang linya) Hindi ko alam. Napaka tuso talaga niya! Akala ko mahuhuli na namin siya!
MAYA MAYA AY BIGLANG MAY LALAKENG SUMIGAW.
Lalake: MAY BOMBA!!!
NAGKAGULO SA OSPITAL. NAGTATAKBUHAN ANG MGA TAO AT NABANGGA SI MARIELYN KAYA NALAGLAG ANG PHONE NITO.
Marielyn: Ahhh!!
Winston: Marielyn? Anong nangyayari diyan? Marielyn?
NATAPAKAN NG MGA NAGTATAKBUHANG TAO ANG PHONE NIYA.
Marielyn: Anong nangyayari? Anong meron?
MAY PUMINDOT NG EMERGENCY BUTTON.
SUMIGAW ANG ISANG BABAE.Babae: May bomba daw! Sasabog daw ang ospital na ito!!!
KINABAHAN SI MARIELYN.
••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI LADY VERA.SI ALDRIN ANG NAGBABANTAY SA KANYA.
Lady Vera: Wala pa ba si Marielyn?
Aldrin: Baka pabalik na po 'yun. Nagtext siya kanina na paakyat na daw po siya eh.
Lady Vera: May kasama ba siyang body guards?
Aldrin: (Umiling) Wala po. Ang sabi po kasi niya hindi naman daw po kailangan dahil nasa loob lang naman siya ng ospital.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?