LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY SEVEN
"The Ex BF"ST. MARICAR DOCTORS.
SA LABAS NG KWARTO NI WINSTON.
MAGKAUSAP SINA MARIELYN AY KENDRALYN.Kendralyn: Salamat Marielyn dahil hinayaan mo akong makita ang Kuya Winston mo.
Marielyn: (Ngumiti) Wala yun Ate Kendralyn. Pasensiya ka na ah, wala akong magawa para kumbinsihin sila na huwag ng magalit sa'yo.
Kendralyn: Okay lang yun. Naiintindihan ko naman. Sige, mauna na ako.
Marielyn: Salamat ulit Ate sa pagtulong mo kay kuya Winston.
Kendralyn: Don't mention it. I'll go ahead.
UMALIS NA SI KENDRALYN.
BUMALIK NA SA KWARTO NI WINSTON SI MARIELYN.
GISING SI WINSTON.Marielyn: Oh kuya, gising ka na pala?
Winston: Actually, kanina pa. Alam ko din na nagpunta dito si Kendralyn.
NAMUTLA SI MARIELYN.
Marielyn: I'm sorry kuya kung hinayaan ko siyang bumisita sa'yo dito. Alam kong galit kayo sa kanya pero kuya ramdam ko na nagbago na si Ate Kendralyn at alam ko din na mahal ka pa rin niya kaya concern pa rin siya sa'yo sa kabila ng mga nangyari.
Winston: I know. Narinig ko ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam pero tama ka, sa tingin ko nagbago na talaga siya at hindi naman niya siguro talaga gusto ang mga ginawa ng mommy niya.
Marielyn: You mean, hindi ka na galit kay Ate Kendralyn?
Winston: I don't know. Pero nabawasan yung pagkainis ko sa kanya. Siguro kung mapapatunayan niya na nagbago na talaga siya baka may chance pa na mapatawad ko siya.
Marielyn: (Ngumiti) Masaya ako kuya dahil sa wakas lumalambot na yung puso mo. Alam mo kasi kuya sa lahat ng mga nangyari sa atin isa lang ang napatunayan ko eh, na mas magaan sa pakiramdam kapag tinanggal natin ang mga galit sa puso natin. Mas masaya at mas may peace of mind tayo kapag alam natin na wala tayong kaaway at wala tayong kinikimkim na poot sa puso natin.
HINDI NA NAGSALITA SI WINSTON. NAPAISIP NA LANG SIYA SA SINABI NI MARIELYN.
•••••••••••••••••••
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW.
NAKALABAS NA NG OSPITAL SI WINSTON AT NAKAUWI NG BAHAY NILA.
MAGKAUSAP SILA NI LADY VERA.Lady Vera: Kamusta ang pakiramdam mo anak?
Winston: Okay na Ma. Wag na po kayong mag alala.
Lady Vera: Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala, kailangan kong magpunta sa Cebu bukas dahil may aasikasuhin ako doon. Ikaw na muna ang bahala sa VGC at sa kapatid mo. 2 days lang naman ako dun.
Winston: Okay mommy, no problem.
••••••••••••••
SA KWARTO NI DON CHITO.
NANDOON SI MARIELYN.Marielyn: Dad, gusto mo bang mamasyal? Alam ko naiinip ka na dito eh. Alam niyo, masaya ako dahil mukhang lumalambot na ang puso ni Kuya Winston kay Ate Kendralyn. Sana balang araw maging okay na sila para maging mas masaya tayong lahat. Sana din magkasundo na sila ni Ate Mauilyn dahil alam ko po yun din ang gusto ninyong mangyari, ang makita kaming tatlo na magkakasundo. Kaya gagawin ko po ang lahat para magkaayos na rin silang dalawa.
Don Chito: A-La-lam k-ko... Da-Da-ra-ti-ting d-din a-ang ar-araw na-na yu-yun.
NAIANGAT NI DON CHITO ANG KANYANG KAMAY AT HINAWAKAN SI MARIELYN.
NGUMITI SI MARIELYN.Marielyn: Gusto niyo po bang makita si Ate Kendralyn? Pwede ko kayong dalhin sa mansion bukas. Ang alam ko po kasi aalis si Mommy papuntang Cebu. Ito na po yung tamang pagkakataon para magkita kayo ni Ate Kendralyn.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?