CHAPTER TWENTY NINE (Auction)

42 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER TWENTY NINE
"Auction"

KINABUKASAN.
NAG UUMAGAHAN ANG PAMILYA VILLAVICEÑO.

KITA SA MUKHA NI KENDRALYN NA MASAYA SIYA AT GOOD MOOD.

Doña Alyn: Anak, mukhang masaya ka ah? Anong meron?

Don Chito: Oo nga anak, may kailangan ba kaming malaman?

Kendralyn: Actually Daddy, Mommy, may gusto po akong sabihin sa inyo.

Doña Alyn: What's that?

Kendralyn: Kami na po ni Winston.

NASAMID SI MAUILYN.

Marielyn: Ate Mau, okay ka lang?

HINDI SUMAGOT SI MAUILYN.

Don Chito: Si Winston Dy?

Kendralyn: Opo Dad.

Doña Alyn: (Ngumiti) Talaga anak? Kayo na ni Winston? Congratulations anak!

Kendralyn: Thanks Mom.

Don Chito: Hindi ba't kakakilala niyo lang dalawa nung isang gabi? Bakit ang bilis naman yata ng pangyayari?

Doña Alyn: Ano ka ba Chito, ganun na talaga ang panahon ngayon! Hindi na pinapatagal ang mga bagay bagay. Besides, kilala mo naman si Winston Dy hindi ba? He's young, rich and a handsome gentleman.

Kendralyn: Tsaka daddy, sa sandaling nakasama ko siya naramdaman ko na po agad na mahal ko na siya at mahal niya ako kaya sinagot ko na po siya.

Don Chito: Well, I guess wala na akong magagawa. Basta be responsible anak. Alam mo naman na siguro ang ibig kong sabihin?

Kendralyn: (Ngumiti) Yes dad.

Mauilyn: (Tumayo) Excuse me, busog na ako. Dad, pwede ba akong umalis? Pupuntahan ko lang po si Tita Becky at dadalawin namin si Mommy.

Don Chito: Sure.

Doña Alyn: Oh, dadalawin mo ang mommy mo sa mental? Paki kamusta na lang ako sa kanya okay?

HINDI SUMAGOT SI MAUILYN AT UMALIS NA.

Marielyn: Daddy, ako din po sana magpapaalam. Dadalaw lang po ako sa ampunan.

Don Chito: Sige Hija.

Kendralyn: You know what Marielyn, you should call Aldrin para naman masamahan ka niya dun.

Marielyn: H-Ha?

Kendralyn: Dad, may gusto ring sabihin sa inyo itong si Marielyn tungkol sa kanila ni Aldrin.

Don Chito: What is it? Don't tell me kayo na rin ni Aldrin?

Marielyn: Po? Naku Daddy, hindi po.

Kendralyn: But, he is courting Marielyn dad and I think they're bagay naman.

NAMUMULA SI MARIELYN.

Don Chito: Tama. Kilala ko si Aldrin at mabait na bata 'yun. Bagay nga kayo anak, pero gaya ng sinabi ko sa ate Kendralyn mo, be responsible kung sakaling maging nobyo mo na siya.

HINDI SUMAGOT SI MARIELYN. HINDI NIYA ALAM ANG SASABIHIN.
••••••••••••••••••
SA SECOND FLOOR NG MANSION.

NASA LABAS NG PINTO NG KWARTO NI DOÑA ALYN SI MAUILYN.
LILINGA LINGA SIYA AT SINIGURO NIYA NA WALANG TAO SA PALIGID TSAKA BINUKSAN ANG PINTO.

Mauilyn: Hmmmm...Humanda kang Alyn ka. Sigurado ako na may itinatago kang lihim at may masasamang plano ka kaya ka nagbalik sa buhay ni daddy at kung ano man 'yun, sisiguruhin kong hindi ka magtatagumpay.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon