CHAPTER SIXTY SIX (The Visitor)

50 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY SIX
"The Visitor"

NAGMAMADALING DUMATING SINA MARIELYN AT MAUILYN KUNG SAAN NA AKSIDENTE SI WINSTON PERO WALA NA ITO DAHIL NADALA NA SA OSPITAL.

Marielyn: Ate Kendralyn, nasaan na si Kuya Winston?

Kendralyn: Nahuli kayo ng dating. Dumating na kasi yung ambulansiya kaya dinala na siya sa ospital.

ALALANG ALALA SI MARIELYN.

Mauilyn: Hoy Kendralyn, totoo ba yang sinasabi mo ah? Baka naman gumagawa ka lang ng istorya?

Chelsea: Totoo ang sinasabi niya! Nabangga talaga ng kotse si Winston!

Kendralyn: At saka bakit naman ako gagawa ng istorya?

Mauilyn: Eh malay ko ba kung may binabalak ka lang na masama kay Marielyn kaya mo siya pinapunta dito!

Kendralyn: Alam mo ikaw, ang dumi mong mag isip!

Mauilyn: Can you blame me? Eh sa wala akong tiwala sa'yo eh?

Kendralyn: Palibhasa gawain mo kaya binibintang mo sa sakin!

Mauilyn: Ah ganun?

ITINULAK NI MAUILYN SI KENDRALYN.

Marielyn: Ate Mauilyn ano ka ba?

Kendralyn: Sumosobra ka na ah!

ITINULAK NI KENDRALYN SI MAUILYN.

Mauilyn: Ayan! Ganyan nga! Lumaban ka at huwag kang magpanggap na anghel dahil alam naman nating lahat na demonyita ka!

Marielyn: Ate Maui pwede ba tama na?

Mauilyn: At bakit ako ang sinasaway mo? Bakit hindi yang si Kendralyn ang pagsabihan mo?

Marielyn: Alam mo, kung gusto mong makipag away sige makipag away ka! Basta ako pupuntahan ko nalang si Kuya Winston!

Pia: Sa St. Maricar Doctors siya dinala!

Marielyn: Salamat.

PUMARA NG TAXI SI MARIELYN.

Marielyn: (Binuksan ang pinto ng taxi at tinignan si Mauilyn) Ano Ate, sasama ka ba o makikipag away ka na lang diyan?

Mauilyn: (Tumingin kay Kendralyn) Magpasalamat ka at kailangan na naming umalis (Sabay pasok sa loob ng taxi).

PUMASOK NA RIN SI MARIELYN.
TUMINGIN SIYA KAY KENDRALYN.

Kendralyn: Ingat ka Marielyn.

BAHAGYANG NGUMITI SI MARIELYN KAY KENDRALYN SABAY SARA SA PINTO NG TAXI.

Marielyn: Sa St. Maricar Doctors po tayo.

Taxi Driver: Sige ho.

UMANDAR NA ANG TAXI.
SINUNDAN SILA NG TINGIN NINA KENDRALYN.

Chelsea: Naku! Nakakagigil talaga yang Mauilyn na yan! Ang sarap niyang palakpakan sa mukha!!!

Pia: True! Very squatter ng ugali! Sobrang warfreak!

Kendralyn: Hayaan niyo na siya. Makakarma din yun..

Chelsea: Tara na nga, nagugutom na ako eh.

Kendralyn: Sige na girls, kumain na kayo.

Pia: Kami lang? How about you?

Kendralyn: Susunod ako sa ospital.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon