CHAPTER ONE HUNDRED SEVEN (TRUTH OR DARE)

23 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER ONE HUNDRED SEVEN
"TRUTH OR DARE"

HABANG NAGKAKA SIYAHAN ANG LAHAT SA PARTY NI JENNY AY MASINSINANG NAG UUSAP SINA JENNY AT LUISA.

Jenny: Ano, nagawa mo ba yung pinapagawa ni Tita Alyn?

Luisa: Oo. Sigurado akong mapapahiya ng husto 'yang si Mauilyn.

Jenny: Hmmm...

LUMAPIT SI KENDRALYN SA KANILA.

Kendralyn: Jenny.

NATIGILAN SINA JENNY AT LUISA.

Luisa: Sige po Senyorita Jenny, mauna na po ako.

Jenny: Sige.

EXIT LUISA.

Jenny: Ate Kendralyn...

Kendralyn: Nasan na ang mga kaibigan mo? Bakit bigla silang nawala?

Jenny: Ah umuwi na sila Ate Kendra eh pero si Josh nandun sa table nina Ate Mauilyn kausap sina Daniella at Shana.

Kendralyn: I see. Sayang naman at hindi mo sila naipakilala sa amin.

Jenny: Oo nga eh. Nagkaroon daw kasi ng emergency kaya bigla silang umuwi.

Kendealyn: Halika dun sa table namin, gusto ka kasing maka bonding ng mga friends ko eh.

Jenny: Talaga? O sige.
•••••••••••••••
MAGKAUSAP NAMAN SINA DON CHITO, CHENELYN AT BECKY.

Becky: Congratulations, Ate Chenelyn, Don Chito.

Chenelyn: Salamat Becky.

Don Chito: Salamat sa'yo Becky.

Becky: Alam ninyo Don Chito, noon pa man mahal na mahal na talaga kayo nitong si Ate. Kaya nga siya na depress noon eh dahil nagkahiwalay kayo pero hinayaan niya kayo na maging masaya at malaya ni Alyn. Kayo din naman pala ang magkakatuluyan balang araw.

Don Chito: Minahal ko rin naman noon si Chenelyn, hindi ko lang kasi mahiwalayan si Alyn noon dahil kay Mama. Gusto niya si Alyn para sa akin kaya wala akong nagawa pero ngayon na nagbalik siya sa akin, hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon.

Chenelyn: Kalimutan na nga natin ang mga nangyari noon. Matagal na panahon na yun. Ang mahalaga ay matutuloy na ang pagmamahalan natin.

Don Chito: Tama ka.

MAYA MAYA AY LUMAPIT SI LADY VERA.

Lady Vera: Chito, Chenelyn. Binabati ko kayo.

Chenelyn: Salamat Bertalyn.

Don Chito: Salamat.

Lady Vera: Masaya ako para sa inyo. Sa wakas, magiging mag asawa na kayo.

Chenelyn: Hindi nga ako makapaniwala eh. Akala ko talagang tatanda nalang ako na walang asawa hahaha.

Lady Vera: Sa palagay ko, kayo talaga ang itinadhana sa isa't isa.

Becky: Agree ako diyan!

Don Chito: Ikaw Bertalyn, wala ka bang minamahal ngayon?

Lady Vera: Chito, hindi ko na iniisip 'yan. Mula nung mamatay ang naging asawa ko, hindi ko na ginusto na magkaroon pa ng bago. Ang tanging dasal ko lang noon ay ang makita si Marielyn at ngayon na kasama ko na siya at si Winston eh masaya at kuntento na ako dun.

Chenelyn: Pero iba pa rin kapag may nagpapaligaya ng puso mo diba?

Lady Vera: (Ngumiti) Kung may nakatadhana pa para sa akin, why not pero sa ngayon hindi yun ang priority ko. Bweno, mauna na ako dahil maaga pa ako bukas sa meeting.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon