LYN SISTERS
CHAPTER SEVEN
"CAMELYA VS. MAUILYN"SA MALL.
Hinihintay pa rin ni Marielyn si Kendralyn.
Marielyn: Nasaan na kaya si Ate Kendralyn? Halos dalawang oras na akong naghihintay dito ah. Hindi kaya hinimatay na 'yun sa loob ng cr? Oh my gosh! Baka nga?
Samantala...
Nakauwi na sa mansion si Kendralyn.
Nasalubong niya si Don Chito.Don Chito: Kendralyn, dumating ka na pala. Nasaan ang kapatid mo, si Marielyn?
Kendralyn: Ah, Dad ano kasi, may nakita siyang mga kabarkada daw niya kaya sumama siya sa kanila at pinauna na niya ako. Ang sabi ko nga po eh baka hanapin mo siya kaso tinarayan lang ako at ang sabi eh uuwi din daw siya agad. So ayun, nauna na lang akong umuwi kesa naman awayin pa niya ako diba?
Don Chito: Sana sinamahan mo nalang siya. Eh paano kung maligaw yun?
Kendralyn: Don't w0rry dad, ang sabi niya sa akin kaya na daw niyang umuwi mag isa (ngumiti).
SA MALL.
Kausap ni Marielyn ang dalawang guardsMarielyn: Sigurado po ba kayo na wala sa loob yung ate ko? Kasi kanina pa ako nag aalala eh. Magkasama lang kaming nag cr tapos hindi na siya lumabas.
Guard 1: Wala po talaga Ma'am. Wala na pong tao sa loob ng ladies room. Chineck na namin yung lahat ng cubicles doon.
Guard 2: Baka naman po nauna na siyang lumabas sa inyo at hindi niyo lang napansin?
Marielyn: Sige po, salamat.
Umalis na ang dalawang guards.
Naiiyak na si Marielyn.Marielyn: Nasaan na kaya siya? Paano ako uuwi nito? Wala pa naman akong dalang pera at wala din akong cellphone? Hindi kaya iniwan niya talaga ako dito? Ang sama sama talaga niya.
•••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION
KENDRALYN'S ROOM.MAKAUSAP SINA CAMELYA AT KENDRALYN.
Camelya: Nakita ko kanina si Mauilyn na kausap ang daddy mo. Mukhang nag uumpisa na siyang sumipsip sa daddy mo.
Kendralyn: Well, inaasahan ko na 'yan pero hindi siya magtatagumpay. Sisirain ko siya at pagsisisihan niya ang araw na dumating siya sa mansion na ito! Hmmmmm....
Camelya: Wait, nasaan na nga pala si Marielyn. Hindi ba't kasama mo siyang umalis kanina?
Kendralyn: (Ngumiti) Ayun, iniwan ko sa mall! Hahahaha! Ang tanga tanga kasi niya! Ang dali dali niyang mauto! Good luck nalang kung makauwi pa 'yun. Haha. Napaka boba niya! Hahaha!
Camelya: Hahahaha! Ang bad mo dun ah? Kawawa naman siya. Well, sana magtagumpay ka sa mga plano mo laban sa mga half sisters mo.
Kendralyn: Thanks for the support.
Camelya: You're welcome. Anyway, pupuntahan ko lang ang daddy mo sa baba.
Kendralyn: Okay.
Lumabas na ng kwarto si Camelya.
Camelya: (Nag evil smile) Hmmmm... Sige lang Kendralyn, sirain mo ang mga kapatid mo. Ikaw ang gagamitin ko para mawala sila sa landas ko, at pagkatapos, ikaw naman ang isusunod ko! Hahahaha! Pare-pareho lang kayong mga boba! Ang dali dali niyong mapaniwala. Ang katangahan mo ang sisira sa'yo! At sa akin mapupunta ang lahat ng kayamanan ni Chito. Sa'kin lang!
GABI.
NAKAUWI NA SI MARIELYN NG MANSION.
NAKITAWAG SIYA SA ADMIN NG MALL AT SI YAYA ONESSA ANG NAKASAGOT NG TELEPONO. NAG TAXI NA LANG SIYA PAUWI AT INABANGAN SIYA NI YAYA ONESSA SA LABAS NG MANSION.Marielyn: Maraming salamat Yaya Onessa. Kung hindi dahil sa inyo baka hanggang ngayon hindi pa ako nakakauwi. Mabuti at nakabisado ko agad ang number dito sa mansion at ikaw ang nakasagot.
Onessa: Mabote na nga lang talaga at ako dahel kong yung maldeta mong ate ang nakasagut ng tilipunu baka lalong dili ka nakaowe.
Marielyn: Salamat po talaga Yaya Onessa.
Onessa: Anong balak nemu? Esombong mo ba siya sa daddy nenyu?
Biglang lumabas si Kendralyn.
Kendralyn: Marielyn? Marielyn salamat naman at nakauwi ka na!
NIYAKAP NIYA ITO NA PARANG SOBRANG NAG AALALA.
Kendralyn: Ano bang nangyari? Saan ka nagpunta? Akala ko nawala ka na eh. Hinanap kaya kita kung saan saan. Halos nilibot ko na yung buong mall pero hindi kita nakita! Hindi ba sabi ko naman sa'yo hintayin mo ako sa tapat ng cinema?
Marielyn: Ha? Wala ka namang sinab----
Kendralyn: Ssshhhhh.... Hindi lang siguro tayo nagkaintindihan. Anyway, what's important is nandito ka na. Sobra talaga akong nag alala. Bale, huwag mo na lang sabihin kay daddy ito ha? I'm sure papagalitan niya tayo.
HNDI NA NAKAPAGSALITA SI MARIELYN. NAPATINGIN LANG SIYA KAY YAYA ONESSA. NAPAPAILING NAMAN SI YAYA ONESSA.
SAMANTALA.
SA BODEGA, NAGTATAGO SI CAMELYA HABANG MAY KAUSAP SA CELLPHONE.
NAPADAAN NAMAN SI MAUILYN AT NARINIG NIYA ANG BOSES NI CAMELYA KAYA SUMILIP SIYA SA PINTO NG BODEGA AT NAKINIG DITO.Camelya: Oo, nararamdaman ko na malapit ng mapa sa akin ang lahat ng kayamanan ni Chito! Kailangan ko lang dispatsahin ang mga anak niya para wala ng sagabal sa mga plano ko!
Mauilyn: (Napaisip) Sinasabi ko na nga ba eh, may masamang plano itong bruha na ito. Hmmmm....
KINABUKASAN.
PAALIS NA SI DON CHITO PAPUNTA SA OPISINA.Camelya: Mag iingat ka ha? I love you..
Don Chito: I love you too (hinalikan si Camelya).
PAGKAALIS NI DON CHITO AY BIGLANG SUMULPOT SI MAUILYN.
Mauilyn: Ang galing mo ding mag panggap n0h?
Camelya: Ano bang pinagsasasabi mo?
Mauilyn: Alam mo kung anong sinasabi ko! May masama kang binabalak laban sa amin dahil ang gusto mo eh masolo ang kayamanan ni daddy! Pero hindi kita hahayaang magtagumpay!
Camelya: Hindi ko alam ang mga sinasabi mo kaya huwag kang gumawa ng kwento!
Mauilyn: Ah talaga? Ako? Gumagawa ng kwento?
Camelya: Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga!
Tumalikod si Camelya. Hinatak siya ni Mauilyn.
Mauilyn: Huwag mo akong tinatalikuran dahil kinakausap pa kita!
Camelya: Ano ba talagang problema mo ha?
Mauilyn: Ikaw ang problema ko! Tandaan mo 'to ah? Girlfriend ka palang ni Daddy! Hindi ka pa niya asawa kaya huwag kang umasa na may mamanahin ka!
Camelya: Malapit na kaming magpakasal ng daddy mo kaya mag handa ka na dahil kapag nangyari yun, ikaw ang unang una kong papahirapan!
Mauilyn: Edi lumabas din ang totoo! Pwes ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, hindi ka ikakasal sa daddy ko dahil sasabihin ko sa kanya ang lahat ng narinig ko kagabi!
Camelya: (Namutla) Huwag kang gumagawa ng istorya!
Mauilyn: Hindi ako gumagawa ng istorya! Alam ko kung ano ang narinig ko! Kaya humanda ka! Babaeng AMBISYOSA!
SINAMPAL SIYA NI CAMELYA. GUMANTI SIYA AT NAG AWAY NA SILA.
Mauilyn: Walang hiya ka!
Camelya: Mas walang hiya ka!
Nagsabunutan silang dalawa.
Dumating si Marielyn at inawat silang dalawa pero wala siyang nagawa.Marielyn: Ate Mauilyn, Tita Camelya tama na po 'yan!
Nagsampalan muli sina Camelya at Mauilyn.
Mauilyn: Manloloko ka!
Camelya: Hayop ka! Sinungaling ka!
Mauilyn: Ikaw ang sinungaling!
ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
De TodoTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?