LYN SISTERS
CHAPTER FOURTY TWO
"Alyn's Plan"SA HOSPITAL KUNG NASAAN SI DON CHITO.
KAUSAP NG MGA DOCTOR SI DOÑA ALYN.
Doctor: Successful ang naging operasyon sa pasyente pero wala pa rin po siyang malay hanggang ngayon.
Doña Alyn: Pero makaka recover ba siya?
Doctor: I'll be honest Ma'am, ligtas na sa panganib ang pasyente pero may chance na maging bedridden na siya dahil sa stroke na nangyari sa kanya. Pwede siyang maka recover through medicines and therapies pero maaaring matagalan ito.
Doña Alyn: Naiintindihan ko. Salamat doc.
UMALIS NA ANG DOCTOR.
Doña Alyn: (Nag evil smile) Perfect! Ang swerte swerte mo talaga Alyn! Ngayon, mas magagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin and by the time na maka recover na si Chito eh nasa akin na nakapangalan ang lahat ng ari arian niya! Hmmmm....
•••••••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.NANDOON SI KENDRALYN KASAMA ANG MGA KAIBIGAN NIYA.
Chelsea: We're sorry for what happened. Kamusta na daw ang dad mo?
Kendralyn: According to mom, ligtas na daw si daddy pero baka daw ma bedridden na siya for a long time.
Pia: That's sad. Paano na ang company niyo?
Kendralyn: I don't know. Maybe may mga OICs si dad sa kumpanya na pwedeng magpatuloy ng trabaho niya habang may sakit siya or pwedeng si mommy muna ang mamahala dun. Ewan ko. Wala naman akong alam tungkol sa business niya eh.
Chelsea: We hope and pray na sana maka recover agad ang daddy mo.
Pia: Oo nga. Magbi birthday ka pa naman. Ano bang plano mo?
Kendralyn: Hindi ko alam.
Chelsea: Grabe naman no? Sunod sunod naman ang problema mo. Una nag break kayo ni Winston, pangalawa napagbintangan ka pang pumatay kay Camelya tapos ngayon naman may sakit ang daddy mo. Girl, be strong ha?
Pia: We're just here for you...
Kendralyn: Thanks girls...
•••••••••••••••••••••••
SA HOSPITAL.MAGKASAMA SINA WINSTON AT MAUILYN. NAGTATAGO SILA AT HUMAHANAP NG TYEMPO PARA MAKAPASOK SA KWARTO NI DON CHITO. PINAG MAMASDAN NILA MULA SA MALAYO SI DOÑA ALYN HABANG KAUSAP NITO ANG DALAWANG NURSE.
Mauilyn: Thank you Winston dahil sinamahan mo ako dito.
Winston: Wala yun. Kailangan ko rin namang malaman ang lagay ni Don Chito eh.
Mauilyn: What do you mean?
Winston: I'm his business partner remember? Kailangan kong malaman kung capable pa ba siya na mag manage ng VGC. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal dahil maapektuhan ang kumpanya at baka malugi ito. Of course I want to protect my investment.
Mauilyn: Bwisit kasi yang Marielyn na yan eh. Hindi nag iingat! Siya pala itong pumatay kay Camelya hindi nalang nanahimik! Narinig tuloy siya ni Kendralyn! Gumawa na nga ako ng paraan para si Kendralyn ang madiin sa pagpatay kay Camelya at ng masira na siya kay daddy tapos nangyari naman ito. Inatake tuloy si daddy edi pareho kaming nawala sa mansion ngayon! Hay!
Winston: Ginawa mo yun?
Mauilyn: Oo! Konti na lang makukulong na sana yang si Kendralyn eh, kung hindi lang umamin si Marielyn!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?