LYN SISTERS
CHAPTER 125
"Food Poisoning"SA HOTEL KUNG SAAN NAGAGANAP ANG ANG KAARAWAN NI MARIELYN.
Emcee: Good evening guests, pwede na po tayong kumain and by table po ang pagpila so unahin po muna natin ang table number 1 to be followed by table number 2.
Pwede na po kayong pumila. Thank you so much.TUMAYO NA ANG MGA NASA TABLE NUMBER 1 AT PUMILA NA UPANG KUMUHA NG PAGKAIN.
KAUSAP NINA MARIELYN AT ALDRIN SINA LADY VERA AT DON CHITO.
Marielyn: Inay, daddy, thank you po sa napaka sayang party na ibinigay ninyo sa akin. Matagal ko na pong pinangarap na mag celebrate ng birthday na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay at kayo po yun at ang mga kapatid ko. Sobrang saya ko po dahil natupad yun ngayong gabi kaya maraming salamat po Inay, daddy.
Don Chito: Karapatan mong mag celebrate ng ganitong klaseng kaarawan anak. Matagal na panahon kang nawalay sa amin at ngayon lang kami makakabawi sa mga panahong hindi namin kayo nakasama.
Lady Vera: Tama ang daddy mo anak. Kaya huwag kang magpasalamat dahil obligasyon namin na bigyan ka ng enggradeng kaarawan.
Don Chito: Malapit na rin ang pasko at bagong taon, halos ilang linggo nalang. Kaya unang pasko din ito na magkakasama sama tayong lahat.
Marielyn: Oo nga po daddy eh. Inay, pwede bang sa mansion nalang ni daddy tayo mag celebrate ng pasko?
Lady Vera: (Ngumiti) Oo naman. Pwedeng pwede. Tutal naman tatlo lang tayo ng kuya Winston mo ang magkakasama sa Christmas eve kaya tayo nalang ang pupunta sa mansion ng daddy mo.
Don Chito: Siguradong magiging napakasaya ng Pasko natin ngayong taon.
NAKAMASID NAMAN SA KANILA SI CHENELYN.
ISANG TEXT MESSAGE ANG NA RECEIVE NI CHENELYN MULA SA UNKNOWN NUMBER.
BINASA NIYA ITO.
"May namamagitan kina Don Chito at Lady Vera. Mag ingat ka dahil baka mamaya inaagawan ka na pala ng mapapang asawa at wala ka pang kamalay malay."
NAPAISIP SI CHENELYN.
Chenelyn: Sino kaya ito?
LUMAPIT SA KANYA SI JENNY.
Jenny: Tita Chenelyn.
Chenelyn: (Nabigla) Jenny?
Jenny: Bakit nandito lang po kayo? Bakit hindi niyo po lapitan sina Daddy?
Chenelyn: Ah Mamaya nalang kapag tapos na niyang kausapin sina Marielyn.
Jenny: (Tumingin kina Marielyn) Ang saya po nilang tignan ano? Masaya po ako para kay Ate Marielyn kasi nandiyan ang mommy niya, si Kuya Winston tsaka si Daddy. Alam niyo Tita Chenelyn, kung hindi lang kayo magkasintahan ni daddy, baka inisip na ng ibang tao na mag asawa sina Daddy at Tita Vera eh. Mukha kasi silang isang masayang pamilya oh.
NATIGILAN SI CHENELYN.
Jenny: Sorry tita Chenelyn, wala po akong ibang ibig sabihin dun.
Chenelyn: Excuse me lang.
INIWAN NI CHENELYN SI JENNY AT LUMAKAD PALAPIT KINA DON CHITO.
NAG EVIL SMILE SI JENNY.
NAPATINGIN SI JENNY KAY KENDRALYN NA KAUSAP NAMAN SI WINSTON.
NAG EVIL SMILE SI KENDRALYN.
••••••••••••••••
KAUSAP NAMAN NI MAUILYN SI TASHA SA LADIES ROOM.Mauilyn: You know what to do Tasha. Kailangang masira ang gabi nina Kendralyn at Jenny. Gawin mo lahat para ma bwisit sila sa'yo hanggang sa hindi na nila makayanan at patulan ka nila.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?