LYN SISTERS
CHAPTER 150
"SISIHAN"ST. JOSEPH HOSPITAL.
NAILIPAT NA NG KWARTO SI LADY VERA.
NANDOON SI MARIELYN AT ALDRIN.
KAUSAP NILA SI LADY VERA.Marielyn: Inay, nasabi ko na po kay Kuya ang lahat. Papunta na rin po siya dito.
Lady Vera: Salamat anak at hindi kayo sumuko sa akin. Salamat sa Diyos at binigyan niya pa ako ng pagkakataon para mabuhay.
Marielyn: (Napaluha) Mabait ho talaga ang Diyos Inay dahil hindi niya kayo pinabayaan.
Aldrin: Lagi po kaming nagdadasal na sana magising na kayo Tita.
Lady Vera: (Ngumiti) Salamat Aldrin. Salamat dahil hindi mo iniiwan si Marielyn.
MAYA MAYA AY PUMASOK ANG ISANG NURSE.
Nurse: Miss Marielyn, may mga body guards po sa labas.
NAGTAKA SI MARIELYN.
Marielyn: Ha? Bakit daw, anong kailangan nila?
LUMABAS SI MARIELYN UPANG KAUSAPIN ANG MGA BODY GUARDS.
Body Guard 1: Pinapunta po kami dito ni Don Chito para bantayan po kayo dahil nasa panganib daw po ang buhay ninyo.
Marielyn: Nasaan si Daddy?
Body Guard 2: Umalis daw po siya ng mansion kasama ang kapatid ninyong si Jenny.
Marielyn: (Tinignan niya ang cellphone niya at may nakita siyang missed calls ni Jenny) Kanina pa pala tumatawag si Jenny.
•••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA NILIPATAN NINA DON CHITO. KASAMA NILA NI JENNY ANG MGA KATULONG.Don Chito: Dito muna tayo pansamantala habang nasa panganib pa ang mga buhay natin. Yaya Onessa, Kikay, pakidala nalang sa kwarto ang mga gamit.
Yaya Onessa: Upu Dun Chetu. Haleka na Kekay.
Kikay: Sige po Manang.
UMALIS NA SINA YAYA ONESSA AT KIKAY.
NAKA RECEIVE NG TEXT SI JENNY MULA KAY MARIELYN AT BINASA NIYA ITO.
Jenny: Daddy, dumating na daw po sa ospital ang mga body guards na pinapunta niyo dun para bantayan sila.
Don Chito: Mabuti naman kung ganun. Magdadagdag na rin siguro ako ng security dito sa bago nating bahay para makasigurado ako na ligtas tayo sa mga gustong pumatay sa atin. Ang Ate Mauilyn at Ate Kendralyn mo? Na contact mo na ba sila?
Jenny: Hindi pa rin po daddy.
Don Chito: Sana ayos lang sila. Sino kaya ang mga walang hiyang nagpadukot sa akin at bakit nila kayo kilala?
HINDI MAKA IMIK SI JENNY.
•••••••••••••••••••••••••••••••
SA ST. JOSEPH HOSPITAL.NANDOON NA SI KENDRALYN AT DUMIRETSO SA ICU.
NAKITA SIYA NG ISANG NURSE.Nurse: Miss, sinong hinahanap mo?
Kendralyn: Ah dadalawin ko lang sana si Tita Vera. Vera Dizon.
Nurse: Ay nailipat na po siya ng room kanina dahil nagising na po siya.
Kendralyn: Talaga? Saan siya nilipat na kwarto?
ANG SUMUNOD NA NANGYARI AY NAGPUNTA NA SI KENDRALYN SA FLOOR KUNG NASAAN ANG ROOM NUMBER NA PINAGLIPATAN KAY LADY VERA.
NAKITA NIYA ANG MGA BODY GUARDS SA LABAS NA KAUSAP NI MARIELYN.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?