CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR (MARIELYN'S PARTY)

30 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 124
"Marielyn's Party"

SA HOTEL KUNG SAAN NAGAGANAP ANG KAARAWAN NI MARIELYN.

NAKABABA NA SI MARIELYN AT INIHATID SIYA NI ALDRIN SA THRONE CHAIR.

SA TABLE NINA DELIA.

Ava: Ang ganda ganda talaga ni Marielyn!

Fred: Oo nga eh at parang napakahirap na niyang abutin.

Delia: Ano ka ba Fred, kahit naman yumaman na siya eh hindi naman siya nagbago sa atin hindi ba?

Ava: Oo nga. Hindi na nga lang tulad nung dati nung mga bata pa tayo. Naalala mo pa ba nung lagi mo siyang inaasar na bruha kasi laging magulo ang buhok niya? Ikaw lagi ang dahilan kung bakit siya umiiyak! Hahaha!

Fred: Syempre biro lang naman 'yun.

Delia: Oh ngayon, hindi mo na siya pwedeng tawaging bruha dahil tignan mo, isa na siyang ganap na Prinsesa!

Fred: Tama po kayo Nay Delia. Isang napaka gandang Prinsesa. Hehehe.

SA TABLE NINA MAUILYN.

Tom: Ang ganda talaga ng kapatid mo Mauilyn, sayang at may boyfriend na siya.

Enzo: Diba dati mo pa type yang si Marielyn?

Tom: Oo kaso ang daming nangyari eh.

Mauilyn: At mabuti nalang at hindi ikaw ang naging boyfriend niya. Hahaha!

Daniella: True!

Tom: O bakit naman? Hindi ka ba boto sa akin?

Shan: Nagtanong pa ang playboy! Hahaha!

Mauilyn: You're my friend Tom but I don't trust you (nag sarcastic smile).

Tom: Ouch.

Miki: Ah eh etong friend kong si Tasha, super single yan! Baka type mo!

Tasha: Miki?

HINDI UMIMIK SI TOM.
NAGKATINGINAN SINA DANIELLA AT SHANA.

SA TABLE NINA KENDRALYN.
NANDOON NA RIN SI JOSH.

Hector: Hindi rin nagpakabog ang celebrant ah! Ang ganda ng gown niya!

Chelsea: Syempre naman, araw niya ito kaya dapat siya ang pinaka maganda!

Pia: True that! I love her gown super ganda!

Josh: Ang gaganda talaga ng mga Lyn Sisters (napatingin kay Jenny).

NAMULA SI JENNY.

Hector: May namumula!

Chelsea: Ano ka ba Hector, tigilan mo nga yang pang aasar kina Jenny at Josh.

Hector: Eh bagay kasi sila eh hehehe.

NAPANGITI SI JOSH.

Jenny: Uhmmm Josh, may ipapakiusap sana pala ako sa'yo.

Josh: Ano yun?

Jenny: Mamaya ko nalang sasabihin.

Josh: Sige ba, basta ikaw (ngumiti).

Winston: Kends, Jenny, be ready okay? Tatawagin tayo later ng emcee later to give Marielyn a short greetings and message.

Jenny: Sige po kuya Winston.

Kendralyn: Sure.

NAGSALITANG MULI ANG EMCEE.

Emcee: May we request the celebrant to deliver her speech please?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon