LYN SISTERS
CHAPTER TEN
"THE CRIME"MALALIM NA ANG GABI PERO HINDI PA RIN NATATAPOS ANG KASIYAHAN.
MASAYANG NAKIKIPAG INUMAN SI MAUILYN KINA DANIELLA, SHANA AT TOM.
Maya maya ay lumapit sa kanila sina Kendralyn, Enzo, Chelsea at Pia.
Kendralyn: Can we join you guys?
NAPATINGIN SI MAUILYN KAY ENZO.
Enzo: Mabait naman pala itong half sister mo Mau eh. She's so cool and super nice.
Kendralyn: So ano na my dearest half sister? Pwede ba kaming maki join?
Mauilyn: (Fake smile) Sure, feel free to join us.
Napadaan naman sina Marielyn, Ava at Fred.
Mauilyn: Oh, Marielyn! Hali kayo! Join us here let's drink!
Marielyn: Ah sige lang Ate Mau, enjoy nalang kayo.
Kendralyn: Marielyn? Huwag ka ngang KJ! It's our sister's birthday! Come on, let's drink!
Tom: Oo nga naman Marielyn. Para naman makilala ka din namin at maging kaibigan.
Marielyn: Oh sige na nga.
AT NAKISALI NA RIN ANG GRUPO NINA MARIELYN SA KANILA.
•••••••••••••••••
SAMANTALA. HINAHANAP NAMAN NI DON CHITO SI CAMELYA.Don Chito: Nasaan na kaya siya? Bakit hindi ko siya ma-contact?
MAYA MAYA AY NAKARINIG NG MALAKAS NA SIGAW ANG LAHAT.
Don Chito: (Nabigla) ANO 'YUN?
NATIGILAN DIN ANG GRUPO NINA MAUILYN, KENDRALYN AT MARIELYN.
Mauilyn: Sino yung sumigaw?
Kendralyn: Is that Yaya Onessa's voice?
Marielyn: Siya nga ata.
MAYA MAYA AY TUMATAKBONG DUMATING SI YAYA ONESSSA PATUNGO KAY DON CHITO. TILA TAKOT NA TAKOT.
Yaya Onessa: Dun Cheto!!!
Don Chito: Yaya Onessa! Bakit? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?
LUMAPIT DIN SINA MAUILYN, KENDRALYN AT MARIELYN.
Yaya Onessa: Se- Se Senyoreta Camilya!!!
Don Chito: Bakit? Nasaan siya? Kanina ko pa nga siya hindi nakikita eh.
Yaya Onessa: PA-PATAY NA PO SIYA DUN CHETO!!! Nandoon po siya sa may Se-Ar (CR).
NABIGLA SILANG LAHAT.
Don Chito: ANONG SINABI MO?!!
Mauilyn: (Napatakip ng bibig) Oh my God!
Kendralyn: Patay na si Camelya?
Marielyn: Diyos ko...
•••••••••••••••••••••
AGAD TINAPOS NI DON CHITO ANG PARTY.
DUMATING NA RIN ANG MGA PULIS UPANG MAG IMBESTIGA.Pulis 1: Nagtamo po siya ng injury sa ulo at ito ang dahilan ng pagkamatay niya.
Pulis 2: Ang hinala po namin ay nabagok ang kanyang ulo pero mukhang hindi po ito aksidente.
Don Chito: Anong ibig niyong sabihin na hindi ito aksidente?
Pulis 3: Posible po na may pumatay sa biktima dahil may mga senyales na nanlaban siya dahil may punit ang kanyang damit.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?