LYN SISTERS
CHAPTER 145
"FEELING GUILTY"KINABUKASAN.
VILLAVICEÑO MANSION.
KAKAGISING LANG NI JENNY.
BUMABA SIYA AT NARINIG NIYANG NAG UUSAP ANG MGA KATULONG TUNGKOL SA NANGYARI KAY LADY VERA.Kikay: Grabe talaga! Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yun ni Ma'am Chenelyn eh! Mukhang hindi maganda at hindi masaya ang bagong taon ng pamilyang ito ah. Hayyyy.
Yaya Onessa: Kaawa awa naman si Lidi Bira! Napakabaet pa naman neya. Sana walang mangyaring masama sa kaneya. Naawa den aku kay Sinyureta Marelen kase alam ku na malongkut yun ngayun.
Luisa: Alam niyo, posible naman talaga na magawa ni Ma'am Chenelyn 'yun eh. Kasi diba, galit siya kay Lady Vera tapos may problema pa siya sa pag iisip. Eh diba nga ako muntik na rin niya akong mapatay?
NAKISABAT SI JENNY.
Jenny: Anong pinag uusapan niyo? Anong tungkol sa ginawa ni Tita Chenelyn kay Tita Vera?
NAGKATINGINAN ANG MGA KATULONG.
Luisa: Kagabi, natagpuang duguan si Lady Vera sa bahay ni Ma'am Becky. Ang sabi binaril daw ni Ma'am Chenelyn si Lady Vera kaya nag aagaw buhay ngayon si Lady Vera sa ospital!
NABIGLA SI JENNY.
Jenny: ANO?!!
Kikay: Nakakulong na daw ngayon si Ma'am Chenelyn.
Yaya Onessa: Ang Dade naman nimo kakaales lang. Bomalek seya sa uspetal para kamostahen ang lagay ne Lidi Bira.
Kikay: Nag aalala na nga rin po kami sa Daddy niyo eh kasi ilang gabi na siyang kulang sa tulog. Sigurado kami na stress na stress na siya sa mga nangyayari. Sunod sunod kasi ang mga problema eh. Baka kung mapaano pa ang daddy niyo.
Jenny: Luisa, pwede mo ba akong samahan sa ospital kung nasaan si Tita Vera?
Luisa: O sige.
Yaya Onessa: Sa Sint Jusep huspital den daw seya denala.
•••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.
(KWARTO NI KENDRALYN)KAUSAP NI KENDRALYN SI PIA SA PHONE.
Kendralyn: WHAT???
Pia: (Kabilang linya) Nalaman ko lang kay Aldrin ang mga nangyari. Nagkasalubong kasi kami sa ospital kanina dahil sinamahan ko yung pinsan ko na magpa check up.
Kendralyn: Anong lagay ni Tita Vera?
Pia: Malubha daw siya eh. Nakakaawa naman sina Marielyn ay Winston kung may mangyaring masama sa mommy nila. Mag babagong taon pa naman.
NAPAISIP SI KENDRALYN.
•••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.MAAGANG BUMALIK DOON SINA BECKY AT MAUILYN UPANG DALAWIN SI CHENELYN.
Becky: Nagsampa na ng kaso si Winston laban sa'yo ate. Talagang gusto niya na managot ka sa mga nangyari. Non-bailable ang kaso mo kaya hindi ka namin ma pyansahan.
Chenelyn: Bakit ba hindi sila naniniwala sa akin? Bakit ba ako ang nadidiin sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Ayokong makulong dito. Ayoko na dito!
Mauilyn: (Napabuntong hininga) Huwag kang mag alala mommy, kakausapin ko sa Marielyn, baka sakaling maniwala siya. Gagawin ko ang lahat mommy para makalabas ka dito, pangako!
NAPALUHA SI MAUILYN.
••••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.NASA GARDEN SI DOÑA ALYN AT NANONOOD NG BALITA SA KANYANG CELLPHONE.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
عشوائيTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?