CHAPTER NINETY THREE (NEW PLAN)

29 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER NINETY THREE
"NEW PLAN"

SA BUROL NINA ALMA AT JOSIE.
NAGPUNTA SINA CHENELYN AT DON CHITO. NANDOON DIN ANG MGA KAIBIGAN NG LYN SISTERS AT SI BECKY. NANDOON DIN SI AGATHA AT IBA PANG KAIBIGAN NI LADY VERA.

KAUSAP NI LADY VERA SINA DON CHITO AT CHENELYN.

Don Chito: Nakikiramay kami sa iyo Bertalyn.

Chenelyn: Condolence Vera.

Lady Vera: Maraming salamat sa inyo.

Don Chito: May lead na ba kung sinong gumawa nito sa kanila?

Lady Vera: Wala pa. Nag iimbestiga pa ang mga pulis pero ang sabi nila may tatlong lalake daw ang pumunta sa bahay nila at sapilitan silang isinakay sa kotse.

Chenelyn: Nakita ba ang mga mukha nila?

Lady Vera: (Umiling) Malabo ang kuha ng CCTV at wala ring plate number ang kotseng ginamit nila.

Don Chito: Mukhang mahihirapan talaga ang mga pulis sa imbestigasyon.

Chenelyn: Pero sana ay mahuli na ang gumawa nito sa kanila sa lalong madaling panahon.

Lady Vera: Sana nga.

Don Chito: Mag iingat din kayo Bertalyn. Kung kinakailangan na magdagdag kayo ng security sa bahay ninyo, gawin mo. Mahirap na.

Lady Vera: Oo Chito, gagawin ko yan. Maraming salamat.

••••••••••••••••••
DALAWANG ARAW LANG IBINUROL SINA ALMA AT JOSIE AT PAGKATAPOS AY INILIBING SILA AGAD.

SA BAHAY NINA MARIELYN.
MAGKAUSAP SINA WINSTON AT LADY VERA.

Winston: Wala ho bang na kwento o nabanggit sa inyo si Tiya Alma na nakaaway niya?

Lady Vera: (Napaisip) Matagal ko ng hindi nakikita at nakakausap ang Tiya Alma niyo. Wala din naman siyang nabanggit sa akin noon na kaaway niya o nagawan niya ng atraso maliban kay Alyn.

Winston: Pero imposible naman po na si Alyn ang may gawa nito sa kanila dahil matagal na siyang patay.

Lady Vera: Alam ko. Kaya wala na akong ibang maisip na gagawa nito sa kanila. Sino ang mga lalakeng 'yun at ano ang motibo nila para gawin 'yun?

Winston: Mukhang marami pa po kayong hindi alam tungkol kay Tiya Alma. Baka may mga nagawan siya ng atraso noon kaya binalikan siya.

Lady Vera: (Napabuntong hininga) Nakakaawa lang dahil pati ang anak niya nadamay at napatay.

•••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.

Rolando: Kailan tayo kikilos Alyn? Kailan natin papatayin si Bertalyn?

Doña Alyn: Relax Rolando. Darating din tayo diyan pero sa ngayon gusto ko muna silang paglaruan!

Rolando: Paglaruan?

Doña Alyn: May mga naisip akong bagong plano dahil may mga nahanap akong bagong kakampi natin! Hahahaha!

Rolando: Mga bagong kakampi? Sino naman ang mga 'yan?

Doña Alyn: Malalaman mo din dahil ipapakilala ko sila sa'yo soon.

Rolando: Siguraduhin mo lang na mapagkakatiwalaan ang mga 'yan. Baka mamaya sila pa ang sumira ng mga plano mo.

Doña Alyn: Don't worry Rolando, hindi mangyayari 'yun dahil hawak ko sila sa leeg. Kontrolado ko sila.

Rolando: Ikaw ang bahala. Pero kung ako sa'yo gagawin ko na ang mga plano ko bago pa nila malaman na buhay ka pa pala. Maliit lang ang Maynila at anytime pwede mo silang makasalamuha.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon