LYN SISTERS
CHAPTER 135
"SHOOKT"KINABUKASAN.
VILLAVICEÑO MANSION.NAG UUMAGAHAN SINA DON CHITO, CHENELYN, MAUILYN AT JENNY.
HALATANG WALA SA MOOD SI DON CHITO.Mauilyn: Dad, tikman niyo po itong egg omelette. Ako po ang nagluto niyan kanina.
NILAGYAN NG EGG OMELETTE NI MAUILYN ANG PLATO NI DON CHITO.
Chenelyn: Chito, tikman mo na. Maagang gumising si Mauilyn para lang ipagluto ka niyan. Hindi ba paborito mo 'yan?
PILIT ANG NGITI NI DON CHITO. TINIKMAN ANG EGG OMELETTE.
Mauilyn: (Nakangiti) So Dad, how's the taste? Masarap ba?
Don Chito: (Tumango) Masarap anak.
Mauilyn: Thanks dad!
Don Chito: Ah Jenny, ang ate Kendralyn mo ba hindi pa umuuwi?
Jenny: H-Hindi pa po dad eh.
Don Chito: Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?
Jenny: (Umiling) Hindi rin po.
Chenelyn: Chito, huwag mo na munang isipin si Kendralyn. I'm sure uuwi din 'yun. Wala naman siyang ibang mapupuntahan eh. Hayaan na muna natin siyang magpalipas ng sama ng loob niya.
Mauilyn: Tama po si Mommy Daddy. Hindi po 'yun makakatiis kaya uuwi din po siya. Huwag na po kayong magpaka stress kasi ilang araw nalang po ikakasal na kayo ni Mommy.
Chenelyn: Tumawag nga pala yung designer na kinuha mo at ang sabi niya eh mamaya daw nila dadalhin ang mga pinatahi natin.
Don Chito: Ganun ba? Ikaw nalang muna ang bahalang mag asikaso nun ah? May kailangan kasi akong gawin sa opisina. Mamaya na rin kasi ang Year-End party ng VGC kaya kailangan ko ring umattend dun sandali para magbigay lang ng speech.
Chenelyn: O sige, walang problema Chito.
••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA LADY VERA.
NAG UUMAGAHAN DIN SILANG BUONG PAMILYA.Lady Vera: Nakauwi na pala si Mauilyn kaninang madaling araw?
Marielyn: Opo Inay pero nagkagulo daw po eh sabi ni Yaya Onessa. Tinawagan ko po kasi siya kanina para makibalita.
Lady Vera: Nagkagulo? Bakit, ano daw nangyari?
Marielyn: Si Ate Kendralyn daw po kasi ang nag utos na ipadukot si Ate Mauilyn eh.
Lady Vera: Ha? Totoo ba 'yun?
Winston: Hindi magagawa ni Kendralyn yun kay Mauilyn!
Marielyn: Nagkasagutan daw sila ni Ate Mauilyn kagabi at pati si Daddy sinagot sagot niya kaya ayun nasaktan siya at pinalayas daw siya sa mansion.
Lady Vera: What?
Winston: Saan daw nagpunta si Kendralyn?
Marielyn: Hindi ko alam kuya eh. Wala pa akong balita.
Winston: Yung mga kaibigan niya. Sina Chelsea, si Pia, si Hector? Baka alam nila kung nasaan si Kendralyn?
Marielyn: Don't worry kuya, tatanungin ko sila.
Winston: Marielyn, please tulungan mo naman ako na makausap si Kendralyn. Kailangan ko siyang makita (napapaluha).
Marielyn: Kuya, galit na galit siya sa inyo ni Ate Mauilyn eh. Hindi ko alam kung may magagawa ako pero susubukan ko.
Lady Vera: Winston, anak. Sa tingin ko kailangang palipasin mo muna ang galit niya sa'yo. I'm sure magiging bukas din siya para pakinggan ang paliwanag mo.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?