LYN SISTERS
CHAPTER 141
"BANTA NG AMA"KINABUKASAN.
SA OSPITAL.
NAGISING SI JENNY.
NAKITA NIYA SI DON CHITO NA NAKAUPO SA SOFA AT NATUTULOG.Jenny: D-Dad...
NAGISING SI DON CHITO.
Don Chito: Anak? Jenny.
TUMAYO SIYA AT NILAPITAN SI JENNY.
Don Chito: Salamat naman at nagising ka na. Kamusta ka? Anong nararamdaman mo?
Jenny: Me-Medyo masakit lang po ang ulo ko. Nasaan po ako?
Don Chito: Nandito ka sa ospital.
NAALALA NI JENNY ANG MGA NANGYARI.
Jenny: (Napaluha) Si Ate Mauilyn. Sinaktan niya ako. Napaka sama niyang kapatid!
Don Chito: Anak, tahan na. Hindi naman sinasadya ng ate Mauilyn mo ang nangyari. Hindi niya gustong magka ganito ka.
Jenny: Pero simula pa lang po ng dumating ako sa pamilya niyo alam ko at ramdam ko na ayaw niya talaga sa akin. Daddy, natatakot na ako sa kanya.
Don Chito: Hayaan mo, kakausapin ko ang Ate Mauilyn mo. Sandali lang, tatawagin ko lang ang doctor mo ha? Babalik ako agad.
LUMABAS SI DON CHITO.
Jenny: (Nag evil smile) Siguradong matutuwa si Tita Alyn kapag nalaman niya ang nangyari. Siguradong hindi na tuloy ang kasal nina Daddy at Tita Chenelyn bukas.
••••••••••••••••••••
SA ISANG KWARTO.NAKAHIGA SI HECTOR, NAKAHUBAD SIYA AT TANGING KUMOT LANG ANG NAGTATAKIP SA KANYANG KATAWAN.
NAGISING SIYA AT TINIGNAN ANG ORAS SA KANYANG PHONE- 10:AM NA.BUMANGON SIYA AT NAG INAT NG BIGLANG NAPANSIN NIYA NA MAY KATABI SIYA AT NAKATAKLOB ITO NG KUMOT.
NAGTAKA SI HECTOR.Hector: Si-Sino ito?
INALALA NIYA ANG MGA NANGYARI.
*FLASH BACK*
MATAPOS ANG FAMILY REUNION NINA HECTOR AY PAUWI NA SANA SI CHELSEA PERO PINIGILAN ITO NG MGA PINSAN NI HECTOR.
NIYAYA PA SILA NA MAG KWENTUHAN AT MAG INUMAN.
NALASING SI CHELSEA AT HECTOR AT NAGPUNTA SILA SA KWARTO.
SA SOBRANG HILO AY BUMAGSAK SILANG DALAWA SA KAMA. NAGKATITIGAN AT BIGLANG HINALIKAN NI CHELSEA SI HECTOR. GUMANTI NAMAN NG HALIK SI HECTOR AT HANGGANG DOON NALANG ANG NAALALA NIYA.*END OF FLASH BACK*
NANLAKI ANG MGA MATA NI HECTOR AT INANGAT ANG KUMOT UPANG MAKUMPIRMA KUNG SINO ANG NASA ILALIM NITO.
BUMUNGAD SA KANYA SI CHELSEA NA TULOG NA TULOG PA. NAPASIGAW SIYA.Hector: AHHHHHHHH!!!!
NAGISING SI CHELSEA AT NAKITA SIYANG NAKAHUBAD. NAPATINGIN DIN SI CHELSEA SA KANYANG KATAWAN AT NAPASIGAW DIN NUNG MA-REALIZE NIYA NA WALA RIN SIYANG SUOT.
Chelsea: AYYYYYYYYY!!!!
BIGLA NAMANG MAY NAGBUKAS NG PINTO NG KWARTO----ANG MOMMY NI HECTOR. NAKITA SILANG DALAWA AT NAPA TILI DIN ANG MOMMY NI HECTOR.
••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA ROLANDO.
PABABA NG HAGDAN SI KENDRALYN. AGAD SIYANG BINATI NI DOÑA ALYN NA TILA GOOD MOOD.Doña Alyn: Good morning Anak!
Kendralyn: Good morning Mommy. Anong meron? Bakit parang good mood ka?
Doña Alyn: Dahil may good news ako sa'yo!
Kendralyn: Really? Ano po 'yun?
Doña Alyn: Magkaaway na ngayon ang daddy mo at si Chenelyn. Magkaaway din daw sina Chenelyn at Mauilyn.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?