LYN SISTERS
CHAPTER 153
"DASAL"ALAS TRES NA NG MADALING ARAW.
SA BAHAY NINA DON CHITO.
NAGPUNTA DOON SINA WINSTON AT ALDRIN.KAUSAP NILA SINA MAUILYN AT KENDRALYN.
NALAMAN NA RIN NI WINSTON ANG MGA IPINAGTAPAT NI JENNY.
Winston: Siya pala ang naging kasabwat ni Alyn? Pati na yung nangyari sa amin ni Mauilyn?
Aldrin: Nagawa talaga 'yun ni Jenny?
Kendralyn: Oo. Pero hindi na mahalaga 'yun. Nagsisi na siya at inamin na niya ang pagkakamali niya. Ang kailangan nating isipin eh kung paano natin sila ililigtas ni Marielyn.
Mauilyn: Kailangan nating malaman kung saan dinala ni Alyn sina Marielyn at Jenny.
MAYA MAYA AY BUMABA SINA DON CHITO AT CHENELYN.
Don Chito: Anong sabi niyo? Pati si Marielyn hawak na rin ni Alyn?
NAPALINGON SILANG LAHAT.
Winston: Don Chito, nagkagulo po kasi kanina sa ospital at may dumukot kay Marielyn. Wala namang ibang pwedeng gumawa nun kundi si Alyn lang.
Don Chito: Napaka sama talaga niya!
Chenelyn: Chito, huminahon ka. Baka kung mapaano ka pa.
Don Chito: Paano ako hihinahon? Dalawang anak ko ang nasa panganib ngayon!
Winston: Huwag po kayong mag aalala, hahanapin po namin sina Marielyn at Jenny. Kung kinakailangang hindi kami matulog gagawin namin! Tinawagan ko na po ang mga pulis at handa silang tumulong para mahuli na si Alyn.
NAGKATINGINAN SINA MAUILYN AT KENDRALYN.
Kendralyn: (Tumango kay Mauilyn) Dad, magpahinga na po muna kayo. Tita Chenelyn, samahan niyo na po si Daddy pabalik sa kwarto.
Mauilyn: Tama si Kendralyn, Dad. Huwag po kayong mag aalala, maililigtas ng mga pulis sina Jenny at Marielyn.
Chenelyn: Chito, makinig ka sa mga anak mo. Tayo na sa kwarto. Magpahinga ka na muna.
AT DAHIL PAGOD NA RIN SI DON CHITO AY SUMUNOD NALANG SIYA KAHIT PA ALAM NIYA NA MAHIHIRAPAN DIN SIYANG MAKATULOG DAHIL SA PAG AAALALA.
•••••••••••••••••••••••••
SA ST. JOSPEH HOSPITAL.SINA AVA AT FRED ANG NAGBABANTAY KAY LADY VERA DAHIL PINAKIUSAPAN SILA NI WINSTON.
MAY MGA BODY GUARDS PA DIN SA LABAS NG KWARTO NITO.HINDI DIN MAPAKALI SI LADY VERA.
Lady Vera: (Umiiyak) Diyos ko, kailan ba matatapos ang mga problemang ito? Bakit pati si Marielyn dinukot nila???
Ava: Lady Vera, magdasal nalang po tayo. Wala naman pong imposible sa Diyos eh. Hindi po Niya pababayaan si Marielyn.
Fred: Tama po si Ava. Tsaka kilala po namin si Marielyn. Matapang po 'yun at hindi yun basta susuko. Sigurado kami na makakagawa siya ng paraan para makatakas sa mga dumukot sa kanya.
Lady Vera: Papaano kung pinapahirapan siya ni Alyn? Paano kung gawin niya rin sa kanya ang ginawa niya sa akin? Hindi ko kakayanin!
NAGKATINGINAN SINA AVA AT FRED.
NAG AALALA DIN SILA PERO AYAW NILANG IPAHALATA KAY LADY VERA.•••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA DON CHITO.Winston: Ano? Ipapain mo ang sarili mo?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
AcakTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?