LYN SISTERS
CHAPTER 136
"VGC YEAR-END PARTY"SA BAHAY NI ROLANDO.
MASINSINANG NAG UUSAP SINA KENDRALYN, DOÑA ALYN AT ROLANDO.Kendralyn: Mommy, hindi pa rin po ako makapaniwala na buhay ka. Mommy ang buong akala po namin patay ka na. Hindi po ba nakasama ka sa sunog sa presinto? Na confirm po ng mga pulis na bangkay niyo po ang nakita nila.
Doña Alyn: Nakaligtas ako anak dahil tinulungan ako ni Rolando. Nung nalaman ni Rolando na nakulong ako, pinuntahan niya ako. Nalaman niya na may pinaplanong masama sa akin ang mga pulis sa utos na rin ni Bertalyn! Narinig ng tauhan ni Rolando na nag uusap ang mga pulis at balak nga nilang pasabugin ang presinto para mamatay ako at papalabasin nila na aksidente ang lahat.
Kendralyn: T-Totoo po ba 'yan mommy? Si Tita Vera ang nagtangkang pumatay sa inyo?
Rolando: Totoo 'yun Kendralyn. Kung hindi namin nalaman ang planong iyon malamang totoong namatay na ang mommy mo dahil sa naganap na pag sabog.
Doña Alyn: Malaki talaga ang galit sa akin ni Bertalyn kaya kahit nakakulong na ako eh hindi pa rin siya tumigil sa paghihiganti sa akin.
NAPALUHA SI KENDRALYN.
Kendralyn: Pero kung ganun, sino po yung isang bangkay na natagpuan? Sino po yung ibinurol namin? Sino po yung nakalibing ngayon sa puntod niyo?
NAGKATINGINAN SINA ROLANDO AT DOÑA ALYN.
Rolando: May isang pulis ang bumaligtad kay Bertalyn dahil kinausap ko siya at dinoble ko ang bayad sa kanya kaya bumili siya ng bangkay sa funeraria at yun ang sinunog nila sa loob ng selda.
Doña Alyn: Wala na kaming choice anak dahil ayoko pang mamatay. Gusto pa kitang makasama at makita (umiiyak).
Rolando: Pwede mong kausapin ang pulis na sinasabi namin para maniwala ka na si Bertalyn talaga ang nag planong patayin ang mommy mo.
Kendralyn: Hindi na po kailangan. Alam ko naman po na talagang galit na galit si Tita Vera kay mommy kaya naniniwala po ako na kaya niyang gawin 'yun. Masakit lang po sa akin kasi nagkapatawaran na po kami tapos malalaman ko na siya pala ang nagpapatay sa mommy ko? Niloko nila ako! Ang sama sama niya!
Doña Alyn: Anak, sana wala na munang makaalam na buhay pa ako ha? Kasi baka ipakulong nila ako ulit. Kailangan ko lang makahanap ng sapat na ebidensiya na si Bertalyn talaga ang nagtangkang magpapatay sa akin para makulong na rin siya.
Kendralyn: Promise mommy, wala akong pagsasabihan. Masaya po ako na malaman na buhay ka pa pala. Mommy, I missed you!
NIYAKAP NI KENDRALYN ANG KANYANG INA.
Doña Alyn: (Nag evil smile) I missed you too anak. Pangako, hindi na tayo magkakahiwalay. Dito ka nalang sa amin tutal naman pinalayas ka na ng daddy mo hindi ba?
Kendralyn: Mommy, paano niyo po ba nalaman na umalis ako sa mansion?
NATIGILAN SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Nabalitaan ko lang mula sa isang tauhan ni Rolando. Lagi kasi siyang nagmamatyag sa mansion kaya kahit na hindi tayo magkasama eh binabantayan at prino protektahan pa rin kita.
Kendralyn: Thank you mommy. Thank you dahil buhay ka. Thank you dahil alam kong may kakampi na ako ulit.
Doña Alyn: Oo anak, at pagbabayarin natin ang Mauilyn at Chenelyn na 'yan. Pati na rin si Bertalyn dahil sa ginawa niya sa akin!
••••••••••••••••••••••
VGCSA OPISINA NI LADY VERA.
DUMATING SI AGATHA.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?