LYN SISTERS
CHAPTER FIFTY FIVE
"Kakampi"VILLAVICEÑO MANSION.
NAKAUWI NA SI KENDRALYN.Kikay: Senyorita Kendralyn! Mabuti naman po at nakauwi na kayo! Si Doña Alyn po? Kailan siya makakalabas?
Kendralyn: I don't know. Si Daddy? Nasaan siya?
Kikay: Hindi niyo po ba alam? Ang sabi sa akin ni Eva eh nandun na daw sila sa bahay nina Senyorita Marielyn.
Kendralyn: What? Kinuha nila si Daddy?
Kikay: Opo. Senyorita Kendralyn, ano po ba talagang nangyari? Totoo po bang tingkang patayin ng mommy mo si Senyorita Mauilyn at pinatay niyo si Ma'am Camelya?
Kendralyn: (Tinaasan ng kilay si Kikay) Eh kung ikaw kaya ang patayin ko? Napaka atribida mo! Ang dami mong tanong! Pwede ba? Katulong ka lang diba?
Kikay: Eh sabi ko nga po. Pasensiya na po Senyorita! Babalik na po ako sa kusina (exit).
Kendralyn: (Napabuntong hininga) Kailangang makagawa ako ng paraan para makalabas si Mommy. Siya na lang ang meron ako, siya nalang ang kakampi ko. I know she did evil things but she's still my mom and I owe her my freedom.
••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
NANDUN NA SI LADY VERA.
KAUSAP NIYA SINA MAUILYN, WINSTON AT MARIELYN.Mauilyn: Tita Vera, hindi pwedeng makalaya si Kendralyn! I'm sure may pina plano ang mag inang yun kaya inamin ng Alyn na yun ang lahat ng kasalanan niya!
Lady Vera: Yan din ang naisip ko pero wala na tayong magagawa dun. Nakalabas na si Kendralyn. Mahina ang ebidensiya na siya nga ang pumatay kay Camelya.
Mauilyn: So hahayaan nalang natin siya?
Lady Vera: Ang mahalaga naman eh nakakulong na si Alyn at dahil inamin niya ang mga kasalanan niya siguradong mabubulok na siya dun. Ang kailangan nalang nating siguraduhin ay hindi siya makagawa ng paraan para makatakas dun. Pababantayan ko siyang mabuti. Mamaya, kakausapin ko ang mga pulis para higpitan nila ang pagbabantay kay Alyn!
Winston: Kapag na sintensiyahan na siya, ililipat na siya sa correctional at doon mahihirapan na siyang makatakas.
Marielyn: Sa tingin niyo po ba nagbabalak talaga si Tita Alyn na tumakas sa kulungan?
Lady Vera: Mabuti na yung nakakasiguro tayo. Hindi tayo pwedeng magpaka kampante.
Mauilyn: Tama ang Inay mo, Marielyn. Delikado kapag nakatakas yang si Alyn! Kung pwede nga lang na MANLABAN na lang siya para tapos na ang problema!
••••••••••••••••••
SA PRESINTO.
LUMAPIT ANG ISANG PULIS SA SELDA NI DOÑA ALYN.Pulis: Alyn Villaviceño, may dalaw ka!
Doña Alyn: Sino?
Pulis: Kaibigan mo daw.
NAPAISIP SI DOÑA ALYN.
••••••••••••••••••
SA VISITING AREA.ISANG LALAKENG NAKATALIKOD ANG NAKITA NI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Sino ka?
LUMINGON ANG LALAKENG NAKATALIKOD. ISANG MAY EDAD NA NA LALAKE.
Doña Alyn: Rolando?
Rolando: (Nag evil smile) It's nice to see you again, Alyn.
NATULALA SI DOÑA ALYN.
*FLASHBACK*
Dating kasintahan ni Doña Alyn si Rolando ngunit mula ng makilala ni Doña Alyn si Don Chito ay hiniwalayan niya agad si Rolando dahil wala naman itong pera at hindi siya kayang buhayin nito.
Nasaktan ng husto si Rolando at nagmakaawa kay Alyn na huwag siyang hiwalayan ngumit ipinagtabuyan niya ito. Nagpakalayu-layo si Rolando at nagsumikap upang yumaman at maging makapangyarihan. Noong yumaman siya ay hinanap niya si Alyn ngunit huli na, may ibang asawa na si Alyn sa America.
Tumandang binata si Rolando at hanggang ngayon ay si Alyn pa rin ang gusto niyang makasama kahit na sinaktan nito ang kanyang damdamin. Nabalitaan niya na nagbalik na ito sa Pilipinas kaya hinanap niya ito hanggang sa mabalitaan niya na nakakulong ito.*END OF FLASH BACK*
LUMAPIT SI DOÑA ALYN KAY ROLANDO.
Doña Alyn: Anong kailangan mo? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nakakulong ako?
Rolando: Nandito ako para tumulong.
Doña Alyn: Tutulungan mo ako? Paano mo gagawin yun?
Rolando: Hanggang ngayon ba naman eh maliit pa rin ang tingin mo sa akin? Hindi mo ba alam na sobrang yaman ko na ngayon?
NATAWA SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Hahahaha! Huwag ka ngang magpatawa Rolando! Okay, mukhang maganda ang suot mo ngayon at amoy mayaman din ang pabango mo pero ikaw? Sobrang yaman? Wala akong panahong makipagbiruan sa'yo ngayon Rolando. Alam kong napaka haba na ng panahon na hindi tayo nagkita pero huwag na muna tayong maglokohan okay? Kailangan ko pang umisip ng paraan para makalabas ako dito kaya huwag mo muna akong biruin. Umalis ka na lang dahil wala naman akong mapapala sa'yo.
NGUMITI SI ROLANDO AT SUMENYAS.
ISANG LALAKENG (Jack) NAKA ITIM NA BARONG ANG LUMAPIT AT INIABOT KAY ROLANDO ANG ISANG ATTACHE CASE.NAGTAKA SI ALYN.
INILAPAG NI ROLANDO SA MESA ANG ATTACHE CASE.
Rolando: Maupo ka muna Alyn.
NAUPO SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Ano yan?
BINUKSAN NI ROLANDO NG BAHAGYA ANG ATTACHE CASE AT NANLAKI ANG MGA MATA NI DOÑA ALYN DAHIL NAKITA NIYA ANG NAPAKARAMING PERA.
Doña Alyn: Sa'yo yan?
Rolando: Kahit ngayong gabi, kaya kitang ilabas sa kulungan, sabihin mo lang.
NAPAISIP SI DOÑA ALYN.
••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI LADY VERA ANG ISANG PULIS (SPO4 CERTEZA) SA TELEPONO.Lady Vera: Bantayan ninyong mabuti ang Alyn na yan dahil malakas ang kutob ko na gagawa siya ng paraan para makalabas diyan. Pwede siyang mag utos ng mga tao para itakas siya diyan.
SP04 Certeza: Huwag po kayong mag alala Lady Vera, mahigpit naman po ang security namin dito. Hindi po namin hahayaan na may makatakas na kahit isang bilanggo dito.
Lady Vera: Good. Maraming salamat.
END CALL.
••••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.
NAGPUNTA SI CHELSEA UPANG DALAWIN SI KENDRALYN.Chelsea: I called Pia and I told her na pupuntahan kita pero nag out of town daw sila ng family niya kaya hindi siya nakasama but she's happy daw na nakalaya ka na. We're very sorry Girl kung hindi ka namin nadalaw when you were in jail.
Kendralyn: It's okay girl, I understand naman. Mabuti na nga lang at nakalabas agad ako dun because of mom.
Chelsea: Grabe naman kasi yang mga half sisters mo, pinagkaisahan ka talaga nila?
Kendralyn: Hindi ko sila masisisi dahil hindi naman talaga kami magkakasundo noon pa man pero hindi ko akalain na ganun katindi ang galit nila sa akin para idiin nila ako sa pagpatay kay Camelya. Hinding hindi ko magagawa yun!
Chelsea: We know. Magkakasama tayo when that happened and I know hindi mo naman kayang pumatay kahit na mean girl ka. So what's your plan na?
Kendralyn: Hindi ko pa alam. I want to help mommy na makalabas sa jail pero hindi ko alam kung paano. I was thinking kung kakausapin ko ba sina Marielyn at mamakaawa sa kanila na iurong na ang demanda nila kay mommy.
Chelsea: You think pagbibigyan ka nila?
Kendralyn: I don't know.
Chelsea: Basta if you need someone to talk to, I'm just here okay?
Kendralyn: Thanks Chelsea. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala akong makausap at mapaglabasan ng mga nararamdaman ko.
Chelsea: It's okay girl. Nandito naman kami ni Pia for you eh.
••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.
KAUSAP NG TAUHAN (Jack) NI ROLANDO ANG ISANG PULIS (SPO2 LASCOTA)Jack: Isang milyong piso basta dapat makatakas ngayong gabi si Alyn Villaviceño. Ikaw na ang bahala kung sa papaanong paraan mo yun gagawin basta siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak.
NAPAISIP ANG SI SPO2 LASCOTA.
ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
De TodoTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?