LYN SISTERS
CHAPTER EIGHTY NINE
"LAYAS!"MAKALIPAS ANG MAHIGIT ISANG BUWAN.
KAKALAPAG LANG NG EROPLANONG SINASAKYAN NINA DOÑA ALYN AT ROLANDO SA MAYNILA.
NAKA WIG SI DOÑA ALYN AT NAKA SHADES UPANG HINDI SIYA MAKILALA KUNG SAKALING MAY MAKASALAMUHA SIYANG KAKILALA.SA LOOB NG EROPLANO, NAKAUPO SILA NI ROLANDO HABANG NAGHIHINTAY NG ANNOUNCEMENT NG PAGLABAS SA EROPLANO.
Rolando: Nandito na tayo sa Manila, at last.
Doña Alyn: (Ngumiti) Umpisa na ng paghahasik ko ng lagim sa buhay nina Bertalyn at ng pamilya niya! Hmmmm....
Rolando: Sisiguraduhin natin na babagsak sila at magdurusa dahil sa ginawa nila sa'yo.
Doña Alyn: Tama ka Rolando, lintik lang ang walang ganti! Hindi ko sila titigilan hangga't hindi ko sila nawawasak at napapatay! Lalong lalo na ang Bertalyn na yan! Inagaw na niya ang lahat sa akin at ngayon pati ang anak kong si Kendralyn aagawin pa niya? Hmmm...
NAGSALITA NA ANG PILOTO NA HUDYAT NA MAAARI NG BUMABA ANG MGA PASAHERO NG EROPLANONG IYON.
NAGTAYUAN NA ANG MGA PASAHERO KABILANG NA SINA ROLANDO AT DOÑA ALYN.••••••••••••••••
SA BAHAY NINA JENNY.
ISANG GINANG ANG NANGANGATOK SA KANILA KASAMA NG DALAGANG ANAK NITONG SI TASHA NA MAY PAGKA MAARTE AT MALDITA.Adela: (Galit ang tono) VANGIE!!! VANGIE BUKSAN NIYO ANG PINTO!!!
Tasha: HELLO? OPEN THE DOOR OR WE WILL CALL THE COPS NA!
SA LOOB NG BAHAY.
Boyong: (Pabulong) Ate Jenny, paano na 'yan? Si Aling Adela mukhang maniningil na naman ng upa?
Jenny: Ako na ang bahalang makiusap.
Vangie: Jenny, anak ako nalang ang kakausap sa kanya.
Jenny: Hindi ho Inay, baka mamaya ma high blood ka na naman eh. Ako nalang po.
BINUKSAN NI JENNY ANG PINTO.
NAKITA NIYA SINA ALING ADELA AT TASHA (NAKATAAS ANG KILAY AY NAKA CROSS ARMS PA).Jenny: Aling Adela...
Adela: NASAAN ANG NANAY MO? GUSTO KO SIYANG MAKAUSAP!
Jenny: Ah masama po kasi ang pakiramdam niya kaya ako nalang po ang kausapin niyo.
Adela: BAKIT? IKAW BA ANG MAGBABAYAD NG TATLONG BUWAN NIYONG UPA? ABER?
Jenny: Makikiusap lang po sana ako na kung pwede sa isang buwan nalang po kami magbabayad kasi wala po talaga kaming sapat na pera pa.
Adela: ABA! PROBLEMA KO PA BA YUN? TATLONG BUWAN NA KAYONG HINDI NAGBABAYAD NG RENTA! ILANG BESES NA KAYONG NAKIUSAP! TAPOS ANO, SA ISANG BUWAN MAKIKIUSAP ULIT KAYO? HINDI NA! KUNG WALA KAYONG PANG BAYAD, LUMAYAS NALANG KAYO DITO DAHIL MAY NAKAUSAP NA AKO NA MAG RERENTA DITO!
Tasha: Tama Mamá! You make them palayas na here! They're so eeewww!!! Specially this Jenny girl! Ewwwwww!!!
Jenny: (Napaluha) Aling Adela, nakikiusap po ako sa inyo. Parang awa niyo na po. Wala po kaming ibang mapupuntahan kapag pinalayas niyo kami ngayon.
Adela: SANA NOON NIYO PA NAISIP YAN! SANA NAGBABAYAD KAYO NG UPA DIBA? ILANG BESES KO NA KAYONG PINAG BIGYAN, ABA HINDI NA PWEDE ITO! UMAABUSO NA KAYO!
Lumuhod si Jenny kay Adela.
Jenny: Pakiusap po Aling Adela, huli na po ito! Gagawan ko po ng paraan para makabayad kami.
Adela: HINDI NA! SAPAT NA ANG TATLONG BUWAN! KUNG PANG ISANG BUWANG UPA NGA WALA KAYONG MAIBIGAY, PANG TATLONG BUWAN PA KAYA? LUMAYAS NA KAYO DITO!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?