CHAPTER ONE HUNDRED ONE (CLOSE ENCOUNTER)

28 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER ONE HUNDRED ONE
"Close Encounter"

VILLAVICEÑO MANSION.
KAUSAP NI DON CHITO SI YAYA ONESSA.

Yaya Onessa: Salamat pu Dun Chetu at penabalek nenyu aku detu.

Don Chito: Wala 'yun Yaya Onessa. Matagal ka na ring nanilbihan sa pamilya namin kaya mas kampante ako kung ikaw ang kasama namin dito. Salamat din at pumayag ka na bumalik dito.

Yaya Onessa: (Ngumiti) Naku, walang anuman pu.

DUMATING NAMAN SI KENDRALYN.

Kendralyn: Yaya Onessa! Welcome back!

Yaya Onessa: Salamat pu Sinyureta Kindralen.

Kendralyn: I'm happy na bumalik ka na dito sa mansion. Actually na-miss ko 'yung mga luto ninyo eh.

Yaya Onessa: Hayaan nyu pu epagloloto ku pu kayu ulet ng mga paburetu nenyung olam!

Kendralyn: Sabi niyo 'yan ah? Hehehe.

Don Chito: Kendralyn, wala ka bang klase ngayon? Bakit nasa bahay ka?

Kendralyn: Maaga lang po kaming na dismiss kaya umuwi agad ako pero si Mauilyn po nasa school pa dahil may klase pa po siya.

Don Chito: Ganun ba? Eh si Jenny? Nasaan siya?

Kendralyn: Eh hindi ko po alam eh. Baka po nasa kwarto niya?

Don Chito: Kikay...

Kikay: (Enter) Bakit po Don Chito?

Don Chito: Alam mo ba kung nasaan ang Senyorita Jenny mo?

Kikay: Ay umalis po. May dadalawin lang daw siyang kaibigan.

Don Chito: Ganun ba? Sige salamat.

Kikay: Manang Onessa, nagbalik ka na! Welcome back!

Yaya Onessa: Salamat Kekay! Ah Don Chetu, don na pu mona kame sa kosena.

Don Chito: Sige.

Yaya Oness: Haleka na Kekay.

Kikay: O sige ho.

UMALIS NA SINA YAYA ONESSA AT KIKAY.

Kendralyn: Ahmm Dad, aalis din po pala ako mamaya. May dinner date po kami ni Winston,

Don Chito: Okay sige. Pero umuwi ka rin agad okay?

Kendralyn: (Ngumiti) Yes Dad. Aakyat po muna ako sa kwarto ko.

Don Chito: Alright.

UMALIS NA SI KENDRALYN.

•••••••••••••••••••••
TAPOS NA ANG KLASE NINA MAUILYN KAYA NAISIPAN NILA NINA LOUIE, DANIELLA AT SHANA NA DUMAAN SA ISANG COFFEE SHOP.

NAGKATAON NAMAN NA DOON DIN SA COFFEE SHOP NA IYON NAROON SINA JENNY AT DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Mauuna na ako sa'yo. Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko okay?

Jenny: Opo Tita Alyn.

Doña Alyn: Sige, aalis na ako.

TUMAYO NA SI DOÑA ALYN.
PALABAS NA SIYA NG COFFEE SHOP AT PAPASOK NAMAN SINA MAUILYN.

NAGKABANGGAAN SILANG DALAWA.

Doña Alyn: Ayyyy!

Mauilyn: Oh sorry.

NAKILALA NI DOÑA ALYN SI MAUILYN KAYA AGAD ITONG TUMUNGO.
NAPATINGIN SI MAUILYN SA PWESTO NI JENNY AT NAKITA ITO.

Mauilyn: Is that Jenny?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon