CHAPTER NINETY NINE (PANLILINLANG)

29 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER NINETY NINE
"Panlilinlang"

SA CONDO NA TINUTULUYAN NINA BOYONG AT VANGIE.

Boyong: Inay, hindi na po ba babalik si Ate Jenny dito? Nami-miss ko na po kasi siya eh.

Vangie: Huwag kang mag alala, dadalaw din yun dito kapag okay na ang lahat.

Boyong: Eh kung tayo nalang po kaya ang dumalaw sa kanya? Pwede po ba 'yun?

Vangie: O sige, dadalawin natin siya.

BIGLANG DUMATING SI DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Hindi pwede!

Vangie: Ate Alyn?

Doña Alyn: Hindi niyo na pwedeng dalawin o makita si Jenny.

Boyong: Po? Bakit po?

Vangie: Ate?

Doña Alyn: Tumawag sa akin si Jenny, lumabas na daw ang resulta ng DNA Test nila ni Chito at positive ang resulta. Kaya hindi na babalik si Jenny dito at lalong hindi niyo na siya pwedeng makita.

Vangie: Pero Ate? Ako ang Ina niya. Kahit naman napatunayan na na ama niya si Chito eh may karapatan pa din ako sa kanya hindi ba?

Doña Alyn: Oo, alam ko naman 'yun pero kilala ko si Chito. Hindi siya papayag na makalapit pa kayo kay Jenny. Hindi ba sinabi ko naman sa inyo na inagrabyaro nila ako? Mula nung maghiwalay kami ni Chito pinagbalawan na niya akong makita o makausap si Kendralyn at nung nagpumulit ako, ipinakulong niya ako at ipinapatay sa kulungan. Mabuti nalang at nakaligtas ako pero ang alam nila eh patay na talaga ako. Ayokong mangyari sa inyo yun kaya umiwas na muna kayo kay Jenny.

Vangie: Eh kung ganun pala bakit pa natin ibinalik si Jenny sa ama niya?

Doña Alyn: Dahil may plano ako diba? Gagantihan ko sina Chito at kapag nangyari yun, makukuha ulit natin si Jenny at pati na ang kayaman ni Chito. Magsasama sama kayo ulit at gaganda ang buhay ninyo kaya konting sakripisyo lang Vangie. Hindi niyo muna pwedeng makita o puntahan man lang si Jenny. Ililipat ko na rin kayo ng lugar yung malayo dito sa Manila.

Vangie: A-Ano?

Doña Alyn: Ako na ang bahala sa inyo, hindi ko kayo pababayaan.

NAG EVIL SMILE SI DOÑA ALYN.

NAGKATINGINAN SINA BOYONG AT VANGIE.

•••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.
NAKAUWI NA SILA.
KAUSAP NINA MARIELYN, MAUILYN AT KENDRALYN SI JENNY.

Kendralyn: Alam mo Jenny, masayang masaya talaga ako na malaman na kapatid at pinsan kita. Akalain mo, may bunsong kapatid pa pala kami? Hehehe.

NGUMITI SI JENNY.

Marielyn: Oo nga Jenny. Sana maging close tayong dalawa.

Jenny: Sana nga po Ate Marielyn.

HINDI NAMAN UMIIMIK SI MAUILYN.

Jenny: Ah Ate Mauilyn, sana maging close din tayo.

Mauilyn: (Pilit ang ngiti) I hope so. Anyway, aakyat na muna ako sa kwarto ko kasi medyo pagod na ako. Mga sis, maiwan ko na muna kayo.

UMAKYAT NA SA KWARTO NIYA SI MAUILYN.

NAGKTINGINAN SINA MARIELYN AT KENDRALYN.

Kendralyn: Alam mo Jenny, huwag mo nalang pansinin si Mauilyn kapag medyo nagsusungit siya ah? Kasi ganun lang talaga 'yun.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon