CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE (PARANOID)

30 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 121
"Paranoid"

HINDI MAKASAGOT SI LUISA.

Mauilyn: Ano Luisa, bakit hindi ka makasagot? Anong ginagawa mo dito?

Luisa: Ah eh kasi pupuntahan ko po sana si Ma'am Chenelyn para itanong kung ipagtitimpla ko na po ba siya ng gatas kaso mukhang may pinag uusapan po sila ng daddy niyo at ayoko naman pong maka istorbo kaya aalis na po sana ako. Sige po Senyorita Mauilyn, babalik na po ako sa kusina.

PAALIS NA SI LUISA.

Mauilyn: Sandali!

NATIGILAN SI LUISA AT LUMINGON KAY MAUILYN.

Luisa: B-Bakit po Senyorita Mauilyn?

Mauilyn: Ako nalang ang ipagtimpla mo ng gatas at dalhin mo sa kwarto ko okay?

Luisa: (Ngumiti) Ay sige po Senyorita Mauilyn.

TUMALIKOD SI LUISA AT NAKAHINGA NG MALALIM.

••••••••••••••••••••
LUMIPAS ANG ISANG LINGGO.
KINABUKASAN NA ANG KAARAWAN NI MARIELYN.

MAGKASAMA SILA NI ALDRIN SA ISANG BOUTIQUE KUNG SAAN NAGPATAHI SI MARIELYN NG GOWN NA GAGAMITIN NIYA SA KANYANG KAARAWAN.

Belinda Aswel (Designer): I'm sure you'll love it, Marielyn! Talagang pinagpuyatan namin ang gown na ito (nasa puting kahon) para sa'yo!

Marielyn: Maraming salamat po talaga Miss Belinda kasi kahit sobrang rush eh nagawa niyo pa ding matapos.

Belinda: You're welcome! Matagal ko ng kaibigan ang kuya Winston mo kaya hindi talaga ako nakatanggi! Isa pa, It's an honour for me na igawa ng gown ang isang Marielyn Villaviceño!

Marielyn: (Ngumiti) Nakakahiya naman Miss Belinda.

Belinda: Ano ka ba, totoo 'yun noh! Anyway, gusto mo na bang makita ang gown at para maisukat ko na rin sa'yo?

Marielyn: Sige.

Belinda: Okay, saglit lang ah? Tatawagin ko lang ang assistant ko para matulungan ka niya sa pagsusukat.

Marielyn: Sige po Miss Belinda.

EXIT BELINDA.

Aldrin: Sigurado akong babagay sa'yo ang gown na 'yan Moo.

Marielyn: Talaga Moo?

Aldrin: Oo naman. Kasi sobrang ganda mo kaya kahit simple o bonggang gown pa yan, babagay 'yan sa'yo.

Marielyn: (Nag blush) Thank you Moo.

••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI DOÑA ALYN.
MAY KAUSAP SIYA SA PHONE.

Doña Alyn: Sige Jenny, salamat sa impormasyon!

Jenny: (Kabilang linya) Ano po bang binabalak niyo?

Doña Alyn: Malalaman mo na lang bukas!

END CALL.

Doña Alyn: Panahon na para sirain ng tuluyan si Mauilyn at panahon na rin para maghiwalay ang anak ko at ang Winston na 'yan! Hindi ako papayag na ang anak ng mortal kong kaaway ang makakatuluyan ni Kendralyn! Dapat masira ko ang relasyon nila!

MAY KUMATOK SA PINTO NG KWARTO NI DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Sino 'yan?

Rolando: (Sa labas) Ako.

Doña Alyn: Pumasok ka.

PUMASOK NA SI ROLANDO.

Rolando: Alyn...

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon