LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY FIVE
"Conscience"VILLAVICEÑO MANSION.
KAKARATING LANG NI DON CHITO.
NAABUTAN NIYA SI YAYA ONESSA.Yaya Onessa: Godebneng pu Dun Chetu!
Don Chito: Good evening, Yaya Onessa. Nasan ang mga tao dito?
Yaya Onessa: Ih omalis po Dun Chetu ih. Bali se Sinyoreta Mawelen lang pu ang alam ku na nandetu.
BUMABA SI MAUILYN.
Mauilyn: Daddy.
Don Chito: Oh Mauilyn. Nasaan ang mga kapatid mo? Ang sabi ni Yaya Onessa ikaw lang daw ang nandito?
Mauilyn: Si Kendralyn po kanina pa umalis pero si Marielyn hindi ko po napansin.
Don Chito: How about your Tita Alyn?
Mauilyn: Hindi ko rin po alam.
Don Chito: Okay. Sige, aakyat lang ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Yaya Onessa, maghanda na kayo ng dinner.
Yaya Onessa: Sege pu (EXIT).
PAAKYAT NA SI DON CHITO.
Mauilyn: Daddy...
NATIGILAN SI DON CHITO.
Don Chito: Bakit?
Mauilyn: Pwede ko po ba kayong makausap tungkol kay Tita Alyn?
Don Chito: Anong tungkol sa kanya ang pag uusapan natin? Nag away na naman ba kayo?
Mauilyn: Dad, gusto lang kitang balaan. Narinig ko kasi si Tita Alyn, may plano siyang kamkamin ang mga kayamanan niyo.
Don Chito: Anong sinabi mo?
Mauilyn: Dad kaya siya bumalik dito ay dahil may masama siyang plano. Gusto niyang kunin ang mga ari arian mo. Concern lang po ako sa inyo kaya ko sinasabi ito.
Don Chito: At paano mo mapapatunayan sa akin na totoo nga ang sinasabi mo?
Mauilyn: Dad totoo po ang sinasabi ko. May ebidensiya ako kaya lang may kumuha nung laptop ko eh at sigurado ako na siya ang kumuha nun.
HINDI UMIMIK SI DON CHITO.
Mauilyn: Dad maniwala ka naman sa akin oh?
Don Chito: (Huminga ng malalim) Huwag na muna nating pag usapan yan. Huwag kang mag alala sa akin dahil kung totoo man ang sinasabi mo ay hindi ko hahayaang mangyari yun.
TINAPIK NIYA SI MAUILYN SA BALIKAT TSAKA UMAKYAT NG HAGDAN. SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI MAUILYN.
Mauilyn: (Napabuntong hininga) Bwisit.
••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.KAUSAP PA RIN NINA LADY VERA AT WINSTON SI MARIELYN.
Lady Vera: Anak, huwag ka ng umuwi dun. Dito ka na lang sa amin.
Marielyn: Nay, kailangan ko pong bumalik dun. Hayaan niyo pong pag isipan ko muna ang lahat.
Winston: Marielyn, sila ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwa-hiwalay. Hindi na kami papayag na mangyari pa yun ulit. Huwag ka ng bumalik dun.
Marielyn: Pero kuya, paano na ang daddy ko?
Winston: Kami ang pamilya mo Marielyn at hindi ang mga demonyong yun!
Marielyn: Hindi ba girlfriend mo na si Ate Kendralyn? Alam mong anak siya ni Tita Alyn kay daddy. Kung galit ka sa kanila bakit mo niligawan si Ate Kendra?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
AcakTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?