CHAPTER SIXTY EIGHT (SORRY)

44 2 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY
"Sorry"

VILLAVICEÑO MANSION.
NANDUN NA SINA MARIELYN, ALDRIN, DON CHITO AT EVA.

NIYAKAP NI KENDRALYN SI DON CHITO AT UMIYAK.

Kendralyn: Daddy... I missed you so much! Akala ko hindi na kita makikita eh. Dad, mula nung mawala si mommy naging mag isa nalang ako. Ikaw nalang at si Marielyn ang masasabi ko na meron ako. Daddy, I'm sorry for everything. Sorry sa mga nagawa kong kasalanan. Sorry sa mga kamalditahan ko kina Marielyn at Mauilyn.

HINAWAKAN NI DON CHITO ANG LIKOD NI KENDRALYN AT TILA HINAHAGOD ITO.

Don Chito: Na-Na-Mi-Miss di-din k-ki-kita, a-anak. Hu-wa-wag ka ng u-mi-mi-yak.

NAKANGITI NAMAN SINA MARIELYN, ALDRIN AT EVA HABANG PINAGMAMASDAN SINA DON CHITO AT KENDRALYN.

Kendralyn: (Lumingon kay Marielyn) Salamat Marielyn ah? Salamat dahil nagawan mo ng paraan itong pagkikita namin ni daddy.

Marielyn: (Ngumiti) Wala yun Ate Kendra. Alam ko kasi na nami-miss ka na rin ni daddy at karapatan mo din naman na makausap at makita siya eh.

Kendralyn: Basta maraming salamat kasi kung hindi dahil sa'yo hindi kami magkikita ulit ng daddy natin.

Aldrin: Nakakatuwa naman na makita kayong magkapatid na magkasundo na talaga.

Kendralyn: Sa totoo lang, likas na mabait naman kasi talaga itong si Marielyn eh at ako lang naman talaga yung nang aaway sa kanya noon. Pero masaya ako na okay na talaga kami. Walang halong ka plastikan, walang halong ka dramahan as in love na love ko na talaga itong sister ko!

Aldrin: Ayos! Hehehe.

NAGHAWAK KAMAY SINA MARIELYN AT KENDRALYN.

Eva: Si Ma'am Mauilyn nalang ang kulang para maging mas masaya na kayong lahat.

Kendralyn: Masyado kasi siyang matigas eh. Inaaway pa rin niya ako kaya hinahayaan ko nalang. Pero sana balang araw maging maayos na din ang lahat sa aming dalawa.

Aldrin: Darating din ang araw na yun. Huwag kang mag alala.

Marielyn: Oo nga Ate Kendra. Hayaan nalang muna natin siya. Lalambot din yun. Hehehe.

Kendralyn: Sana nga hehehe.

NIYAKAP NINA MARIELYN AT KENDRALYN SI DON CHITO.

••••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.
NAGPUNTA DOON SI MAUILYN.
SI YAYA ONESSA ANG NAABUTAN NIYA.

Mauilyn: Nasaan ang mga tao dito Yaya Onessa?

Yaya Onessa: Ah se senyuretu Wenston pu ih nag papahenga sa kwarto neya. Si Lidi Vira naman omales na kanena pa CEBU. Se Sinyoreta Marelen naman pu ih ipinasyal ang dade nenyu.

Mauilyn: Ipinasyal? Saan naman?

Yaya Onessa: Dili ko man alam Senyoreta Mawelen eh.

NAPAISIP SI MAUILYN.

Yaya Onessa: Babalek na pu aku sa kosena at may niloto pa pu aku (EXIT).

MAYA MAYA AY BIGLANG DUMATING SI WINSTON.

Winston: Oh Mauilyn, nandito ka pala.

Mauilyn: Actually may gusto lang sana akong itanong sa'yo.

Winston: Ano yun?

Mauilyn: Tungkol kay Louie.

NATIGILAN SI WINSTON.

Winston: Louie? Your Ex?

Mauilyn: Yes. Louie, my ex and your GOOD FRIEND!

Winston: (Nagtaka) Wait, what?

Mauilyn: Winston, please huwag mo ka ng magkunwari. Totoo ba na kaibigan mo siya? Inutusan mo ba siyang ligawan ako noon? Parte din ba yun ng plano niyo noon na gantihan kami nina daddy?

NATAHIMIK SI WINSTON.

Mauilyn: Winston just tell me the truth. Hindi naman ako magagalit eh. I will understand tutal tapos naman na yun diba? Tsaka ang mahalaga naman yung kung anong meron tayo ngayon right?

Winston: (Napabuntong hininga) Okay... Inaamin ko, inutusan ko si Louie noon na paibigin kayong magkakapatid para paghigantihan ang pamilya ng daddy niyo tapos nagbago ang plano ko dahil naramdaman ko na gusto mo ako at ni Kendralyn kaya naisip ko na kapag niligawan ko si Kendralyn at napa ibig ay masasaktan ko siya kapag nagkaroon din tayo ng relasyon at nagtagumpay ako. Gusto kong masira kayong magkakapatid para makaganti kami sa daddy niyo. Tama ka, lahat yun parte lang ng plano ko.

Mauilyn: (Hinawakan ang kamay ni Winston) It's okay Winston, naiintindihan ko at hindi ako galit. What's important is yung ngayon. Mahal na mahal kita Winston.

HAHALIKAN NI MAUILYN SI WINSTON PERO UMIWAS ITO.

Mauilyn: (Nagtaka) Why? What's wrong?

Winston: (Huminga ng malalim) Ayoko ng maging unfair sa'yo, Mauilyn. Since, alam mo na rin naman ang lahat, sasabihin ko na sa'yo...

Mauilyn: Na ano?

Winston: Na ginamit lang kita para paghigantihan sina Alyn at Kendralyn.

Mauilyn: (Napaluha) What do you mean?

Winston: I'm sorry pero hindi kita mahal Mauilyn. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon and since na open mo na ito, I think ngayon na yun. I'm sorry Mauilyn. Tinulungan lang kita para makaganti kami kina Alyn. Ngayon na okay na ang lahat, nagpapasalamat ako sa'yo sa mga tinulong mo sa amin.

Mauilyn: Kaya ba mabait ka sa akin? Dahil natulungan ko kayo na maghiganti kina Alyn at Kendralyn? Yun lang ba yun talaga?

Winston: I'm sorry. Alam kong masasaktan kita sa mga sinabi ko ngayon pero ayoko lang na patuloy kang lokohin pa.

NAPALUHA SI MAUILYN AT BIGLANG NAG WALK OUT.
NAPABUNTONG HININGA SI WINSTON.

•••••••••••••••••••
SA CONDO NA TINUTULUYAN NINA MAUILYN. IYAK SIYA NG IYAK.
SINABI NA NIYA ITO KINA CHENELYN AT BECKY.

Chenelyn: Ano kamo? Hindi ka mahal ni Winston? Paano na yan? Akala ko pa naman naka jackpot ka na!

Mauilyn: Mommy pwede ba? Ayoko na munang pag usapan yan. Ang mabuti pa, mag empake na tayo at bumalik na tayo sa bahay ni Tita Becky. Hindi na tayo dapat manatili pa dito.

NAGKATINGINAN SINA BECKY AT CHENELYN.

••••••••••••••••••
NAKAUWI NA SINA MARIELYN AT DON CHITO SA BAHAY NILA.
KASAMA PA RIN NILA SI ALDRIN.

Marielyn: Aldrin, salamat sa pagsama mo ah?

Aldrin: Walang ano man. Kanina ka pa nagpapasalamat diyan eh. Hehehe. Paano, mauna na ako ah? May hahabulin din kasi akong dinner meeting with dad.

Marielyn: O sige. Mag iingat ka ah? See you na lang sa school! Bye!

Aldrin: (Ngumiti) Bye.

UMALIS NA SI ALDRIN. SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI MARIELYN.

Eva: Ma'am Marielyn, alam mo bagay na bagay kayo nun. Pareho kayong mabait! Match na match talaga!

BIGLANG UMUNGOL SI DON CHITO NA TILA SUMASANG AYON KAY EVA.

Eva: Kita niyo na? Kahit daddy niyo agree sa akin!

Marielyn: (Namula) Ikaw talaga Eva para kang si Yaya Onessa eh. Hehehe.

Eva: Eh ma'am Marielyn, ano pa ba naman ang hahanapin mo sa kanya diba? Mabait na, gwapo pa plus mayaman din gaya mo. Perfect match na talaga kayo! Diba?

Marielyn: Ewan ko sa'yo. Dalhin mo na nga si Dad sa kwarto niya at ng makapagpalit na siya ng damit.

Eva: Okay po Ma'am hehehe. Halika na Don Chito.

ITINULAK NA NI EVA ANG WHEEL CHAIR NA INUUPUAN NI DON CHITO AT NAGTUNGO NA SILA SA KWARTO NITO.

ITUTULOY....

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon