LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY TWO
"Father's Day"SA KWARTO NI DON CHITO.
NANDOON SI MARIELYN HAWAK ANG KAMAY NG AMA HABANG KINAKAUSAP.
NASA WHEEL CHAIR SI DON CHITO.Marielyn: Dad... Happy Father's Day po. Alam ko dapat masaya ang araw ba ito pero hindi ko po mapigilang malungkot. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko na po alam kung tama pa ba ang ginagawa nina Inay, Ate Mauilyn at kuya Winston kay Ate Kendralyn. Alam ko pong maraming naging kasalanan samin si Tita Alyn pero napagdusahan na po niya yun sa kulungan at wala na po siya ngayon. Bakit po ganun? Bakit kailangang mag gantihan? Bakit kailangan naming maging matigas? Dad, sana gumaling ka na para masabi mo sa amin kung anong dapat naming gawin.
UMIIYAK SI MARIELYN.
TUMULO ANG LUHA NI DIN CHITO AT BIGLANG PINISIL ANG KAMAY NI MARIELYN AT PINILIT MAGSALITA.Don Chito: Annn-Anak...
NABIGLA SI MARIELYN AT NAPATINGIN SA AMA.
Marielyn: Daddy?
Don Chito: Mmmmm.... Ma....riiiiii....innnnn...
Marielyn: (Napangiti) Daddy! Nakakapagsalita ka na!!!
NIYAKAP NI MARIELYN SI DON CHITO.
Marielyn: Salamat sa Diyos!!!
TINAWAG NI MARIELYN SI EVA.
Marielyn: Eva!!! Eva!!!
Eva: (Enter) Ma'am Marielyn, bakit po?
NIYAKAP NI MARIELYN SI EVA SA GALAK. NAGTATAKA SI EVA.
Eva: Bakit po?
Marielyn: Si Daddy! Nakakapagsalita na siya! Napisil na din niya ang kamay ko!
NAPANGITI DIN SI EVA.
Eva: Talaga po? Magandang senyales po yun Ma'am! Mainam po kasi talaga na laging kinakausap ang mga pasyenteng gaya ng daddy ninyo.
Marielyn: Salamat Eva ah? Hindi mo pinapabayaan si Daddy.
Eva: Wala ho yun. Trabaho ko po yun eh. Magandang regalo ito sa daddy ninyo ngayong Father's Day! Nakakatuwa naman.
MASAYANG MASAYA SI MARIELYN AT MULING NIYAKAP ANG DADDY NIYA.
•••••••••••••••••
MAGKAUSAP NAMAN SINA LADY VERA AT WINSTON SA GARDEN.Winston: Ano? Kayo ang itinuturo na nagpasabog ng presinto?
Lady Vera: Oo. May tumawag daw sa mga pulis at sinasabi na inutusan ko daw siya na gawin yun!
Winston: At sino naman kayang gagawan nun?
Lady Vera: Hindi ko din alam.
NAPAISIP SI WINSTON.
Winston: Si Kendralyn. Malamang siya ang gumawa nun. Siya lang naman itong galit sa inyo at sinisisi niya kayo sa pagkamatay ng mommy niya eh.
Lady Vera: Siya nga kaya?
DUMATING SI MAUILYN KASAMA SI CHENELYN.
Mauilyn: Tita Vera, Winston.
Lady Vera: Mauilyn.
Winston: Mabuti at dumating ka na.
Mauilyn: Bakit? May problema ba?
Winston: Pupuntahan natin si Kendralyn.
Mauilyn: Bakit?
Lady Vera: Nagpunta dito ang mga pulis at sinabi nila na may tumawag daw sa kanila at itinuturo akong nag utos na pasabugin ang presinto at ang hinala ni Winston ay si Kendralyn ang may gawa nun.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?