LYN SISTERS
CHAPTER SEVENTY THREE
"Basted"SA KWARTO NI DON CHITO.
PUMASOK SI CHENELYN AT YAYA ONESSA.
NADATNAN NILA DOON SI EVA.Eva: Ay Kayo po pala.
Chenelyn: (Ngumiti) Kinamusta kasi namin ni Mauilyn si Lady Vera at naisip ko na rin na kamustahin si Chito.
Yaya Onessa: Senamahan ko lang seya detu.
Eva: Ganun po ba? Sige po, maiwan ko na po muna kayo. Mabuti nalang po at hindi pa nakakatulog si Don Chito.
Chenelyn: Sige salamat.
Yaya Onessa: Maona na ren pu aku.
LUMABAS NA SINA EVA AT YAYA ONESSA.
LUMAPIT SI CHENELYN KAY CHITO NA NAKAHIGA SA KAMA.Chenelyn: Chito...
PINIPILIT BUMANGON NI CHITO.
Chenelyn: Naku, huwag ka ng bumangon at baka kung mapaano ka pa. Nandito lang naman ako para kamustahin ka. Alam kong madami tayong kailangang pag usapan pero mukhang hindi naman natin magagawang pag usapan ang mga yun sa ngayon dahil sa sitwasyon mo. Per gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na pinapatawad na kita sa ginawa mong pag iwan sa akin noon. Alam ko naman na napilitan ka lang gawin yun dahil kay Alyn. Alam kong minahal mo rin naman ako noon.
Don Chito: Che-Chene-Lyn.... P-Pa-Ta-Wa-rin mo a-ako...
Chenelyn: (Ngumiti at hinawakan ang kamay ni Chito) Okay na ako Chito. Kahit nasira ang buhay ko, nalaos ako, naghirap at nabaliw, hindi naman ako nagalit sa'yo eh. Hindi ko inisip na maghiganti. Ang mahalaga sa akin eh, yung tinanggap mo at minahal mo ang anak nating si Mauilyn gaya ng pagmamahal mo kina Kendralyn at Marielyn. Alam mo Chito, hanggang ngayon, may nararamdaman pa rin ako sa'yo. Oo Chito, hanggang ngayon mahal pa rin kita sa kabila ng mga nangyari.
HINALIKAN NI CHENELYN SI DON CHITO SA PISNGI.
Chenelyn: Magpagaling ka na Chito at ituloy na natin ang naudlot nating pagmamahalan noon. Tutal, wala naman na si Alyn hindi ba? Wala ka na rin namang ibang mapapang asawa. Ano pa bang hahadlang sa atin?
HINDI NA NAKAPAG SALITA SI DON CHITO. HINALIKAN SIYANG MULI NI CHENELYN SA LABI.
•••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA BECKY.
NAKAUWI NA SINA CHENELYN AT MAUILYN.Mauilyn: Balak mong paibigin ulit si Daddy?
Chenelyn: Yes anak at sigurado ako na hindi niya ako matatanggihan.
Mauilyn: Ano bang pina plano niyo talaga mommy?
Chenelyn: Anak, isipin mo na lang na kapag gumaling na ang daddy mo at kami ang magkakatuluyan, edi magkakaroon na rin ako ng karapatan sa mga kayamanan niya at hinding hindi ka madedehado sa hatian ng mamanahin ninyong magkakapatid sa kanya hindi ba? Tutal naman wala na si Alyn at wala na ring Camelya, o edi sino pang hahadlang sa amin ni Chito?
Mauilyn: Ang ibig niyong sabihin, balak niyong makipagbalikan kay daddy?
Chenelyn: (Ngumiti) Oo anak at gagawin ko yun para sa'yo.
NAPAISIP SI MAUILYN.
•••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN SA JANSOM UNIVERSITY.
MAGKAUSAP SINA MARIELYN AT ALDRIN.Aldrin: Kamusta na ang inay mo?
Marielyn: Okay naman na siya. Uuwi na sila mamaya galing Cebu.
Aldrin: Nahuli na daw ba yung mga gumawa nun sa kanila?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?