LYN SISTERS
CHAPTER 118
"PAG AALALA"2 DAYS LATER.
DUMATING NA SI DON CHITO SA MANSION GALING AMERICA.
SINALUBONG SIYA NINA JENNY, KENDRALYN AY CHENELYN.Jenny: Daddy! (Niyakap si Don Chito). Na-miss ko po kayo.
Don Chito: Ako din anak, na-miss kita. Na-miss ko kayo.
Kendralyn: I missed you dad (niyakap si Don Chito).
Don Chito: I missed you too, hija.
NAPATINGIN SI CHITO KAY CHENELYN.
Don Chito: Chenelyn...
NIYAKAP NIYA ITO.
NAGTATAKA ITO DAHIL TILA BALISA SI CHENELYN.Don Chito: Ayos ka lang ba?
Chenelyn: (Tinignan si Chito) Ayos lang. Mabuti at nandito ka na.
Don Chito: Si Mauilyn? Nasaan siya?
Chenelyn: Kasama niya si Louie, nagpaalam sa akin kanina. Chito, pwede ba tayong mag usap?
Don Chito: Oo nga, naalala ko na may sasabihin ka nga pala sa akin. Ano ba 'yun?
Kendralyn: Uhmmm, Dad, Tita Chenelyn, aakyat na po muna kami ni Jenny sa kwarto.
TUMANGO SI DON CHITO.
Kendralyn: Let's go Jenny.
Jenny: Sige Ate Kendra.
UMALIS NA SINA KENDRALYN AT JENNY.
Don Chito: Ano ba yung gusto mong sabihin sa akin Chenelyn?
Chenelyn: Chito... Pwede bang ipagpaliban na muna natin ang kasal?
Don Chito: What? Bakit? A-Anong dahilan para ipagpaliban natin ang kasal?
Chenelyn: Kasi Chito, si Alyn, nagpaparamdam siya sa akin. Minumulto niya ako! Ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos. Chito natatakot ako!
UMIYAK NG UMIYAK SI CHENELYN AT NANGINGINIG.
NIYAKAP SIYA NI CHITO AT NAPAISIP.Don Chito: Ano bang sinasabi mong minumulto ka ni Alyn?
Chenelyn: Nagpapakita siya sa akin! Kahit tanungin mo pa si Luisa! Siya! Nararamdaman din niya na may multo sa mansion na ito! Chito natatakot ako, baka patayin ako ni Alyn!
Don Chito: Wala na si Alyn, hindi ka na niya masasaktan.
Chenelyn: Pero nagpapakita siya sa akin! Hindi niya ako tinitigilan!
NAKASILIP NAMAN SI LUISA AT NAPAPANGITI.
••••••••••••••••••••
SA GARDEN.
IPINATAWAG NI DON CHITO SI LUISA UPANG KAUSAPIN.Don Chito: Ano bang sinasabi ng Ma'am Chenelyn mo na minumulto siya ng dati kong asawa na si Alyn? Alam mo daw ito?
Luisa: Eh opo Don Chito. Lagi niya po kasing sinasabi sa akin na nakakarinig siya ng mga boses, nakakakita siya ng multo nung dati niyong asawa na si Doña Alyn. Ayun po.
Don Chito: Ano yung sinasabi niyang nakakaramdam ka rin daw?
Luisa: Naku Don Chito, hindi naman po totoong nakakaramdam din ako eh.
Ayoko lang po kasing isipin ni Ma'am Chenelyn na siya lang po ang nakakakita o nakakaramdam nung mga multo multo na yan. Hindi naman po kasi talaga ako naniniwala sa mga ganun. Ayoko lang po talagang ma-offend si Ma'am Chenelyn kaya po sinabi ko nalang po sa kanya na meron po akong nararamdaman kahit wala naman talaga. Sinakyan ko nalang po yung mga sinasabi niya para hindi niya po isipin na hindi ako naniniwala sa kanya
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?