LYN SISTERS
CHAPTER 111
"MISTER AND MISS JANSOM UNIVERSITY"LUNES NG UMAGA.
PAALIS NA SI DON CHITO.Chenelyn: Mag iingat ka Chito.
Don Chito: Salamat Chenelyn.
Mauilyn: Dad, have a safe trip.
Kendralyn: Ingat po daddy.
Jenny: Ingat po kayo daddy (yumakap sa ama).
Don Chito: Salamat mga anak. Kayo na muna ang bahala dito sa bahay okay? Isang linggo lang akong mawawala.
Chenelyn: Isang linggo din ba si Bertalyn na nandun?
Don Chito: Oo. Kailangang nandun din siya habang nandun ako dahil siya ang kausap ng kliyente namin doon. Bakit mo naitanong?
NATIGILAN SI CHENELYN.
Chenelyn: Ah wala naman Chito. O siya, baka ma-late ka pa sa flight mo. Mag iingat ka ulit ha?
Don Chito: Sige. Mauna na ako.
HINALIKAN NI DON CHITO SI CHENELYN AT ANG MGA ANAK NIYA TSAKA SUMAKAY SA KOTSE AT UMANDAR NA ITO.
HINATID NILA NG TINGIN ANG PAALIS NA KOTSE.
PAPASOK NA SI MAUILYN SA LOOB NG KAUSAPIN SIYA NI KENDRALYN.
Kendralyn: Mauilyn, pwede ba tayong mag usap?
Mauilyn: (Natigilan ay lumingon kay Kendralyn) Para saan pa? Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na ayoko ng makipag plastikan sa'yo? Oo, okay tayo kapag kaharap natin si daddy pero ngayong wala siya, huwag na huwag mo akong kakausapin!
Chenelyn: Mauilyn!
Mauilyn: What? Kakampihan niyo na naman si Kendralyn? Akala ko ba tayo ang magkakampi dito? Mommy kita diba? Bakit parang siya pa ang kinakampihan niyo?
Chenelyn: Wala akong kinakampihan. Ayoko lang na may tensiyong namamagitan sa inyo ng kapatid mo dahil nakatira kayo sa iisang bubong.
Mauilyn: Eh pwede namang hindi kami magpansinan diba? Walang magiging problema kung hindi niya ako kakausapin!
Kendralyn: Okay fine. Hindi na kita pipilitin na kausapin ako pero may gusto lang akong malaman. Bakit ka tinawagan ni Winston nung isang araw?
Mauilyn: Ohhh... So mukhang may nakapag tsismis na pala sa'yo (Napatingin kay Jenny).
Jenny: (Tumungo).
Mauilyn: Gusto mong malaman kung anong sinabi sa akin ni Winston? Fine! Sinabi lang naman niya na yung tauhan ng mommy mong kriminal eh binawi ang statement niya laban sa mommy mo! Sinasabi niya na hindi daw ang mommy mo ang nagpapatay kay Camelya kundi si Tita Vera at hindi daw ang mommy mo ang nagtangkang pumatay sa akin!
Kendralyn: Ano?
Mauilyn: Gulat ka?
Kendralyn: Bakit naman yun sasabihin nung tauhan ni mommy? Hindi ba inamin na rin naman ni mommy ang mga kasalanan niya? Tsaka wala na si mommy, patay na siya kaya kahit sabihin pa ng tauhan niya na walang kasalanan si mommy wala ng mangyayari.
Mauilyn: Yun na nga eh! Patay na ang mommy mo pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang ka demonyahan niya mula sa impyerno! Siguro gumagawa siya ng paraan sa impyerno para linisin ang pangalan niya dito sa lupa para sa langit siya mapunta dahil nahihirapan na siya doon! Pero sorry nalang siya dahil kahit anong gawin niya SA IMPYERNO NA SIYA MABUBULOK!
Kendralyn: (Huminga ng malalim) Alam mo, sobra kang magsalita tungkol sa mommy ko! Patay na siya Mauilyn! Igalang mo naman ang ala-ala niya!
Mauilyn: Igalang? No way! Sana hindi matahimik ang kaluluwa niya! Sana segu- segundo pahirapan siya doon sa impyerno!!!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?