LYN SISTERS
CHAPTER FIXTY NINE
"Alyn's Wake"VILLAVICEÑO MANSION.
Marielyn: Hindi Ate Kendralyn. Hindi yun magagawa ni Inay. Oo, galit sila sa mommy mo pero ang gusto lang nila eh pagdusahan niya ang mga kasalanan niya sa presinto. Hindi nila gugustuhing mamatay ang mommy mo.
Kendralyn: Pero ayon sa imbestigasyon, sinadya ang pagsabog. Sino naman ang gagawa nun?
Marielyn: Hindi ko rin alam ate Kendralyn pero sigurado ako na hindi sina mommy yun. Hintayin nalang natin ang imbestigasyon.
Kendralyn: Sana lang talaga hindi yun kagagawanan ng mommy mo.
Marielyn: Kailan nga pala ang burol ni Tita Alyn?
Kendralyn: Tatawagan nalang daw ako ng abogado namin. Inaasikso na niya ang lahat.
Marielyn: Sige.
Kendralyn: Anyway, salamat sa pagpunta mo dito para damayan ako.
Marielyn: Walang anuman Ate Kendralyn. Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.
Kendralyn: (Ngumiti) Salamat.
NAKANGITI NAMAN SI YAYA ONESSA HABANG PINAG MAMASDAN ANG MAGKAPATID.
••••••••••••••
SA BAHAY NINA WINSTON.Winston: Mauilyn, nasaan sina Marielyn at Yaya Onessa?
Mauilyn: Ha? I don't know. Kanina ko pa nga rin sila hindi nakikita eh.
MAYA MAYA AY DUMATING NA SINA MARIELYN AT YAYA ONESSA.
Winston: Marielyn, saan kayo nagpunta?
NAGKATINGINAN SINA MARIELYN AT YAYA ONESSA.
Marielyn: Sa- Sa mansion ni Daddy.
Mauilyn: What?
Winston: Anong ginawa niyo dun?
Marielyn: Kinamusta ko lang si Ate Kendralyn kasi alam kong malungkot siya ngayon dahil sa nangyari sa mommy niya.
Winston: Hindi ka dapat nagpunta dun!
Mauilyn: At saka hindi mo na dapat kinakausap ang babaeng yun! Paano kung biglang sumpungin yun at bigla kang saktan?
Marielyn: Hindi niya gagawin yun. Mabait na siya sa akin. Okay na kami.
Winston: Huwag kang magpaka siguro Marielyn. Traydor ang babaeng yun. Hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya.
Mauilyn: Tama ang kuya mo. Makinig ka naman sa amin.
Winston: Next time, huwag na huwag ka ng pupunta dun okay?
HINDI SUMAGOT SI MARIELYN.
••••••••••••••••••
SA BAHAY NI BECKY.
MAGKAUSAP SILA NI CHENELYN.Chenelyn: Mabuti nga sa kanya at namatay na siya! Tama lang na nasunog siya dahil sa impyerno din naman ang punta niya! Sayang nga lang at hindi ko pa lubusang nagagantihan ang babaeng yun sa mga ginawa niya sa akin at sa anak ko!
Becky: Hayaan mo na ate, ang mahalaga wala na siya at hindi na siya makakapanggulo pa.
Chenelyn: Tama ka. Mabuti nalang talaga at natulungan si Mauilyn ni Winston dahil kung hindi baka wala na ang anak ko ngayon.
Becky: Oo nga eh. Napaka laki ng utang na loob natin sa pamilya nila.
Chenelyn: Bagay sila ni Mauilyn hindi ba?
Becky: Bagay na bagay!
Chenelyn: Mukhang naka jackpot naman ang anak ko. Hindi man niya nakuha ang kayamanan ng ama niya eh mukhang yayaman naman siya dahil kay Winston.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
De TodoTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?