LYN SISTERS
CHAPTER 120
"Huli Ka Luisa"SA COFFEE SHOP.
NAG UUSAP USAP SINA KENDRALYN AT ANG MGA KAIBIGAN NIYA.
NASA LADIES ROOM NAMAN SI JENNYChelsea: Grabe naman pala yung babaeng 'yun!
Pia: Tama lang yung ginawa mo girl, kasi kung kapatid ko ang ginanun niya I will do the same thing!
Kendralyn: Mabuti na nga lang at dumating agad ako eh. Akala niya siguro uubra yung kamalditahan niya sa akin! Kung siya graduate ng pagiging maldita, ako nakapag doctoral na! Hmmmm.
Chelsea: Love it girl!
Hector: Anyway, wala pa ba sina Winston?
Kendralyn: Parating na yun, may dinaanan lang daw sila ni Marielyn.
DUMATING NA SI JENNY. NAKAPAG PALIT NA RIN SIYA NG DAMIT.
Kendralyn: Oh Jenny, okay ka na ba?
Jenny: Oo naman Ate Kendra. Salamat sa pag tatanggol mo sakin kanina ah? Mabuti nalang may extra akong damit sa kotse kaya may pamalit ako.
Kendralyn: Oo nga eh. Hay nako, sino ba kasi yung Tasha na yun? Anong atraso mo sa kanya?
Jenny: Hay nako ate, matagal ng galit sa akin yun eh. Lagi akong inaaway nun kasi may gusto siya kay Josh eh ako lagi ang kasama ni Josh noon kaya nagseselos siya.
Hector: Kaya naman pala. Sabi na nga ba eh may something sa inyo nung Josh na 'yun noh?
Jenny: (Namula) Uy wala ah? Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Pia: Sus, obvious naman na gusto ka ni Josh eh.
Chelsea: Oo nga, bakit kasi hindi mo pa sagutin? Uyyyyy!!!
Kendralyn: Alam niyo kahit gusto siya ni Josh eh hindi naman siya gusto nitong si Jenny eh. Actually kilala ko kung sinong crush nitong kapatid kong ito.
Jenny: Ate?
Chelsea: Sino?
NAMUMULA SI JENNY.
Jenny: Ate Please, huwag mong sabihin sa kanila.
Kendralyn: (Ngumiti) Secret!
Hector: Pabitin ah?
Kendralyn: Syempre hindi ko pwedeng sabihin sa inyo no! Basta kilala ko kung sinong type niya but it's just between me and Jenny. :)
Pia: Ang daya naman.
DUMATING NA SINA WINSTON, MARIELYN AT ALDRIN. MAGKA HOLDING HANDS SILANG DUMATING. NAPATINGIN SI JENNY SA KANILA.
Kendralyn: Ehem. Mabuti naman at dumating na kayo.
Winston: Sorry ah? Naubusan kasi kami ng gas kaya dumaan muna kami sa gasoline station.
Hector: So, ano ba yung announcement niyo?
Kendralyn: Oo nga, ano ba yun?
Winston: Si Marielyn nalang ang magsasabi sa inyo.
Marielyn: (Ngumiti) Gusto ko kasi kayong imbitahan lahat sa birthday celebration ko.
Kendralyn: OMG, oo nga no? Malapit na yung birthday mo!
Jenny: Wow, I'm sure masaya yun Ate!
Marielyn: Oo naman. Kasi ito din yung first birthday ko na kasama ko ang lahat ng taong mahal ko.
Chelsea: I love it!
Aldrin: I'm sure magiging memorable ang araw na 'yun kaya please guys, huwag kayong mawawala okay?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
LosoweTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?