CHAPTER ELEVEN (Goodbye Camelya)

69 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER ELEVEN
"Goodbye Camelya"

SA CHAPEL KUNG SAAN NAKABUROL SI CAMELYA.
UMIIYAK SI DON CHITO HABANG PINAG MAMASDAN SI CAMELYA SA LOOB NG KABAONG.

Don Chito: Camelya... Mahal na mahal kita! Bakit nangyari sa'yo ito???

NILAPITAN SIYA NI MARIELYN.

Marielyn: Dad, tama na po yan. Magpahinga na po muna kayo. Hindi pa po kayo nakakatulog ng maayos eh. Baka kung mapaano pa kayo.

Don Chito: Kailangang managot ang taong gumawa nito sa kanya.

Dumating naman ang tita Becky ni Mauilyn upang makiramay. Sinalubong siya ni Mauilyn.

Mauilyn: Tita Becky.

Lumapit si Becky kay Don Chito.

Becky: Don Chito, nakikiramay po ako sa inyo.

Don Chito: Salamat.

Dumating din sina Alma at Delia kasama ang mga taga bahay ampunan.

Alma: Nakikiramay po kami Don Chito.

Delia: Condolence po.

Don Chito: Maraming salamat sa inyo.

SAMANTALA, TULALA NAMAN SI KENDRALYN. NAPANSIN SIYA NI CHELSEA.

Chelsea: Girl, okay ka lang?

Kendralyn: H-Ha? Of course, I'm okay. Hindi lang kasi ako talaga makapaniwala sa nangyari. Iniisip ko, what if ako yung namatay? What if si Dad? Life is really short.

Pia: Girl, huwag ka ng masyadong mag isip diyan. We're here for you and for your family.

Chelsea: She's right.

Kendralyn: (Half smile) Thanks girls.
•••••••••••••••
ILANG SANDALI PA.
SA LABAS.
MASINSINANG NAG UUSAP SINA MAUILYN AT ANG TITA BECKY NIYA.

Becky: Ano ba talagang nangyari dun sa Camelya na 'yun? Don't tell me ikaw ang pumatay sa kanya? Hindi ba't inaway mo pa siya nun?

Mauilyn: Of course not! Hindi ko magagawa yun Tita! Kilala mo ako. Ang hinala ko nga eh si Kendralyn ang pumatay kasi nakita ko sila na nagtatalo ilang oras bago matagpuan ni Yaya Onessa na patay si Camelya. Pinagbantaan pa nga niya ito eh. Kaya posibleng si Kendralyn ang killer ni Camelya!

Becky: Ha? Totoo ba 'yan? Sinabi mo na ba 'to sa daddy mo?

Mauilyn: Not yet.

Becky: Eh bakit hindi mo pa sabihin? Pagkakataon mo na ito para madispatsa mo na  yung Kendralyn na yun sa mansion!

Mauilyn: Hindi muna sa ngayon tita Becky  dahil nag e-enjoy pa ako sa kompetisyon naming dalawa ni Kendralyn. Kailangan ko pang patunayan ang sarili ko kay Daddy at makuha ng buong buo ang tiwala niya. Isa pa, wala pa naman akong matibay na ebidensiya na siya nga ang pumatay kay Camelya.

Becky: Kung sa bagay. Baka isipin lang ng daddy mo na sinisiraan mo lang ang mestisang hilaw na yun.

Mauilyn: At saka mas mabuti na nga yung namatay na ang Camelya na yun dahil masama siyang babae. May masama siyang plano laban sa amin kaya siguro ayun nakarma agad. Hahahaha! At least ngayon nabawasan na ang mga taong hadlang sa plano ko na maangkin ang kayamanan ni Daddy.

Becky: Well, pagbutihan mo pa ang pag sipsip diyan sa daddy mo. Pasasaan ba't makukuha mo rin ang tiwala niya at balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng kayamanan niya (nag evil smile).

Mauilyn: (Nag evil smile) That's for sure! Hahahaha!

NAKAMASID NAMAN SI KENDRALYN MULA SA MALAYO.

Kendralyn: Hmmm... Kahit itanggi mo pa na hindi ikaw ang gumawa nito kay Camelya, hindi pa rin ako naniniwala. Pero mabuti na rin na ginawa mo yun dahil nabawasan na ang mga oportunista sa buhay namin ni Daddy pero hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayan na ikaw ang pumatay kay Camelya. Sa oras na makahanap ako ng ebidensiya, lagot ka dahil mabubulok ka sa kulungan at tuluyan ka ng mawawala sa buhay namin!

MAGKAUSAP NAMAN SINA MARIELYN AT ALMA.

Alma: Marielyn, sabihin mo naman sa daddy mo na kung pwede tumira kami ng pinsan mo sa mansion tutal naman nabawasan na kayo ng isa dun eh. Ang mahal mahal kasi ng upa dun sa apartment na tinutuluyan namin eh.

Marielyn: Eh Tiya Alma, nakakahiya naman pong magsabi kay Daddy. Lalo pa ngayon na may dinadamdam pa siya at nagluluksa pa dahil sa nangyari kay Tita Camelya.

Alma: Edi palipasin mo muna, pero sabihin mo ha? Malaki naman yung mansion niyo eh siguradong papayag yun! Mabait naman ang daddy mo eh.

Marielyn: Hindi po ako sigurado dun.

Alma: Ikaw naman. Ayaw mo lang yata eh? Grabe ka naman parang hindi ka naman pamangkin.

BIGLANG DUMATING SI KENDRALYN AT NARINIG PALA ANG SINASABI NI ALMA.

Kendralyn: EHEM!

Alma: Ah Hija, may ubo ka ata? Uminom ka na ba ng gamot? Naku baka lumala yan at mauwi sa TB! Agapan mo yan.

Kendralyn: Excuse me? Wala akong ubo at lalong wala akong TB! Narinig ko lang kasi yung mga sinasabi mo eh. Pwede ba, hindi porket pamangkin mo si Marielyn eh pwede ka ng tumira sa mansion namin! Ang kapal ng mukha mo, talagang ngayon ka pa nagsasabi ng ganyan?

Alma: Grabe ka namang magsalita! Nakikiusap lang naman ako eh.

Kendralyn: Pwes sasabihin ko na sa'yo para at least alam mo! Hindi ka pwedeng tumira sa mansion. Narinig mo?

Alma: Bastos ka! Wala kang galang sa nakakatanda sa'yo!

Kendralyn: Bakit? Dapat ka bang igalang?

Marielyn: Ah Ate Kendra, Tiya Alma tama na po. Baka marinig pa kayo ni Daddy.

Kendralyn: Paalisin mo na yang patay gutom mong Tiya dahil kung hindi kakaladkarin ko yan palabas dito!

Alma: Hindi mo na ako kailangang kaladkarin dahil aalis na ako. Ang sama ng ugali nito!

TUMAYO SI ALMA AT UMALIS NA.
NAPABUNTONG HININGA NAMAN SI MARIELYN.

Kendralyn: Huwag na huwag mo ng papapuntahin sa mansion yun ah!

HINDI SUMAGOT SI MARIELYN.

••••••••••••••

MATAPOS ANG ILANG ARAW AY NAILIBING NA SI CAMELYA.

Don Chito: (Lumuluha) Paalam Camelya. Mahal ko.

Kendralyn: Goodbye, Camelya. Rest in peace.

Mauilyn: Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo.

Marielyn: (Umiiyak) Tita Camelya...

Yumakap ang Lyn Sisters sa kanilang ama upang i-comfort ito.

SAMANTALA, NAKAMASID NAMAN ANG TATLONG LALAKE MULA SA LOOB NG ISANG ITIM NA SASAKYAN.

Lalake 1: Wala na, patay na nga talaga si Camelya. Kaya pala hindi na siya nakatawag sa atin noong gabing yun.

Lalake 2: (Driver's seat) Sino kayang pumatay sa kanya? At paano na ang plano niya? Itutuloy pa ba natin?

Lalake 3: Hindi ko rin alam. Mukhang mahihirapan tayo. Ni hindi pa nga tayo nababayaran ni Camelya eh. Malas talaga!

Lalake 1: Tayo na nga! Umalis na tayo!

Pinaandar na ng Lalake 2 ang sasakyan.

ITUTULOY...

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon