LYN SISTERS
CHAPTER NINETY
"Ang Utos Ni Alyn"SA ISANG MALIIT NA KWARTO, NANDOON SINA JOSH, JENNY, VANGIE AT BOYONG.
Josh: Pasensiya na kayo ah, alam kong masikip ito para sa inyong tatlo pero mas okay na rin dito kesa naman wala kayong matuluyan ngayong gabi. Bukas, pangako tutulungan ko po kayong maghanap ng malilipatan.
Vangie: Ayos lang hijo. Kasya naman kami dito eh. Maraming salamat sa tulong mo.
Boyong: Salamat po kuya Josh! The best ka talaga!
NGUMTI SI JOSH.
Jenny: Josh, maraming salamat ah? Pero sigurado ka ba na ayos lang sa mga magulang mo na dito muna kami tumuloy?
Josh: Oo naman Jenny. Na text ko na ang Inay at pumayag naman siya. Huwag kayong mag alala, walang magpapalayas sa inyo dito.
Jenny: (Napaluha) Maraming salamat talaga Josh (Niyakap si Josh).
Josh: (Namula at napangiti) Walang anuman, Jenny. Basta para sa'yo.
Boyong: (Ngumiti) Uyyyyy!!! Si Ate Jenny at Kuya Josh!!!
Vangie: Boyong, tumahimik ka nga diyan. Josh, Hijo, maraming salamat ulit sa tulong mo ha? Hayaan mo, hindi naman kami magtatagal dito eh.
Josh: Wala ho yun. Sige po, maiwan ko na po muna kayo para makapagpahinga na rin po kayo. Tsaka kainin niyo na rin po yung binili kong pagkain, nasa plastic po. May tubig na rin po diyan.
Jenny: Salamat Josh. Tatanawin ko talaga itong isang malaking utang na loob.
NGUMITI SI JOSH.
Josh: Sige, mauna na ako.
LUMABAS NA SI JOSH.
••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO MANSION.
NANDOON SINA MARIELYN AT ALDRIN.
KAUSAP NILA SINA MAUILYN AT KENDRALYN.Marielyn: Mister And Miss Jansom University? Naku mga ate, ayokong sumali sa mga ganyan. Hindi naman ako pang beauty pageant eh.
Mauilyn: Ano ka ba Sis? I-try mo lang!
Kendralyn: Oo nga naman. Kayo ni Aldrin oh?
Aldrin: Ha? Naku, mukhang hindi rin ata ako uubra diyan.
Mauilyn: Hay nako, basta bukas sasama kayo sa audition! Hindi pwedeng hindi! Okay?
NAGKATINGINAN SINA ALDRIN AT MARIELYN.
DUMATING SINA DON CHITO AT CHENELYN.
Don Chito: Oh, mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga anak ko ah?
Marielyn: Daddy, Tita Chenelyn.
Aldrin: Magandang gabi po.
NGUMITI SINA DON CHITO AT CHENELYN.
Chenelyn: Ano bang pinag uusapan niyo diyan?
Mauilyn: Wala naman po. Kino-convince lang namin ni Kendra sina Marielyn at Aldrin na sumali sa Mister & Miss Jansom University.
Chenelyn: Oh, that's nice. Nung kabataan ko lagi akong sumasali sa mga beauty pageant sa school. Doon nga ako na discover eh. Hahaha.
Kendralyn: Ang kaso mukhang ayaw naman po ni Marielyn.
Don Chito: (Napatingin kay Marielyn) Bakit naman Anak?
Chenelyn: Oo nga Marielyn, bakit ayaw mo?
Marielyn: Eh nahihiya po kasi ako eh kasi never pa naman po akong nakasali sa mga ganun at saka hindi po ako komportable.
Mauilyn: Alam mo Sis, sa umpisa ka lang naman mahihiya eh. That's normal naman pero pag nasanay ka na wala na yan.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RastgeleTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?