LYN SISTERS
CHAPTER THIRTY FOUR
"Marielyn's Family"SA KWARTO NI MAUILYN.
Mauilyn: Bwisit kang Alyn ka! Kailangang malaman na talaga ni daddy ang mga plano mo! Humanda ka dahil nasa akin pa rin ang ebidensiya at hindi ako natatakot sa'yo!
BINUKSAN NIYA ANG CABINET UPANG KUNIN ANG KANYANG LAPTOP PERO WALA NA ITO.
Mauilyn: What the!!??? Nasaan na ang laptop ko? Dito ko lang nilagay 'yun ah?
HINALUGHOG NIYA ANG BUONG KWARTO PERO HINDI NIYA NAKITA ANG LAPTOP NIYA.
Mauilyn: Bwisit!!! Naisahan niyo na naman akong mag ina!!! Leche talaga!!!! Hkkkkkkkkk!!!!
••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI DOÑA ALYN.
MAY KAUSAP SIYA SA TELEPONO.Doña Alyn: Oh, Atty. Puno. Kamusta? May maganda ka bang balita sa akin?
Atty. Puno: (Kabilang linya) Yes Doña Alyn. Inaayos ko na ang mga papeles para malipat na sa pangalan ninyo ang mga ari arian ni Don Chito.
Doña Alyn: Good! Maasahan ka talaga. Hindi mo ito pag sisisihan attorney. Sige, salamat! Balitaan mo na lang ako ulit.
END CALL.
Doña Alyn: Wala ng makakapigil pa sa pagkamkam ko sa kayamanan mo Chito! Hahahaha!
••••••••••••••••••••
SA LABAS NG MANSION NINA WINSTON.
NANDON SINA ALMA AT JOSIE KASAMA SI MARIELYN.Alma: Nandito na tayo Marielyn. Ito ang bahay ng nanay mo!
HINDI MAKAPANIWALA SI MARIELYN.
Marielyn: Kinakabahan po ako Tiya Alma.
Alma: Huwag kang kabahan Marielyn. Sabik na sabik na sa'yo ang Nanay mo.
NAG DOOR BELL SI ALMA.
Josie: (Tinapik sa likuran si Marielyn) Makikita mo na Nanay mo.
Marielyn: Hindi ko alam kung anong magiging rekasyon ko kapag nakita ko na siya.
Josie: Normal lang yan. Isipin mo na lang na matagal mo ng hinintay ito at ngayon eto na, mangyayari na.
NAG DOOR BELL ULIT SI ALMA.
LUMABAS ANG MAID.
Maid: Sino po sila? Ano pong kailangan nila?
Alma: Ako si Alma yung ate ng amo mo na si Bertalyn este Vera pala. Nandiyan ba siya? Paki sabi kasama ko na si Madelyn.
Maid: Sandali lang ho. Tatawagin ko lang. Dito lang ho muna kayo ah?
PUMASOK ULIT ANG MAID AT KINAUSAP SI LADY VERA.
Maid: Lady Vera, may naghahanap po sa inyo sa labas, yung ate niyo daw po si Alma. Kasama na daw po niya si Madelyn.
Lady Vera: (Natigilan) Eh bakit hindi mo pa pinapasok??? Papasukin mo na sila dali!!!
Maid: Opo!
LUMABAS MULI ANG MAID AT PINAPASOK SINA ALMA.
AGAD NILANG NAKITA SI LADY VERA. PALAKAD LAKAD AT HINDI MAPAKALI.Alma: Bertalyn.
NATIGILAN SI LADY VERA AT NAPATINGIN KINA ALMA.
NAGKATITIGAN SINA MARIELYN AT LADY VERA.
Lady Vera: (Napapaluha) Ma-Madelyn... Anak ko...
AGAD NIYANG NIYAKAP SI MARIELYN.
Lady Vera: Diyos ko! Salamat at nagkita na tayong muli! Anak ko!!!
NAPALUHA DIN SI MARIELYN.
MATAGAL NIYANG HININTAY ANG PAGKAKATAONG ITO.
SA WAKAS AY NARAMDAMAN NA RIN NIYA SA UNANG PAGKAKATAON ANG YAKAP NG KANYANG INA.
HINDI NIYA MAIPALIWANAG ANG NARARAMDAMAN NIYA. SABIK NA SABIK SIYA SA KANYANG INA AT NGAYON AY NAKITA NIYA NA ITO PERO MARAMI SIYANG TANONG NA KAILANGAN NG KASAGUTAN.KUMAWALA SIYA SA PAGKAKAYAKAP NI LADY VERA.
Marielyn: Ang tagal ko pong hinintay ito na makilala kayo, na makita kayo, na mayakap kayo. Nay, kung alam niyo lang po kung gaano ako kasabik na makasama kayo.
Lady Vera: Ganun din ako anak! Sabik na sabik ako na makita at mayakap kang muli! Matagal kong hinintay ang sandaling ito. Akala ko eh hindi na tayo magkikitang muli.
Marielyn: May gusto lang po sana akong itanong sa inyo.
Lady Vera: Ano 'yun anak ko?
Marielyn: Bakit niyo po ako ipinaampon?
NAGKATINGINAN SINA ALMA AT LADY VERA.
Lady Vera: Hayaan mong i-kwento ko ang lahat lahat sa'yo para malinawan ka anak.
IKINWENTO NI LADY VERA ANG LAHAT.
Lady Vera: Dati akong katulong nina Chito. Una ko pa lang siyang nakita eh nagkagusto na ako agad sa kanya. Pero may asawa na siya at dalagang ina naman ako. Alam ko din namang imposible na magkagusto siya sa isang kagaya ko. Pero isang araw sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Hindi ako naniwala dahil baka niloloko lang niya ako pero hindi siya tumigil noon hangga't hindi niya ako nakukuha. Hindi nagtagal bumigay din ako. Nagkaroon kami ng relasyon. Nung nalaman yun ng mama ni Chito at ni Alyn ay sinugod nila ako habang nagluluto ako sa kusina.
Nagkagulo noon sa mansion. Sinaktan nila ako. Nagmamakaawa ako sa kanila pero patuloy sila sa pananakit sa akin. Nagdilim ang paningin ko kaya kumuha ako ng kutsilyo at itinutok ko sa Mommy ni Chito. Hindi ko naman intensiyon na patayin siya kaya lang bigla akong itinulak ni Alyn kaya nasaksak ko ang mommy ni Chito.IYAK NG IYAK SI LADY VERA HABANG NAGKE KWENTO PERO NAGPATULOY PA RIN SIYA.
Lady Vera: Namatay siya at nagalit sa akin si Chito. Sinubukan kong magpaliwanag pero hindi siya nakinig sa akin. Siniraan na ako ni Alyn sa kanya. Ipinakulong nila ako.
Ipinaubaya ko ang kuya mo noon sa biyanan ko. Tapos nalaman ko na buntis pala ako sayo noon. Nung ipinanganak kita ibinigay kita sa Tiya Alma mo dahil ayokong mahirapan ka sa kulungan. Alam kong mas mapapabuti ka sa kanya. Ang hindi ko alam ay ipinaampon ka pala niya. Inutusan siya ni Alyn para ilayo ka para tuluyang hindi ka na makilala ni Chito. Mula noon hindi ko na kayo nakita. Lumipas ang ilang taon ay may tumulong sa akin para makalaya ako. Siya ang naging asawa ko. Mayaman siya at makapangyarihan. Nangako ako na gagantihan ko ang mga Villaviceño. Binawi ko ang kuya mo dahil marami na akong pera. Hinanap ko kayo pero nawalan na ako ng pag asa. Niyaya ako ng asawa ko sa France at dun na kami tumira pero nung namatay siya kailan lang ay bumalik ako dito para ituloy ang paghahanap sa'yo at upang ituloy ko ang plano kong gantihan sina Chito! Sinira nila ang buhay ko kaya humanda sila!Marielyn: Grabe po pala ang mga pinagdaanan niyo. Hindi ko akalaing nagawa sa inyo yun ni Tita Alyn. Ang sama sama pala niya?
Lady Vera: Ngayong nandito ka na kasama ko, hindi na kita hahayaang bumalik kay Chito. Kailangang gantihan natin sila! Nagka hiwa-hiwalay tayo ng dahil sa kanila! Marielyn anak, kailangang magalit ka sa mga Villaviceño! Tulungan mo kaming gumanti sa mga demonyong 'yun!
Marielyn: Po? Pero ama ko pa rin po si Daddy. Naging mabuti po siyang ama sa akin.
DUMATING SI WINSTON.
Winston: Pero siya ang dahilan kung bakit tayo lumaki na walang ina!
NAPALINGON SI MARIELYN.
Marielyn: (Nagtataka) W-Winston? A-Anong ginagawa mo dito?
Lady Vera: Anak, siya ang kuya mo.
NABIGLA SI MARIELYN.
Marielyn: Ano!!???
Winston: Nito ko lang di nalaman na ikaw pala ang kapatid ko. Ilang beses na tayong nagkaharap pero hindi ko man lang naisip na ikaw pala si Madelyn na kapatid ko.
NAPALUHA SI WINSTON AT NIYAKAP SI MARIELYN.
Marielyn: K-Kuya.... (Napaluha).
ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?