CHAPTER ONE HUNDRED THREE (SIRAAN SI MAUILYN)

33 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER ONE HUNDRED THREE
"SIRAAN SI MAUILYN"

VILLAVICEÑO MANSION.

Mauilyn: Oh Jenny, bakit hindi ka makapagsalita? Nakita mo ba yung laptop ko?

Jenny: H-Hindi po Ate Mauilyn.

TINIGNANG MABUTI NI MAUILYN SI JENNY AT TILA HINDI ITO NANINIWALA.

Mauilyn: Sigurado ka? Kasi sa itsura mo parang may itinatago ka eh?

Jenny: W-Wala po akong itinatago.

Mauilyn: Alam mo kasi ngayon lang ako nawalan ng gamit dito. Ang sabi nina Yaya Kikay at Yaya Onessa hindi nila nakita ang laptop ko sa kwarto and I believe them dahil matagal ko na silang kilala. Pero ikaw, bago ka pa lang dito sa mansion and malay ko ba kung sanay ka na sa pagsisinungaling diba? Now, tatanungin kita ulit, nakita mo ba ang laptop ko or should I say, ikaw ba ang kumuha ng laptop ko?

Jenny: Hindi po ako Ate Mauilyn.

Mauilyn: Magsabi ka nalang ng totoo pwede ba? Wala namang ibang kukuha nun eh. Tayo tayo lang ang nasa mansion na ito!

NAIIYAK NA SI JENNY.
DUMATING SI KENDRALYN.

Kendralyn: Mauilyn? Jenny? Anong nangyayari dito?

Mauilyn: Bakit hindi mo tanungin 'yang half sister natin.

NAGTATAKA SI KENDRALYN.

Kendralyn: Jenny, anong nangyari?

Jenny: Si Ate Mauilyn po kasi, pinagbibintangan niya akong kumuha ng laptop niya.

Kendralyn: Ha? (Napatingin kay Mauilyn) Mauilyn? Totoo ba 'yun?

Mauilyn: Wala namang ibang kukuha nun eh. Siya lang ang bago dito sa mansion.

Kendralyn: Teka, baka naman na misplace mo lang?

Mauilyn: Hindi! Imposible! Tandang tanda ko nasa kwarto ko lang 'yun! Alam ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Wala dun. Tinanong ko na sina Yaya Onessa at Yaya Kikay kung nakita nila pero hindi daw and I believe them.

Kendralyn: Eh bakit naman si Jenny agad ang naisip mo na kukuha nun? Bakit naman niya gagawin 'yun?

Mauilyn: Dahil hindi pa natin siya lubos na kilala! Alam ko at nararamdaman ko na nagsisinungaling lang siya. Siya ang kumuha ng laptop ko!

Jenny: (Umiiyak) Maniwala ka sa akin Ate Mauilyn, hindi po ako ang kumuha. Kahit i-check niyo pa po yung kwarto ko, wala po akong kinukuha.

Kendralyn: Mauilyn, huwag mo namang pagbintangan si Jenny.

Mauilyn: At sinong gusto mong pagbintangan ko? Ikaw?

Kendralyn: Ang sa akin lang baka naman nakalimutan mo lang talaga kung saan mo nilagay?

Mauilyn: You know what, bahala ka kung naniniwala ka sa babaeng 'yan pero ako, hindi!

DUMATING SI CHENELYN.

Chenelyn: Ano ba yung naririnig ko? Bakit parang nagsisigawan kayo?

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon