CHAPTER TWELVE (The Mysterious Guy)

62 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER TWELVE
"The Mysterious Guy"

ILANG ARAW ANG LUMIPAS.
SA MANSION NG MGA VILLAVICEÑO.

NAG UUMAGAHAN ANG BUONG PAMILYA.
HALATANG BALISA PA RIN SI DON CHITO AT RAMDAM IYON NG LYN SISTERS.

Kendralyn: Dad, I know it's really hard to move on sa mga nangyari but we want you to know na we're just here for you.

Mauilyn: Tama siya dad. Hndi ka namin papabayaan. Mahal na mahal ka namin.

Markielyn: Pwede pa rin po tayon maging masaya kahit na nawala na si Tita Camelya.

Don Chito: Salamat sa inyo mga anak ko. Mabuti nalang at nandiyan kayo para  palakasin ang loob ko. Mahal na mahal ko kayo mga anak.

Tumayo si Marielyn at niyakap ang ama. Hindi rin nagpa kabog sina Mauilyn at Kendralyn, tumayo sila at niyakap din si Don Chito.

NAKAMASID NAMAN SA KANILA SI YAYA ONESSA NA TILA MASAYA NA MAKITANG NAGKAKASUNDO ANG LYN SISTERS.

Yaya Onessa: Hayyyy tinkyu LORD at mokhang magkakas0ndo na ang mag kakapated.

GABI.

NAGPAPAHINGA NA SI DON CHITO.
NASA LIVING ROOM NAMAN SI MAUILYN HABANG NAGBABASA NG MAGAZINE. DUMATING NAMAN SI MARIELYN AT INABUTAN NG GATAS SI MAUILYN.

Marielyn: Ate Mauilyn, mag gatas ka muna.

Mauilyn: (Natigilan sa ginagawa) Para saan yan?

Marielyn: Ah alam ko kasi na mahilig kang uminom ng gatas tuwing gabi kaya ipinagtimpla na kita.

Mauilyn: At bakit mo naman ako pinagtimpla ng gatas? Hindi mo naman gawain yan diba?

Marielyn: Gu-Gusto ko lang kasi na mas mapalapit pa tayo sa isa't-isa kaya nag e-effort ako na mag reach out sa inyo ni ate. Hindi ba kanina nangako tayo kay daddy na hindi natin siya pababayaan? Ang gusto ko kasi magkasundo sundo na talaga tayo. Alam ko na hindi tayo lumaking magkakasama at may mga pagkakaiba tayong tatlo pero magkakapatid tayo eh at hindi na magbabago yun kahit ano pang gawin natin kaya sana magka sundo sundo na tayo alang alang kay daddy.

HINDI UMIMIK SI MAUILYN.
DUMATING NAMAN SI KENDRALYN.

Kendralyn: She's right Mau.

NAPALINGON SI MARIELYN.

Marielyn: Ate Kendra.

Kendralyn: It's about time para magkasundo sundo na tayong tatlo alang alang kay daddy.

TUMAYO SI MAUILYN AT KINUHA ANG HAWAK NA BASO NG GATAS KAY MARIELYN.

Mauilyn: (Ngumiti) Okay. Madali naman akong kausap eh. Kung noon mo pa sana kami natanggap edi sana dati pa tayo nagkasundo sundo. Pero hindi pa naman huli ang lahat right?

Kendralyn: Right. I'm sorry kung naging rude ako sa inyo noon. I promise, I'll be a good sister na sa inyo.

Mauilyn: Ako din.

NGUMITI SI MARIELYN.

Marielyn: Ako din mga ate! Salamat dahil sa wakas okay na tayong tatlo.

NIYAKAP NI MARIELYN SINA MAUILYN AT KENDRALYN.

Mauilyn: (Palihim na umirap).

Kendralyn: (Nag evil smile).

SA LABAS NG MANSION.

ISANG LALAKING NAKASUOT NG BLACK HOODIE JACKET ANG NASA LOOB NG SILVER NA KOTSE.
NAKAHINTO ITO SA TAPAT NG MANSION NG MGA VILLAVICEÑO AT TILA NAGMAMASID.

Mysterious Guy: Mapapabagsak din namin kayo Don Chito. Makakaganti din kami ni mommy sa ginawa mo sa pamilya namin at idadamay ko ang mga anak mo! Balang araw, luluhod ka kay mommy at magmamakaawa gaya ng ginawa niya noon sa inyo!

PINAANDAR NIYA ANG KOTSE AT NILISAN NA ANG LUGAR NA IYON.

•••••••••••••••••••••
KINABUKASAN SA ISANG COFFEE SHOP.
MAGKASAMA SINA MAUILYN, DANIELLA AT SHANA.

Daniella: You mean, nakipagkasundo ka na sa mga half sisters mo?

Mauilyn: Well, I just had to para mas madali ko silang masiraan at mapaalis sa mansion. Kailangan kong ipakita kay daddy na I'm a good sister and daughter.

Shana: Sa tingin mo ba na convince mo si Kendralyn na talagang peace na kayong dalawa? Eh diba kayo naman talaga lagi ang nagkaka banggaan sa mansion?

Mauilyn: I think so. Malaki ang utang na loob niya sa akin dahil hindi ko sinabi kay daddy at sa mga pulis ang nalalaman ko tungkol sa napag usapan nila ni Camelya nung gabing napatay ito, kaya I'm sure matatakot na yun na awayin ako at wala na siyang magagawa kundi ang makipag kasundo sa akin.

Daniella: But what's your next move?

Mauilyn: (Nag evil smile) Kikilos ako ng pailalim. Sila ni Marielyn ang pag babanggain ko para magmukha silang masama sa paningin ni Daddy. Kailangang magkasira silang dalawa.

Shana: Si Marielyn? Eh diba napaka tahimik lang nung half sister mo na yun? Hindi nga ata marunong lumaban yun eh.

Mauilyn: Nararamdam ko na may tinatago ding sungay yang si Marielyn. Tahimik lang siya at mukhang mabait pero nasa loob ang kulo nun kaya papalabasin ko ang totoo niyang ugali.

Daniella: Good luck kung magawa mo yan.
••••••••••••••••••••
VILLAVICEÑO GROUP OF COMPANIES.

Kausap ni Don Chito ang kanyang secretary sa kanyang opisina.

Izza: Sir, nasa meeting room na po si Mr. Winston Dy.

Don Chito: Sige, pakisabi papunta na ako.

Izza: Okay po.

LUMABAS NA ANG SECRETARY NIYA.

SA MEETING ROOM.
PUMASOK SI DON CHITO AT NAKITA NIYA ANG ISANG LALAKE NA NAKATAYO AT NAKAMASID SA SALAMING DINGDING NG SILID NA IYON.

Don Chito: Mr. Winston Dy.

Humarap ang lalake na nasa edad 29.

Winston Dy: Mr. Villaviceño, finally nagkaharap na rin po tayo.

Don Chito: Hindi ko akalain na bata ka pa pala Mr. Dy.

Winston Dy: (Ngumiti) Wala naman po sa edad ang pagiging businessman hindi ba?

Don Chito: Tama ka. Ako, nagsimula akong mag negosyo noong nasa edad 35 pa lang ako. Maupo ka.

NAUPO NA SI WINSTON DY.

Winston: Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. I want to invest in your company Mr. Villaviceño.

Don Chito: Why are you interested to invest in my company?

Winston: Because I see the potential in it. As a businessman, I want to invest my money to the right company. VGC (Villaviceño Group of Company) is one of the most successful companies in the Philippines and naniniwala akong mas magiging successful pa ito in the years to come. I can help you and you can help me if we will become business partners.

NAPANTANGO SI DON CHITO.
••••••••••••••••
NAGDA DRIVE NG KOTSE SI WINSTON.
MAY KAUSAP SIYA SA CELLPHONE GAMIT ANG BLUETOOTH EARPHONES.

Winston: Success, Mamá. Napapayag ko na si Don Chito. Soon, magiging parte na tayo ng VGC at papabagsakin natin siya gaya ng gusto niyong mangyari. Makakaganti ka na sa kanya at sa pamilya niya. Hmmmm...

SI WINSTON DIN ANG MISTERYOSONG LALAKE NA NAKAMASID SA LABAS NG MANSION NG MGA VILLAVICEÑO NOONG ISANG GABI.

ITUTULOY....

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon