LYN SISTERS
CHAPTER 148
"ESCAPE PLAN"VILLAVICEÑO MANSION
MAGKAUSAP SINA KENDRALYN AT JENNY SA ISANG KWARTO.
IYAK NG IYAK SI JENNY HABANG INAAMIN KAY KENDRALYN ANG LAHAT NG MGA IPINAGAWA SA KANYA NI DOÑA ALYN.Kendralyn: (Napaluha) Bakit mo nagawa sa akin 'yun Jenny? Akala ko kakampi kita!!!! AKALA KO TOTOO KA SA AKIN!!! BAKIT MO NAGAWA 'YUN JENNY? ALL THIS TIME IKAW LANG PALA ANG TRAYDOR SA PAMILYANG ITO? NAG AWAY KAMI NI MAUILYN DAHIL ANG AKALA NIYA AKO ANG NANINIRA SA KANYA! NAGALIT AKO SA KANYA DAHIL AKALA KO INAHAS NIYA ULIT SA AKIN SI WINSTON!
Jenny: (Iyak ng iyak) Ate, patawarin mo ako! Alam kong marami akong kasalanan at nagsisisi na ako! Masyado akong nasilaw sa mga ipinangako sa akin ni Tita Alyn.
Patawarin mo ako Ate Kendralyn!SINAMPAL NI KENDRALYN SI JENNY.
Kendralyn: Sinira mo ang pamilya natin! Sinira mo ang tiwala ko sa'yo!
Jenny: Ate patawad! Nagsisisi na ako! Ayokong tuluyang masira ang pamilya natin kaya inamin ko na sa'yo ang lahat. Ayokong may gawin pa ulit si Tita Alyn na masama kaya sa'yo ko unang ipinagtapat ang totoo kasi alam ko na ikaw lang ang makakapigil sa mommy mo para hindi niya na gawin ang mga masama niyang plano. Ate pigilan mo siya.
Kendralyn: May masama silang plano laban kay Daddy! Narinig ko sila ni Tito Rolando na magkausap kanina!
Jenny: Pigilan mo siya Ate Kendralyn please.
NAGPUNAS NG LUHA SI KENDRALYN.
Kendralyn: Sana lang hindi pa huli ang lahat dahil kapag may nangyaring masama kay Daddy ikaw lang ang sisisihin ko!
UMALIS SI KENDRALYN.
•••••••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.DINALAW NI BECKY SI CHENELYN.
Becky: Ate, magandang balita! Kakatawag lang ni Mauilyn at ang sabi niya makakalabas ka na raw dito sa kulungan!
Chenelyn: (Natuwa) Talaga?
Becky: Oo! Pero kailangan kang ilipat sa Psychiatric ward. Pero huwag kang mag alala ate dahil hindi ka rin naman nagtatagal doon. Gumagawa pa si Mauilyn ng paraan para malinis niya ang pangalan mo.
Chenelyn: Mahal na mahal talaga ako ng anak ko.
Becky: Oo ate mahal na mahal ka ni Mauilyn.
•••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROLANDO.DUMATING SI KENDRALYN.
Kendralyn: Mommy! Mommy!!!
DUMATING SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Kendralyn.
Kendralyn: ALAM KO NA ANG TOTOO MOMMY! BAKIT MO NAGAWA SA AKIN IYON? BAKIT?
NAPALUHA SI KENDRALYN.
Doña Alyn: Dahil mahal kita anak! Ayoko na magkaroon ka ng kahati sa kayamanan ng daddy mo dahil ikaw lang ang may karapatan sa lahat ng iyon!
Kendralyn: Para ba talaga sa akin o para sa sarili niyo? Mommy napakarami mo ng ginawang kasalanan! Akala ko nung namatay ka tapos na ang lahat at magiging masaya na ang pamilya namin pero hindi pala! Buhay ka pa pala at patuloy na gumagawa ng masama! Siguro pakana mo lang din yung pagsabog sa presinto para makatakas ka at palabasin na namatay ka! Hindi totoo ang sinabi mo sa akin na si Tita Vera ang nagtangkang magpapatay sa'yo!
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?