LYN SISTERS
CHAPTER SEVENTY ONE
"THE MYSTERIOUS GIRL"CEBU.
HABANG UMAANDAR ANG KOTSENG SINASAKYAN NINA LADY VERA AT AGATHA AY NAG OVER TAKE NAMAN ANG KOTSENG SINASAKYAN NINA DOÑA ALYN AT HINARANG SILA. BIGLANG PRUMENO NG MALAKAS ANG DRIVER NG TAXI NA SINASAKYAN NINA LADY VERA.
Doña Alyn: Anong nangyari?
Driver: Ma'am may humarang po sa atin ee.
Agatha: Ano?
Driver: Sandali lang po, bababain ko lang.
BUMABA ANG DRIVER NG TAXI AT LUMAPIT SA KOTSENG HUMARANG SA KANILA.
Driver: Anong problema? Bakit niyo kami hinarangan?
BUMABA ANG DALAWANG LALAKENG SAKAY NG KOTSE AT LIHIM NA TINUTUKAN NG BARIL ANG TAXI DRIVER NG ISANG LALAKE.
Driver: (Namutla) Anong ibig sabihin nito?
Lalake 1: Tumabi ka diyan!
SA TAKOT NG TAXI DRIVER AY SUMUNOD NA LANG SIYA SA INUTOS NG LALAKE 1.
SUMAKAY SA DRIVER'S SEAT NG TAXI ANG LALAKE 2.
Agatha: (Nagulat) Sino ka?
Lady Vera: Anong kailangan mo sa amin?
BINUKSAN NAMAN NG LALAKE 1 ANG PINTO NG TAXI AT TINABIHAN SINA AGATHA AT LADY VERA SABAY TUTOK NG BARIL. NAGULAT SILA.
Agatha: Ayyyy!!! Sino kayo!!!
Lalake 1: HUWAG NA KAYONG MAGTANONG! AT HUWAG NIYO NG TANGKAIN NA SUMIGAW DAHIL KUNG HINDI, PASASABUGIN KO ANG MGA ULO NIYO!
Lady Vera: Maawa kayo sa amin, huwag niyo kaming sasaktan!
Lalake 1: Hindi kayo masasaktan kung mananahimik kayo!
UMANDAR NA ANG KOTSENG SINASAKYAN NI DOÑA ALYN.
TUMINGIN SI LALAKE 1 KAY LALAKE 2.
Lalake 1: Tayo na!
PINAANDAR NG LALAKE 2 ANG TAXI AT INIWAN NILA ANG TAXI DRIVER SA DAAN.
TAKOT NA TAKOT SINA AGATHA AT DOÑA ALYN.SA KOTSENG SINASAKYAN NI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Hmmmm... Manginig ka ngayon sa takot Bertalyn! Nag uumpisa pa lang akong maningil! Hahahaha!!!
••••••••••••••••••
JANSOM UNIVERSITY.TAPOS NA ANG KLASE NINA MARIELYN.
KASAMA NIYA SI ALDRIN HABANG NAGLALAKAD LAKAD SA LOOB NG CAMPUS.Aldrin: A-Attend ka ba ng Welcome Party sa Friday?
Marielyn: Hindi ako sigurado.
Aldrin: Bakit naman?
Marielyn: Eh hindi naman kasi ako mahilig umattend ng mga party party na ganyan.
Aldrin: Ano ka ba? School party naman yun eh. Halos lahat ng freshmen and transferees and even old students will be going there tapos ikaw hindi ka sigurado? I'm sure your half sisters will also be there.
Marielyn: (Napaisip) Bahala na hehehe.
Aldrin: You should go. Susunduin kita sa inyo para sigurado.
Marielyn: (Ngumiti) Ikaw talaga.
BIGLANG NAKARAMDAM NG KABA SI MARIELYN AT NATIGILAN SIYA AT NAPAHAWAK SIYA SA KANYANG DIBDIB.
Aldrin: Marielyn, are you okay?
Marielyn: (Namumutla siya) Para akong kinabahan Aldrin. Hindi ko mapaliwanag eh.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?