CHAPTER ONE HUNDRED FORTY SIX (NEW YEAR'S EVE)

26 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 146
"NEW YEAR'S EVE"

9PM.
VILLAVICEÑO MANSION.

NAGPUNTA DOON SI KENDRALYN.
NADATNAN NIYA SINA YAYA ONESSA AT KIKAY SA SALA.

Kikay: Senyorita Kendralyn, mabuti naman po at bumalik kayo.

Yaya Onessa: Henahanap pu kayu ng dade nimu ih. Saan pu ba kayu tomotoloy nung mga nakaraang araw?

Kendralyn: Sa kaibigan ko lang Yaya Onessa. Nasaan po si Daddy?

Kikay: Eh nagpapahinga lang po sa kwarto.

MAYA MAYA AY BUMABA SI JENNY.

Jenny: Ate Kendralyn?

Kendralyn: (Ngumiti) Jenny.

NIYAKAP NI JENNY SI KENDRALYN.

Jenny: Bumalik ka na.

Kendralyn: Hindi din ako magtatagal dito. Gusto ko lang kamustahin si Daddy at ikaw. Okay ka na ba?

Jenny: Oo Ate Kendralyn. Okay na ako. Gusto mo bang tawagin ko si Daddy?

Kendralyn: Hindi na. Nagpapahinga ata siya eh. Hayaan nalang muna natin siya.

BUMABA SI DON CHITO.

Don Chito: Kendralyn, anak.

Kendralyn: Dad...

YUMAKAP SI KENDRALYN KAY DON CHITO.

Don Chito: Bakit bigla kang umalis kahapon? Saan ka ba talaga nakikituloy ngayon?

Kendralyn: Umiiwas nalang po kasi ako sa gulo daddy. Nakikituloy lang po ako sa isang kaibigan.

Don Chito: Bumalik ka nalang dito sa mansion anak. Alam kong sumama ang loob mo sakin dahil pinalayas kita pero dala lang yun ng emosyon ko. Hindi ko dapat sinabi yun.

Kendralyn: Naiintindihan ko po dad pero mas mabuti na rin po siguro na doon po muna ako sa tinutuluyan ko dahil baka mag away lang kami ulit ni Mauilyn.

Don Chito: Anak, sana magkasundo na kayo ni Mauilyn. Yun lang ang tanging hiling ko sa inyo.

Kendralyn: Nagkausap napo kami kahapon at nagkasundo na po kami na hindi na kami mag aaway pero hindi po ibig sabihin nun eh okay na kami kaya ako nalang po muna ang iiwas sa gulo.

DUMATING SI MAUILYN.

Mauilyn: Hindi mo na kailangang umiwas sa gulo Kendralyn.

NAPALINGON SILA KAY MAUILYN.

Mauilyn: Ako nalang ang aalis. Bumalik ka na lang dito sa mansion. Kay Tita Becky nalang muna ako titira.

Don Chito: Mauilyn anak, hindi mo kailangang gawin yun.

Mauilyn: Dad, I'm sorry pero nakapag desisyon na po ako.

Don Chito: Kung dahil ito sa nangyari sa mommy mo eh patawarin mo sana ako kung wala akong nagawa para ilabas ang mommy mo sa kulungan. Pero maniwala ka anak, hindi ko gustong mangyari yun. Nahihirapan din ako para kay Chenelyn dahil mahal na mahal ko ang mommy mo.

Mauilyn: (Napaluha) Naiintidihan ko po daddy pero buo na po ang desisyon ko at yun ay ang umalis nalang po muna dito sa mansion. Bumalik lang po ako para kunin ang ibang mga gamit ko.

Don Chito: Mauilyn anak (Napaluha). Mahirap para sa akin na makita kayong nahihirapan sa sitwasyon na ito. Marami akong pagkukulang at kasalanan sa inyong mga anak ko at pati na rin sa mga nanay ninyo. Ako ang puno't dulo ng lahat ng mga kaguluhan sa pamilya natin kaya sana mapatawad niyo ako.

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon