CHAPTER FORTY SIX (Revenge Time)

48 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER FORTY SIX
"Revenge Time"

SA VGC.

NAKAHARAP SI DOÑA ALYN KAY LADY VERA.

Doña Alyn: Ikaw?

Lady Vera: Ako nga Alyn. Ang bagong nag mamay-ari ng VGC!

Doña Alyn: Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Paanong ikaw na ang nagma may ari ng VGC aber?

Lady Vera: Dahil ako naman na talaga! Nabili ko na ang halos 70% ng shares ng VGC!

Doña Alyn: Sinungaling! Attorney Puno! Ano bang ibig sabihin nito? Sino ba ang babaeng ito?

HINDI SUMAGOT SI ATTY. PUNO.

Lady Vera: Let me introduce myself to all of you. I am Lady Vera Dizon. As you can see sa mga hawak ninyong dokumento, ako ang major share holder ng kumpanyang ito so technically, akin na talaga ang VGC! Papatunayan yan sa inyo ni Attorney Puno!

Atty. Puno: Totoo ang mga sinasabi ni Lady Vera.

Mr. Chua: But as far as I know si Winston Dy ang may pinaka malaking shares sa VGC.

Atty. Puno: Ibinenta na po ni Mr. Winston Dy ang lahat ng shares niya kay Lady Vera simula ng malaman nito na nagkasakit si Don Chito. Bago nagkasakit si Don Chito ay nagkaroon sila ng kasunduan ni Lady Vera. Makikita naman ninyo sa mga dokumentong iyan na pirmado ni Don Chito ang lahat. Katibayan yan na kay Lady Vera na ang VGC.

Doña Alyn: No! Traydor ka Attorney Puno! Hindi ba't may usapan tayo??!! Anong ginawa mo?!!

Lady Vera: Alyn, Sinabi din sa akin ni Atty. Puno ang  lahat ng mga plano mo! Gusto mong pekein niya ang mga dokumento para malipat sa pangalan mo ang lahat ng ari arian ng ex husband mo tama? Plano mo din na ipapatay si Chito para ng sa ganun ay talagang mapa sa iyo na ang mga kayamanan niya! Tsk tsk tsk! Imagine, walang kahirap hirap mong makukuha ang VGC kapag nagkataon. Ni isang kusing wala ka namang pera sa VGC tapos gusto mong maangkin ito? Ni hindi mo nga alam kung paano magpatakbo ng negosyo hindi ba?

Doña Alyn: Sinungaling ka! Sinungaling kayo ng abogadong yan!

Lady Vera: Ikaw ang sinungaling! Mula noon hanggang ngayon nuknukan ka pa rin ng sinungaling!!! Nakulong ako noon ng dahil sa kasinungalingan mo!

Doña Alyn: Anong sinasabi mo?

Lady Vera: Hindi mo ba ako nakikilala ha ALYN?

PINAG MASDANG MABUTI NI ALYN SI LADY VERA.

Doña Alyn: Hindi ako manghuhula! Sabihin mo sa akin kung sino ka!!!

Lady Vera: (Ngumiti) Hmmm... Ako lang naman si Bertalyn Tamayo ang dating katulong ng mga Villaviceño na ipinakulong niyo ni Chito noon!!!

NABIGLA SI DOÑA ALYN.

Doña Alyn: Ano? Ikaw si Bertalyn? Hindi! Imposible!

Lady Vera: Bakit? Hindi ka makapaniwala? Oo! Ako si Bertalyn at nagbalik ako para maghiganti sa inyong lahat at uumpisahan ko yun dito sa VGC! Bilang bagong may ari ng kumpanyang ito, inuutusan kita na lumayas dito!

Doña Alyn: Hahahahaha! At bakit kita susundin? Nababaliw ka na kung inaakala mo na mapapa sa'yo ang kumpanyang ito!

Lady Vera: Well, sorry ka dahil AKIN NA TALAGA ANG KUMPANYANG ITO SA AYAW AT SA GUSTO MO!!!!

Atty. Puno: Kung ako sa inyo Doña Alyn, aalis na ako.

Doña Alyn: (Tinitigan si Atty. Puno at sinampal) Hayop ka! Traydor ka! Pagbabayaran mo ito!!!

Lady Vera: Huwag kang magalit kay Atty.Puno kung hindi niya sinunod ang mga pinag uutos mo! Masyado ka kasing sakim at gahaman sa kayamanan ng ex husband mo kaya ito ang napala mo! Hmmm...

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon