CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE (PAGLIGTAS!)

24 0 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER 155
"PAGLIGTAS"

SA BAHAY NINA DON CHITO.

NAGPUNTA DOON SINA WINSTON AT ALDRIN DAHIL TINAWAGAN SILA NI MAUILYN UPANG IPAALAM NA TUMAWAG NA SI DOÑA ALYN.

Winston:  May nag tip na din sa mga pulis kung nasaan si Alyn at papunta na sila dun ngayon.

Don Chito: Sa lumang warehouse namin sa San Mateo. Doon niya dinala sina Jenny at Marielyn.

Mauilyn: Daddy, huwag ka ng pumunta doon. Gaya ng sabi ni Winston, papunta na ang mga pulis para iligtas sina Marielyn at Jenny.

Don Chito: Hindi anak, kailangan kong magpunta doon dahil baka kung anong gawin ni Alyn sa mga kapatid mo! Kilala natin siya, alam natin na kayang kaya niyang patayin ang mga kapatid mo.

Chenelyn: Tama ka Chito, halang ang kaluluwa ni Alyn.

Kendralyn: Dad, ako nalang po ang pupunta dun!

Don Chito: Hindi anak. Ako lang ang kailangan ng mommy mo. Desidido na ako, pupunta ako dun para iligtas ang mga kapatid niyo.

Winston: Sigurado po ako na kahit magpunta kayo dun, hindi pa rin siya tutupad sa usapan ninyo Don Chito. Tatawagan ko si SP04 Certeza para ipaalam ang mga sinabi niyo. Kung nagbanta si Alyn na papatayin niya sina Marielyn at Jenny kapag may isinama kayong pulis, dapat masabihan muna ang mga pulis na huwag munang sumugod hangga't wala kayo dun. Lilinlagin natin si Alyn. Pupunta kayo dun pero hindi pwedeng walang pulis. Kailangang maging maingat tayo sa mga hakbang natin dahil buhay nina Marielyn ang nakataya dito.

Kendralyn: Tama si Winston daddy.

Aldrin: Ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo dun!

Chenelyn: Sasama ako Chito dahil yun ang bilin ni Alyn!

Mauilyn: Sasama din po ako daddy.

WALA NG NAGAWA SI DON CHITO.
•••••••••••••••••••••••••••••
SA LUMANG WAREHOUSE.

KINAKAUSAP NI DOÑA ALYN SINA JENNY AT MARIELYN.

Doña Alyn: Parating na ang daddy niyo kasama sina Mauilyn at Chenelyn. Magkakasama sama na kayong lahat sa kabilang buhay! Hahahaha!!!

Marielyn: Hayop ka talaga Tita Alyn! Hayop ka!

Jenny: Napaka sama mo!

Doña Alyn: Oh Shut up! Alam ko na yan! Hayop ako, demonyo ako, masama ako, bruha ako! Oo na!!! Pero at least ako pa rin ang mananalo! Hahahaha! Kapag namatay na kayong lahat, magpapakalayu-layo na ako kasama si Kendralyn tangay ang pera ng daddy ninyo!

Jenny: Sa tingin mo sasama sa'yo si Ate Kendralyn? Hindi! Dahil kinamumuhian ka niya!

Marielyn: Hindi ka magiging masaya Tita Alyn dahil kahit makuha mo pa ang lahat ng kayamanan ni daddy, bale wala din yun dahil sigurado akong makukulong ka pa rin!

Jenny: At walang dadalaw sa'yo dahil walang nagmamahal sa'yo!!!

Doña Alyn: Punyeta kayong dalawa!

HINAMPAS SILA NI DOÑA ALYN NG BARIL SA MUKHA.

Jenny: Ahhhhh!!!

Vangie: (Nakapiring pa rin ang mata) Anong ginawa mo kay Jenny Ate? Hayop ka talaga!

Doña Alyn: Eh ginigigil nila ako eh! Gusto mo ikaw din ha? Tumahimik kayo kung ayaw niyong masaktan ha? Mga bwisit!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon