LYN SISTERS
CHAPTER 158
"Dalaw"SA ISANG COFFEE SHOP.
MAGKAKASAMA SINA MAUILYN, DANIELLA AT SHANA.Daniella: Hay naku, mabuti talaga at nakakulong na yang mommy ni Kendralyn ano? Grabe yung mga ginawa niya! Pati sariling anak nagawa pang i-hostage? Alam niyo dapat talaga mapatupad na yang death penalty eh para mabawas bawasan naman ang mga kagaya niya!
Shana: G na G ka ah? Grabe ka din eh. Kahit naman kriminal ang mommy ni Kendralyn, may karapatan pa rin 'yung mabuhay noh. Malay mo, biglang magbago at magpakabait na siya sa kulungan diba?
Daniella: Huh? Eh nakulong na nga 'yun dati eh, nagbago ba? Hindi diba? Anong ginawa niya? Tumakas at nagpanggap na patay na para makapag hasik pa ng lagim!
Shana: Eh malay mo naman this time magbago na talaga siya.
Daniella: Hay naku bala ka nga diyan.
Mauilyn: Huwag na nga kayong magtalo diyan. Alam niyo ang mahalaga, nakakulong na siya at gagawin namin ang lahat para mabulok na siya dun.
Daniella: Well, tama ka naman. Ang mahalaga okay na lahat diba? Parang kayo ni Kendralyn, okay na.
Shana: Pero totoo ba ang tsismis na hindi siya anak ng daddy niyo? Meaning, hindi niyo talaga siya kapatid?
Mauilyn: (Umiling) Hindi ko alam. Pero naniniwala ako na kapatid ko siya.
Daniella: Naks, talagang okay na okay na kayo ah? Hindi ka man lang masaya na malaman na baka hindi mo talaga siya kapatid?
Mauilyn: Oo, dahil okay na talaga kami kasi hindi naman talaga niya ako trinaydor noon eh. Lahat 'yun pakana lang din ni Alyn. Pinag away away niya kami para maisagawa niya ang mga plano niya.
Shana: Well, we're happy for you sissy. Okay na kayo ng family niyo and okay na kayo ni Kendralyn.
Daniella: Pero, may kulang pa rin.
Mauilyn: (Kumunot ang noo) Huh?
Daniella: Si Louie! Alam mo sissy, dapat balikan mo na siya! Kasi hindi naman totoo na may nangyari sa inyo ni Winston diba?
Shana: Oo nga sissy.
Mauilyn: (Napaisip) 'Yun eh kung matatanggap pa rin niya ako.
ANG HINDI NIYA ALAM AY NASA LIKURAN NA PALA SI LOUIE AT MAY DALANG MGA BULAKLAK.
Louie: Bakit naman hindi?
NAPALINGON SI MAUILYN.
NGUMITI SINA DANIELLA AT SHANA.Mauilyn: Louie? Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa diyan?
Louie: Halos kakarating ko lang.
Daniella: Pinapunta namin siya dito kasi alam namin na gusto mo na rin siyang makita.
Oh siya, dun muna kami sa kabilang table ah? Mag usap muna kayo diyan!Shana: Oo nga. Tamang tama, magva-valentine's day na! Sana all may love life! Hahaha!
TUMAYO NA SINA DANIELLA AT SHANA AT LUMIPAT SA KABILANG TABLE.
NGUMITI SI LOUIE KAY MAUILYN.
••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL NA PINAGDALHAN KAY KENDRALYN.NANDOON SINA HECTOR, CHELSEA AT PIA.
NAG KAKATATUWAAN SILA.
Kendralyn: I'm happy for both of you Chelsea and Hector. Sabi ko na eh, kayo ang magkakatuluyan.
Chelsea: Hindi ka sure Girl. Hindi ko pa naman sinasagot si Hector eh.
Pia: Sus, ang arte mo! Eh alam naman natin na bet mo talaga si Hector! Nagpapaligaw ka pa talaga. Bakit hindi mo nalang sagutin agad?
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?