CHAPTER SIXTY (Condolence)

65 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER SIXTY
"Condolence"

SA KOTSE NI ALDRIN. NAGDA DRIVE SIYA KASAMA NIYA SI MARIELYN.

Marielyn: (Katabi ni Aldrin) Salamat dahil pumayag ka na sumama sa akin sa burol ni Tita Alyn.

Aldrin: Wala yun. Kaibigan ko din naman si Kendralyn at gusto ko din siyang damayan ngayon. Plano ko naman talagang pumunta ngayon, naunahan mo lang akong tawagan.
I know how it feels na mawalan ng mommy dahil naranasan ko na rin yun kaya gusto kong makiramay kay Kendralyn.

Marielyn: Tama ka pero ang inaalala ko eh baka magkagulo sila dun dahil nagpunta doon sina Ate Mauilyn kasama sina Kuya Winston at Inay. Nalulungkot ako sa mga nangyari. Hindi ko sila napigilang magpunta dun kaya salamat dahil sasamahan mo ako ngayon. Kailangang mapigilan ko sila para hindi na magkagulo pa.

Aldrin: Sana naman hindi mangyari yun.

Marielyn: Sana nga. Malapit na ba tayo sa Chapel?

Aldrin: Oo. Malapit na.
•••••••••••••••••••
SA CHAPEL.
PATULOY SI MAUILYN SA PANG IINSULTO.

Mauilyn: Siguro nagpapa fiesta ngayon ang mga demonyo sa impyerno dahil sa pagdating ng Reyna nila.

Kendralyn: Kung wala kang magandang sasabihin tungkol kay mommy, umalis na lang kayo! Hindi ko kailangan ng pakikiramay ninyo!

Lady Vera: Kendralyn Hija, huwag mo sanang masamain ang mga sinasabi ni Mauilyn tungkol sa mommy mo. Alam mo naman ang pinagdaanan niya sa kamay ng mommy mo hindi ba? Kaya hindi mo siya masisisi kung nakakapagsalita siya ng ganyan.

Kendralyn: Naipakulong niyo na si mommy diba? Nagdusa na siya sa loob ng kulungan at ngayon patay na siya kaya sana patahimikin niyo na siya at igalang niyo sana ang burol niya!

Winston: Hindi naman kami nagpunta dito para bastusin ang burol niya. Nandito kami para makiramay.

Kendralyn: Oh come on Winston, we all know na hindi kayo pumunta dito para makiramay sa akin. Nandito kayo to check kung nagtagumpay talaga kayo na patayin si mommy! Hindi ba?

NABIGLA ANG MGA BISITA.

Lady Vera: What are you talking about?

Kendralyn: Kayo ang gumawa nito sa mommy ko! Kayo ang nagpasabog ng presinto para mamatay na siya dahil galit na galit kayo sa kanya! Hindi ba?

Winston: That's not true!

Mauilyn: Huwag mo kaming igaya sa mommy mong kriminal! Hindi kami mamamatay tao gaya ng mommy mo! Actually kulang pa nga ang paghihirap niya sa kulungan eh dahil sa mga masamang ginawa niya! Hindi pa siya dapat mamatay dahil hindi pa lubos ang pagdurusa niya! Kaso malakas talaga siya kay satanas eh kaya ayun kinuha na siya pabalik sa kaharian nila!

Kendralyn: Walang hiya ka talagang babae ka! Sumosobra na yang katabilan ng dila mo! Hindi mo na iginalang ang burol ng mommy ko!!!

SINUGOD NI KENDRALYN SI MAUILYN AT HINATAK ANG BUHOK.

Mauilyn: Ayyyy!!!

NAGULAT ANG MGA BISITA.

Chelsea: Oh my God, mukhang magkakagulo pa!

Pia: Kasalanan naman nina Mauilyn eh. Ang lakas ng loob nilang sumugod dito at insultuhin ang pangalan ni Tita Alyn.

MASYADONG MABILIS ANG MGA PANGYAYARI. HINATAK NI KENDRALYN SI MAUILYN PATUNGO SA KABAONG NI DOÑA ALYN AT BINUKSAN NIYA ITO TSAKA INIHARAP SI MAUILYN SA KAHINDIK HINDIK NA ITSURA NG SUNOG NA BANGKAY.

KITANG KITA NI MAUILYN ANG SUNOG NA BANGKAY. NAKAKAKILABOT. NANGHINA SIYA AT NAPAPIKIT.

Kendralyn: AYAN! PAG MASDAN MO ANG MOMMY KO! PAGMASDAN NIYO ANG GINAWA NIYO SA KANYA!!!

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon