LYN SISTERS
CHAPTER NINETY ONE
"BAD NEWS"SA ISANG LUMANG BAHAY DINALA NINA RENE SINA ALMA AT JOSIE. IPINASOK SILA SA BODEGA. NAKATALI ANG MGA KAMAY.
Alma: Ano bang kailangan niyo sa amin? Sino ba kayo?
Rene: Huwag ka ng maraming tanong! Malalaman mo rin lahat mamaya pagdating ng amo namin!
Josie: (Umiiyak) Ma, natatakot ako!
Alma: Huwag kang mag aalala anak, hindi tayo pababayaan ng Diyos.
MAYA MAYA AY DUMATING NA SI DOÑA ALYN.
Doña Alyn: Talaga ba? Pwes, tignan natin kung maililigtas kayo ng sinasabi mong Diyos ninyo! HAHAHAHA!!!
NABIGLA SI ALMA.
Alma: DO-DOÑA ALYN???!!! BUHAY PA KAYO??!!!
Doña Alyn: BUHAY NA BUHAY! FRESH FROM HELL!!!! HAHAHAHA!!!
Alma: Pa-Paanong nangyaring buhay ka? A-anong kailangan mo sa amin ng anak ko?
Doña Alyn: Basta buhay ako! Hindi mo na kailangang malaman kung paano nangyari kasi hindi ka na rin naman magtatagal sa mundong ito.
Alma: Anong ibig mong sabihin?
Doña Alyn: Isa ka sa mga puno't dulo ng lahat ng mga naging problema ko! Isa ka sa mga sumira ng mga plano ko! Kaya ikaw ang unang una kong binalikan at idadamay ko na rin pati ang anak mo!
UMIIYAK SI JOSIE AT ALMA.
Alma: Parang awa mo na Doña Alyn! Huwag mong idamay ang anak ko, wala siyang kinalaman dito!
Doña Alyn: Shut up!!! Kung hindi dahil sa'yo hindi na sana mabubuo ang pamilya nina Bertalyn! Hindi na niya sana makakasama ang anak niya! Kaya dapat lang na unahin na kita at isusunod ko ang Bertalyn na yan!
TINUTUKAN NI DOÑA ALYN NG BARIL SI ALMA.
Alma: HUWAG!
Josie: Huwag po! Parang awa niyo na!
Doña Alyn: WALA AKONG AWA KAYA SORRY NA LANG KAYO!
INUNANG BARILIN NI DOÑA ALYN SI JOSIE.
Alma: (NABIGLA) ANAK!!!!!!
Doña Alyn: HAHAHAHA!!!!
BINARIL NI DOÑA ALYN SI ALMA.
Doña Alyn: Humanda kayong lahat sa akin!!! Uubusin ko kayong lahat!!!!
NANLILISIG ANG MGA MATA NI DOÑA ALYN AT TUMINGIN SA MGA TAUHAN NIYA.
Doña Alyn: Sige na, itapon niyo na ang mga bangkay nila! Siguraduhin niyong malinis ang trabaho niyo ah!
Rene: Opo Ma'am!
•••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA MARIELYN.
NAKAUWI NA SI MARIELYN. KAUSAP NIYA SI LADY VERA.Marielyn: Nabanggit po sa akin ni daddy na galing po pala kayo sa mansion kanina.
Lady Vera: Oo anak, pinag usapan lang namin ang tungkol sa pagbabalik niya sa VGC.
Marielyn: Oo nga daw po. Sobra pong nagpapasalamat si daddy sa inyong dalawa ni Kuya Winston. Masayang masaya po ako dahil makakabalik na si daddy sa kumpanya niya. Alam ko pong napakahalaga ng VGC para sa kanya. Maraming salamat Inay.
Lady Vera: (Ngumiti) Wala yun anak. Ginagawa ko lang ang dapat at ang tama. Bawi ko na lang rin ito sa mga nagawa ko kay Chito.
NGUMITI SI MARIELYN.
•••••••••••••••••••
KINABUKASAN SA JANSOM.
TAPOS NA ANG AUDITION PARA SA MISTER AND MISS JANSOM UNIVERSITY.
NASA PARK ANG MAGKAKAIBIGAN AT MASAYANG NAG UUSAP USAP.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RastgeleTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?