LYN SISTERS
CHAPTER 149
"BUHAY SI ALYN!"SA BAHAY NI ROLANDO.
BINUKSAN NG KATULONG ANG KWARTO NI KENDRALYN AT NAKITA NIYA ITONG NAKA HANDUSAY SA SAHIG AT WALANG MALAY. BUMUBULA ANG BIBIG.
Maid: AYYYYYYY!!! Diyos ko! Anong ginawa mo ma'am??? TULONG!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!!
ISANG TAUHAN ANG DUMATING.
Tauhan: Anong nangyari?
NAKITA NIYA SI KENDRALYN.
Maid: Nagpakamatay ata siya!!! Diyos ko! Dalhin mo siya sa ospital! Malalagot tayo kay Ma'am Alyn kapag natuluyan siya! Bilisan mo!
AGAD BINUHAT NG TAUHAN SI KENDRALYN AT DALI DALING INILABAS NG KWARTO.
••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGDALHAN KAY DON CHITO.NALAMAN NA NI ROLANDO NA NAKATAKAS SI DON CHITO AT WALA NA RIN DOON ANG TAUHANG NAGPAKATAKAS SA KANYA.
GALIT NA GALIT SI ROLANDO.
Rolando: TRAYDOR!!! HANAPIN NIYO SIYA AT PATAYIN NIYO ANG GAGONG 'YUN!!!
AGAD UMALIS ANG MGA TAUHAN NI ROLANDO.
TINAWAGAN NAMAN NI ROLANDO SI DOÑA ALYN.Rolando: Alyn! Nasaan ka?
Doña Alyn: (Nasa kabilang linya) Pabalik na ako ng bahay niyo. Kamusta? Na dispatsa niyo na ba si Chito?
Rolando: May problema tayo! Pinatakas siya ng bantay niya dito!
Doña Alyn: (Natigilan) ANO???!! Leche naman yang mga tauhan mo na 'yan! Napaka tatanga!!!
•••••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO KUNG SAAN NAKA DUTY SI SPO2 LASCOTA.ISANG TAWAG ANG NATANGGAP NIYA.
Sp02 Lascota: (Sinagot ang phone) Hello, ma'am Alyn? Napatawag po kayo?
Doña Alyn: (Kabilang linya) May kailangan akong ipagawa sa'yo. Magkita tayo!
Sp02 Lascota: (Luminga-linga) Sige po, saan po tayo magkikita?
LIHIM NAMANG NAKAMASID SA KANYA SI SPO4 CERTEZA.
•••••••••••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL.NASA LOOB NG ICU SI MARIELYN AT KINAKAUSAP ANG KANYANG INA.
Marielyn: Inay, alam kong nahihirapan ka na pero please huwag po kayong susuko. Kailangan pa namin kayo ni Kuya. Inay mahal na mahal ka namin. Araw araw ipinagdarasal ko sa Diyos na sana magising ka na. Nahihirapan na po akong nakikita ko kayong ganito pero umaasa po ako na isang araw magigising ka at maririnig ko ulit ang boses niyo at makikita ko ulit ang mga ngiti niyo.
NAPALUHA SI MARIELYN.
Marielyn: Inay, lumaban ka ha? Huwag mo kaming iiwan ni Kuya.
MAYA MAYA AY GUMALAW ANG DALIRI NI LADY VERA AT NAKITA 'YUN NI MARIELYN.
Marielyn: (Natigilan) Inay? Naririnig mo ba ako?
HINAWAKAN NI MARIELYN ANG KAMAY NI LADY VERA.
Marielyn: Inay kung naririnig mo ako, pisilin mo ang kamay ko...
NARAMDAMAN NI MARIELYN NA PINISIL NI LADY VERA ANG KAMAY NIYA.
Marielyn: (Napangiti) Inay! Salamat po Diyos ko! Inay, nandito lang ako ha?
UNTI UNTING DUMILAT ANG MGA MATA NI LADY VERA.
Marielyn: (Napaluha) Inay, gising ka na!
SUMIGAW SI MARIELYN AT TINAWAG ANG DOCTOR.
BINABASA MO ANG
LYN SISTERS (COMPLETED)
RandomTatlong magkakapatid sa ama, mag aagawan sa mana. Sino ang mas may karaptan? Sino ang mas may laban?