CHAPTER FORTY EIGHT (PLAY GAMES)

45 1 0
                                    

LYN SISTERS
CHAPTER FORTY EIGHT
"Play Games"

NASA ISANG RESTAURANT SINA KENDRALYN AT WINSTON.

Kendralyn: Thank you dahil niyaya mo akong lumabas ngayon. Super boring kasi sa bahay.
Si mommy kasi laging wala, yung mga friends ko naman busy din ngayon.

Winston: (Ngumiti) I see. Mabuti na nga lang at free din ako ngayon dahil wala naman akong appointment.

Kendralyn: You know what, ang saya saya ko talaga mula nung nagkabalikan tayo. Ang dami kasing nangyari mula nung nag break tayo eh. At least ngayon medyo nabawasan ang lungkot ko.

Winston: Don't worry, I will always make you happy. By the way, how's your dad?

Kendralyn: Well, ganun pa din. Wala pa din siyang malay pero ang sabi ng doctor maayos naman na siya eh pero sana magising na talaga siya.

Winston: Sana na nga.

Kendralyn: By the way, pupunta lang ako sa ladies room ah?

Winston: Sure.

Kendralyn: I'll be back.

TUMAYO SI KENDRALYN AT UMALIS.
NAPATINGIN NAMAN SI WINSTON SA KABILANG TABLE. NANDUN PALA SINA MAUILYN AT MARIELYN (NAKA WIG AT SUNGLASSES SILA).

NGUMITI SI WINSTON SA KANILANG DALAWA AT TUMANGO.
TUMAYO SINA MARIELYN AT MAUILYN AT SINUNDAN SI KENDRALYN SA LADIES ROOM.

••••••••••••••••••••••
SA HOSPITAL.
DUMALAW DOON SI DOÑA ALYN.
KINAKAUSAP NIYA ANG WALANG MALAY NA SI DON CHITO.

Doña Alyn: Walang hiya ka, masyado mo akong pinapahirapan na makuha ang mga ari arian mo! Akala ko dahil sa nangyari sa'yo eh madali ko ng makukuha ang lahat sa'yo pero nagkamali ako! Bakit nakipagkasundo ka sa Lady Vera na yun? Bakit mo ipinagkatiwala sa kanya ang VGC? Alam mo ba na siya si Bertalyn ang pumatay sa mama mo? Well, siguro nasabi na niya sa'yo na hindi naman talaga niya sinasadya yun, na itinulak ko lang siya kaya niya nasaksak ang mama mo! Kaya siguro ginawa yun ano? Kaya siguro ipinaubaya mo sa kanya ang VGC dahil alam mo na ang lahat? Pwes, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang mga ari arian mo lalong lalo na ang VGC! Magpasalamat ka at kailangan pa kita kaya hindi pa kita tutuluyan!

MAYA MAYA AY BIGLANG DUMILAT ANG MGA MATA NI DON CHITO AT NAPATINGIN KAY DOÑA ALYN.

Doña Alyn: (Nabigla) Gising ka na?

BIGLANG UMUNGOL SI DON CHITO. HINDI SIYA MAKAPAG SALITA AT HINDI RIN SIYA MAKAGALAW.

Doña Alyn: Hmmm... Mabuti naman at gising ka na Chito! Yun nga lang eh mukhang wala ka na rin namang magagawa dahil sa sitwasyon mong yan ngayon. Hindi makapagsalita at hindi rin makagalaw. Hahahaha!

NAPALUHA SI DON CHITO. PINIPILIT NIYANG MAGSALITA PERO HINDI NIYA MAGAWA.

Doña Alyn: Don't worry, ang sabi ng doctor eh okay ka naman na daw pero sad to say na paralyze ka na at wala ng silbi kaya wala ka ng magagawa para pigilan ako na kamkamin ang mga kayamanan mo! Hahahaha! Siya nga pala, si Kendralyn na lang ang tanging tagapag mana mo dahil wala na si Mauilyn at si Marielyn naman eh mawawala na rin siya soon kaya yung mga mamanahin nila from you eh kay Kendralyn na lang lahat mapupunta! Hahahahaha!!!

•••••••••••••••••••
SA LADIES ROOM.
PUMASOK SA CUBICLE SI KENDRALYN.

NASA LABAS NAMAN NG PINTO NG LADIES ROOM SINA MARIELYN AT MAUILYN.
NAGTINGINAN SILA AT NAG EVIL SMILE.

Mauilyn: Ready to play games?

Marielyn: Ready!

INI-LOCK NILA ANG PINTO NG LADIES ROOM GAMIT ANG SUSI NA HINIRAM NILA SA MAY ARI NG RESTAURANT NA IYON NA KAIBIGAN NI WINSTON.
TAPOS AY IDINIKIT NI MARIELYN ANG ISANG PAPEL SA PINTO NG LADIES ROOM NA MAY NAKASULAT NA "OUT OF ORDER".

LYN SISTERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon